CHAPTER FORTY-TWO: A Second Chance

Comenzar desde el principio
                                    

"You were unconscious for two days. I started to get worried. Tatawagan ko na sana ang pamilya mo."

"A-ang baby?"

Please, sana buhay pa ang baby ko. Hindi ko kakayanin kung...

He stopped hugging me to look me in the eyes.

"The baby's safe."

Napabuga ako ng hangin.

Thank God!

"Ang sabi ng doktor isang malaking milagro na walang masamang nangyari sa baby. With the kind of fall you have taken, it was almost sure that the baby would not have survived." He grimaced. "But our baby's a fighter. Naka-survive siya."

Our baby.

Napaiyak na ako. Sabi ni Ethan, "our baby". Parang tumataba ang puso ko sa sinabi niya. Inaangkin na ba niya bilang anak ang dinadala ko?

"Shhh...'wag kang umiyak. You haven't fully healed yet." Totoo, medyo kumikirot nga ang bandang dibdib ko sa tuwing sinusubukan kong humagulhol.

"Hug me again, please." sabi ko sa kanya. He smiled and wrapped his arms around me.




Isang araw pa akong namalagi sa ospital. The doctor remarked that my prognosis was good and that my recovery was fast. Isa ngang tunay na milagro ang nangyari sa 'kin at sa baby ko. Ilang galos, baling buto, at pilay lang ang inabot ko. I could have had worse.

Nagpapasalamat na rin ako na hindi pinaalam ni Ethan sa pamilya ko ang nangyari. It would have created more complications.

Kasama ko sa silid ang isang nurse.
Tatanggalin na niya ang IV ko. Madi-discharge na rin kasi ako ng araw na 'yun.

"Excited na po kayong umuwi, ma'am?" tanong ng nurse sa 'kin. Tumango ako.

"Yeah. Gusto ko ng makalabas dito sa ospital. I need a change of scenery."

"Ang suwerte niyo po, ma'am." I thought she would remark about how lucky I was that my baby and I got through all of those things still alive. Pero hindi ko inasahan ang sumunod na sinabi niya.

"Hindi po kayo iniwan ni sir sa buong panahon na na-confine kayo rito. Sinasabi nga namin sa kanya na kami ng bahalang magbantay muna sa inyo para makauwi siya upang makapagpahinga pero ayaw pa rin niyang umalis. Alalang-alala po si sir 'nung wala pa kayong malay. Lagi niya po kayong kinakausap."

I knew that last part was true. Ang boses ni Ethan ang lagi kong naririnig habang hindi pa ako nagigising.

Ngayong nalaman ko kung gaano kalaki ang ginawa niya para sa 'kin, hindi ko mapigilan ang saya at init na kumakalat sa katawan ko.

My heart was doing these silly acrobatics inside of me. Kung kaya ko lang ay sasayaw ako.



The car stopped in front of the apartment. Napagkasunduan namin ni Ethan na doon na uli ako titira. He won't let me go back to the boarding house anymore.

Nahuli ng mga pulis ang mga magnanakaw na pumasok sa boarding house ng gabing 'yun. Isang boardmate ko ang nabaril ng magtangkang manlaban. She was saved just in time though.

Bumaba si Ethan para buksan ang pinto ko. Walang sabi-sabi na binuhat niya ako.

"Ethan!" Nanlalaki ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo? Ibaba mo 'ko. You don't have to carry me." Hindi naman nalagyan ng cast ang isa kong paa. May bandage lang 'yun. Hindi lang komportable maglakad pero hindi naman ako baldado.

"It's okay. I want to do this." Maybe it was the sincerity in his words or maybe it was the look in his eyes, but I shut up and let him have his way.

In-enjoy ko na rin lang ang pangyayari. I tried to smell much of Ethan as I can. Ang bango niya talaga.

Kalerky!

Pagpasok namin sa kuwarto ko ay ibinaba ako ni Ethan sa kama. Hindi ko inihihiwalay ang tingin ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nakakapit pa pala ako sa leeg niya kaya hindi siya makaalis. I reluctantly let go of him.

Nag-iwas kami ng tingin sa isa't isa. He excused himself.

Nang makalabas siya ay agad kong pinaypay ang kamay ko sa mukha ko.

Ba't biglang uminit dito?




Si Ethan ang naghanda ng hapunan namin. Nang magtangka akong maghugas ng mga pinagkainan namin ay sinabi niyang siya na lang daw ang bahala roon. Magpahinga na daw ako.

I feel so spoiled.

And yeah, I like it.

Mag-iisang oras na rin akong nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako madalaw ng antok.

The doorknob suddenly turned. Hindi ko alam kung bakit pero agad akong nagpanggap na tulog.

I heared the hardwood floor creak. Ilang sandali pa ay lumubog ang isang bahagi ng kama ko.

I can smell Ethan, that same intoxicating male scent of him that I am addicted with.

Pinigilan kong manginig ng hawiin niya ang buhok sa mukha ko.

Concentrate, Veronica. Bawal kang mabuko.

His fingers caressed the side of my face.

Juskooo! 'Wag kang magmumulat ng mata, Veronica.

Inilapit niya ang mukha sa 'kin. His lips touched my forehead.

"I'm glad you're home, Nic. This feels right, you with me. I wish this could last forever. I wish you could belong with me."

Saka niya inayos ang pagkakabalot ng kumot ko sa 'kin. I heard him leave the room.

Saka ko lang ibinuka ang mga mata ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Hindi na ba talaga babalik sa normal ang pagtibok ng puso ko? Anytime now, I was sure I would have a heart attack.

A smile slowly crept up my lips.

I wish the same too, Ethan. I want to belong with you.

The Girl He Likes To Fuck | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora