Part 8 :: Presumption

3.2K 119 7
                                    

"Hazen!" Mieko rushed to Hazen as soon as she stepped out of the taxi, embracing her tightly. Halatang galing ito sa pag-iyak dahil sa namumugto nitong mga mata, na malamang ang dahilan ay ang papel na mga natanggap nila na may nakasulat na KISS, MARRY, KILL.

"Nasaan na sila?" Hazen asked as she caressed Mieko's back.

"Malapit na raw sila," sisinghot-singhot na sagot ni Mieko sa kanya na kumawala rin agad ng yakap. "Hazen, I'm scared. What was that? Bakit tayo nakatanggap ng ganoong papel?"

"Dinala mo ang papel?" tanong din niya imbis na sumagot. Her expression was one of complete horror as well.

Mieko nodded. Ilalabas na sana nito ang papel pero natigil sila sa pag-uusap nang may pumaradang taxi sa tapat nila. Sabay-sabay na lumabas doon sina Harvey, Prince, at Je Em.

"Guys!" Sinalubong ni Mieko sa tatlong binata, kay Harvey ito yumakap.

Hazen simply gave a slight smile as the three guys looked at her. "Let's go in my room," at pag-iimbita niya sa kanila para mapag-usapan na nila ang tungkol sa mga natanggap nilang papel.

"Oh, come on. That's impossible. Jane was dead. Saksi tayong lahat noon na nasa kabaong siya," Harvey disagreed when Je Em suggested that Jane might be the sinister one.

They are now in Hazen's room, discussing what is happening to them. Kung iyong unang natanggap nilang papel na isinilid sa bag ni Hazen ay pinalampas nila, ngayon ay hindi na. Sapagkat hindi na nakakatuwa, nakakabahala na.

"So sino kung gano'n?" Je Em asked quizzically. Nasa study table ito ni Hazen. Pinapaikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan, pinaglalaruan habang naka-de-kuwatro ng upo.

"I don't know," Harvey replied with perplexity, pacing back and forth in front, scratching his chin, and contemplating intensely like a detective. "Pero imposible talaga na si Jane, eh."

"Hindi kaya nagmumulto siya para paghigantihan niya tayo? Like sa mga movies?" Mieko voiced out her own thoughts as well. Panay ang kiskisan ng mga palad niya. Mas matinding takot ang nakapinta sa mukha nito ngayon.

"Mieko, there's no such ghost, okay?" Hazen opposed but in undertone. Katabi niya si Mieko na nakaupo sa gilid ng kama niya. Yakap nito ang isang unan niya.

"Malay mo," giit pa rin ni Mieko.

Hazen waved a dismiss hand. Walang saysay kung pagtatalunan pa nila ang bagay na iyon.

Si Prince na tahimik lang na nakasandal naman sa pader ng pinto at naka-cross arms ay nakisali na rin sa usapan. "Are you sure na tayo lang ang nandoon noon talaga? I mean noong gabi na nabangga si Jane?"

"Of course. Gabi na 'yon kaya imposible na may mga estudyante pa," Je Em's certainty. Napapitik pa ito sa ere.

"May kasama tayo pero sina Kuya Guard," sagot din ni Mieko na pagtatama kay Je Em.

"Yeah, but Kuya Guard just came to us during the blackout," mas pagtatama ni Harvey na napagod na yata sa paglakad-lakad kaya tumayo na lamang habang nakapamulsa.

Paikot na sila ngayon habang nag-uusap, magkakaharap.

Walang nakakapansin kay Hazen na napakagat-labi siya. Napakunot-noo rin siya at naniningkit ang mga mata habang nanahimik. May naisip kasi siya pero sinasarili niya muna.

"Kapag nalaman ko talaga kung sino ang nananakot sa 'tin! I'll skin him or her alive! Swear!" Je Em stated after a while, his teeth gritted and his jaw clenched in anger.

"Patingin nga ako ng mga papel," dikawasa'y hiling sa kanila ni Prince.

Binigay naman nila agad.

Inilapag na ni Prince ang mga papel sa sahig. Pinalibutan nila iyon upang obserbahan. Ngunit wala naman silang kakayahan para makakuha ng hint doon kung sino ang nagpabigay sa kanila iyon. Isa lang ang napansin nila, ang pare-parehas ang sulat kamay.

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Where stories live. Discover now