Chapter 1

188K 3.8K 447
                                    

Chapter 1

Troublemaker

"Savannah Kier Walker! Detention! Now!"

Napatunghay si Savannah sa gulat dahil sa biglang pagtawag sa kanyang pangalan. Tumingin siya sa paligid at lahat ng kanyang kaklase ay nakatingin sa kanya. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa klase. Inayos niya ang kanyang buhok at bahagyang pinunasan ang laway sa kanyang pisngi. Tumingin naman siya sa kanyang unahan kung saan nakatayo ang kanyang teacher na nakapamewang na ngayon at masamang nakatingin sa kanya.

"I said, to the detention, now!"

Savannah rolled her eyes and stood up. "Palagi mo na lang akong pinapapunta sa detention. Hindi ko naman kasalanan na boring at nakakaantok ang klase mo. Dapat nga ikaw 'tong pumupunta sa detention, eh." She smirked and walked towards her teacher. "Mrs. Go, to the detention, now!" She joked and laughed afterward. The whole class burst into laughter.

Mrs. Go slammed her hand in her desk and glared at Savannah.

"Ms. Walker, you'll be staying in the detention until 8! I'm serious about that so go ahead!"

Savannah flipped her hair and smirked. She put her hands at the teacher's table and leaned in.

"How about until 10? That would be nice." Bago pa maka-react ang kanyang teacher ay wala pang ilang segundo ay naglaho na siya sa loob ng room. Napuno naman ng 'Woah' at 'Wow' ang buong room dahil sa pinamalas na bilis ni Savannah. Pinigilan naman ng kanyang teacher na mahimatay dahil sa supernatural na abilidad na ipinakita ng dalaga. Ang eskwelahan kasing pinapasukan niya ay eskwelahan ng mga tao. Dahil nga tanggap na ng mga tao ang bampira, halos karamihan sa school na ito ay mga bampira rin ang napasok at isa na roon si Savannah na kilala bilang isang troublemaker sa campus.

Kahit matataas ang nakukuha niyang grades, hindi biro ang mga records niya. Madami siyang kalokohang ginagawa pero dahil nga madalas siyang nangunguna sa klase at sa mga exams, nakalilimutan na ang kanyang mga ginagawa. Dahil sa taglay niyang ganda, pati na rin sa reputasyon niya bilang anak ng isang pinakamalakas na bampira, tinitingala siya sa eskwelahan at sa lugar na ito.

"School is getting boring these days," she muttered to herself. Abala siya sa pagnguya ng kanyang chewing gum ng maramdaman niya ang isang pwersang papalapit sa kanya at sa pagharap niya ay mabilis niyang nasangga ang pag-atake nito pero bago pa lumapat ang kamay ng kung sino mang umatake sa kanya ay tumilapon na ito sa sahig. Bahagyang pumula ang mata ni Savannah at nang tingnan niya kung sino ang umatake sa kanya ay napangisi na lang siya. "You will never win against me, Warren. You'll be a forever loser." Gumawa siya ng letter L sa pamamagitan ng kanyang daliri at inilagay sa kanyang noo...

Tumayo naman ang binata at pinagpagan ang kanyang pantalon.

"Eh, 'di ikaw na ang may malakas na kapangyarihan! Por que tao ako minamaliit mo na ako." Binelatan lang ni Savannah si Warren at sabay na silang naglakad.

Si Warren Pressman, ang kauna-unahang taong naging kaibigan ni Savannah. Nakilala niya ito noong nag-e-enroll pa lang siya. Hindi niya kasi alam ang direksyon papunta sa Accounting Office at si Warren ang tumulong sa kanya. Simula noon ay naging magkaibigan na sila.

" 'Wag ka ngang sugod nang sugod! Paano kapag napalakas 'yung atake mo sa 'kin, 'di ikaw pa 'tong mas masasaktan? Bobo ka rin, 'no?" Itinulak ni Savannah ang noo ni Warren sa pamamagitan ng kanyang hintuturo.

Ngumuso naman ang binata at hinawakan ang noo niya. "Saan ka nga pala pupunta? 'Di ba may klase pa kayo?" tanong nito sa kanya. Humarap ito kay Savannah at patalikod na lumakad habang nakikipag-usap sa kanya. "Teka, huhulaan ko na lang. Pinapapunta ka na naman sa detention, ano?"

The Prodigious VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon