Kabanata V

192 7 8
                                    

~~~Marius Alden~~~

Nagising siyang masakit ang ulo niya. Curse this hangover! He looked around, nasa kwarto na siya. Hindi niya maalalang umuwi siya kagabi. Tumingin siya sa orasan.

"Alas dyes na pala." tumingin siya sa kama. Wala na ang asawa niya sa tabi niya. Tumayo siya kaagad at lumabas ng kwarto para hanapin ito. Sakto namang paglabas niya ng kwarto ay ang pagbukas ng pinto sa katabing kwarto. Lumabas ang bagong gising na asawa niya. Halata ang pag-iba ng expression nito nang makita siya. Galit? Inis? Pagkasuklam?

Linagpasan lang siya nito at tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto nila. Sinundan naman niya ito. Kumuha ito ng tuwalya at pumasok na ng banyo. Hindi niya alam kung bakit para lang siyang hangin sa paningin nito. Ayos naman sila kahapon. Napamura nalang siya sa pag-iisip. Mas sumasakit kasi ang ulo niya sa pag-iisip. Naghintay siya ng thirty minutes bago ito lumabas ng banyo. Hindi pa rin niya maalala kung ano ang nagawa niya. Yesterday was fine. They even kissed, twice! Pinayagan niya pa itong gumala kasama ang mga kaibigan. Kumuha ito ng mga damit at papasok sana muli ng banyo pero nagsalita siya kaya napahinto ito.

"Why are you so cold? Kanina mo pa ako dinadaan-daanan as if I don't exist!" naiinis na tanong niya. It took her full ten seconds to face him.

"Oh! Hi there!" bati nito na halatang nang-iinsulto.

"What happened? May nagawa ba ako?"

"Ikaw? May nagawa? Haha! Wala! Ikaw pa!" sagot nito. Nandoon pa rin ang sarcasm sa boses nito.

"Kung wala, bakit ganyan ka? Maayos naman tayo kahapon di ba?"

"Oo. Maayos tayo. Bago ka umuwi ng lasing kagabi!"

"What did I do?"

"Anong ginawa mo? Haha! Hindi mo maalala?"

"Look. I'm sorry if I did something to hurt you. I was drunk. Hindi ko maalala kung ano ang ginawa ko, hindi ko alam ang mga pinaggagawa ko."

"As always." malamig na sabi nito bago tuluyang pumasok sa banyo. Habang hinihintay itong labas muli, pinipilit niyang alalahanin ang lahat ng nangyari kahapon. Bago siya umalis siya ng bahay, he ate breakfast and kissed her twice. They'd agreed that she'd be home at five. He had an outside meetings with clients. At ng makabalik siya ng opisina, nag-usap sila ni Johnny.

"Fuck!" mura niya ulit nang maalala ang dahilan ng paglalasing niya. Lumabas na ng banyo ang asawa niya. Dumiretso ito sa walk in closet at kumuha ng mga damit.

"Hey, what's the meaning of this?" natatarantang tanong niya.

"Doon muna ako sa mga magulang ko this weekend." sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.

"I'm coming with you."

"You can't."

"Why not? I'm your husband."

"I told them that you're busy."

"May nagawa ako kagabi, di ba Angel?" sabi niya. Hindi ito sumagot.

"Sorry." sabi niyang muli. Linapitan niya ito at niyakap.

"Don't touch me." sabi nito at pilit na nagpumiglas pero hindi niya ito pinakawalan.

"I'm sorry." muling sabi niya.

"Let me go." walang emosyong sabi nito. Hindi pa rin niya ito pinakawalan.

"I said let me go!" singhal nito sa kanya pero hindi pa rin niya ito pinakawalan.

"Kung gusto mong matutunan kitang pagkatiwalaan, huwag mo akong susundan sa amin. Uuwi ako Monday afternoon. Bitawan mo ako." sabi nito. Napabuntong hininga siya. Wala na siyang nagawa kundi kumalas sa pagkakayakap dito at panuorin nalang ang pag-alis nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Broken Angel - HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon