Kabanata I

537 18 3
                                    

~~~Winter Angel~~~

"Mabuhay ang bagong kasal!" nag-eecho pa rin sa isipan niya ang masayang bati ng mga dumalo sa kasal nila. It's a beach wedding, gaya ng pangarap niya. But it's not her dream to be married to a stranger, or semi-stranger, 50% stranger or whatever.

Nasa harap siya ng salamin habang sinusuklay ang buhok. Napatingin siya sa singsing sa daliri niya. It's just a simple wedding ring pero halatang mamahalin. Sa isang iglap, siya na si Winter Angel Valdez-Villaruel, ang asawa ng isa sa most eligible bachelor in town dati na si Marius Alden Villaruel. She dreamt to be married, pero sa isang taong mahal niya at hindi sa taong biglaang ipinakilala sa kanya sa araw ng engagement party nila.

Narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas ang 'asawa' niya na tanging ang tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang katawan nito. He has the perfect body, halatang alaga ng gym ang katawan nito. Patuloy nitong pinupunasan ang buhok gamit ang isa pang tuwalya. Nagtungo ito sa drawer kung saan nakalagay ang nga boxer shorts nito. Nang akmang tatanggalin nito ang tuwalya sa katawan, nagmadali siyang pumasok sa banyo at ini'lock iyon.

Napakawalang modo! Tama bang maghubad habang nandoon siya! Nagpalipas siya ng limang minuto bago lumabas muli. Paglabas niya, nakahiga na ito sa kama. Hindi niya ito pinansin at diretsong naglakad papunta sa pintuan.

"Where are you going?"

"Mangangapit-bahay siguro." pabalang niyang sagot at lumabas na ng kwarto. Bumaba siya at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Hindi niya namalayang sumunod pala si Marius sa kanya. Hindi ito umiimik pero alam niyang pinagmamasdan siya nito. Wala silang imikan hanggang sa umakyat silang muli sa taas. Liliko sana siya dahil ayaw niyang matulog kasama ito pero naging maagap ito at nahila siya papasok sa kwarto 'nila'.

"Let's sleep." tanging sambit nito ng makahiga sila at niyakap siya ng mahigpit. Naiinis siya sa lalake.

Sikat ito pero hindi niya kailanman inisip na magiging asawa niya ito. Biglang nalang isang gabi, isinama siya ng mga magulang niya sa isang party which turned out to be their engagement party and that was only three days ago. Now, they're married. She loathed him. Sigurado namang katawan lang niya ang habol nito katulad ng ibang lalake. Kapag nagsawa na ito, alam niyang makikipaghiwalay ito sa kanya. Baka nga peke pa ang kasal nila. Napaismid siya sa naisip.

Gustuhin man niyang tumakas noong nalaman niyang ikakasal siya dito, hindi niya magawa. Dahil pagkatapos na pagkatapos ng engagement party nila, dito sa bahay na ito na siya pinauwi ng mga magulang niya at bantay sarado siya. Lahat ng galaw niya, may nagmamatyag. Wala siyang maisip na dahilan para ipagkasundo siya ng mga magulang niya sa lalakeng ito. Alam niyang hindi pa palugi ang negosyo ng mga magulang niya at wala ding pagkakautang ang mga ito.

"Bakit hindi pa natutulog ang maganda kong asawa?" malambing na tanong ni Marius sa kanya. Hindi pa pala ito nakakatulog.

"Hindi ako sanay ng may katabi." she answered coldly.

"Masanay ka na." tanging sabi nito at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

"Ano ba! Hindi ako makahinga!" reklamo niya. Nag-sorry naman ito at niluwagan ng kaunti ang pagkakayakap sa kanya. Hindi nalang siya umimik. Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Hanggang sa nakaramdam siya ng maliliit na halik sa balikat niya. Napaigtad siya. Pilit siyang kumalas sa yakap nito at dali-daling pumasok ng banyo.

Akala niya nakalimutan na niya ang nakaraan, well almost! Pero mula noong nakasama niya ang lalake, parang kahapon lang nangyari ang pinakasusumpa niyang araw. Napakalinaw na naman ng pangyayaring iyon sa isipan niya kahit ilang taon na ang nakakaraan. Pilit man niyang ibinabaon sa limot ang lahat, hindi niya magawa. Hindi niya magagawa kahit kailan lalo pa at nakatali na siya sa isang lalakeng magpapaalala sa kanya ng nakaraan. Maya maya pa ay nakarinig siya ng katok.

His Broken Angel - HiatusWhere stories live. Discover now