Boy Wattpad (One Shot)

12.3K 351 144
                                    

Boy Wattpad (One shot)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Pare,tanga ka ba?Pinakyu ka nga eh tapos mahal ka. Gago lang?"Ang galing naman kausap nitong si Quen.

"Eh sus! Basta mahal ako nun. Kasi sa wattpad nga,yung mga babae pakunyari-kunyari lang.Sa mga POV nila.. di nila sinasabi kinikilig na sila.Dina-daan lang sa pangha-hard."Sagot ko naman.

"Sige pare,para kanino ka bumabangon?Parang baliw.Pare wake up wake up,brush your teeth!"-_-

"Basta..feeling ko mahal niya ko."kasi tugmang-tugma kami sa nabasa ko sa wattpad.

"Kath!Wait lang."

"Ano na naman."Nagmamadali siyang maglakad.Hinarang ko siya..

"Hatid na kita.."Sabi ko at ngumiti.

"Wag na."Inirapan ako.

"Sus. Baho naman,e.Sige na."

Ayan,go lang DJ.Kasi don sa 'Operation:Stealing The Badboy'kahit kasi sobrang imbyerna na si Romano kay Zab na-fall parin siya sa kakulitan ni Zab.Oh edi ma-fa-fall din sakin to'ng Kath. Ako kunyari si Zab at siya si Romano. Oh diba.Galing ko no?

"Wag na."

Aalis na naman sana siya ng hinila ko siya.Sa OSTB din kasi,ganyan mag lambingan sina Zab at Hero.Feeling ko mas nakaka-kilig kasi kung samin yun ni Kath mangyari.

"Punyeta DJ ah!Bitawan mo nga ako."Oh diba ang sweet niya. Shet,parang kami talaga ang Zero. Naks. Gwapo ko talaga.

"Aba punyeta din,sabi ko naman sayo ihahatid kita e.Pano kung makidnap ka ha?Aba,hindi ako makaka-payag kaya hayaan mo na ako."

Kinuha ko ang bag at folders niya..Sabay inakbayan siya.

Ayan!Nako,alam kong kinikilig yan.Ganyan kasi sa wattpad,akbayan lang ng lalake tatanggalin yung braso tapos iirap. Pero yung totoo naman,kinikilig sila.

At tumpak nga!

Tinanggal ni Kath yung braso ko at inirapan ako. Shet,napangit tuloy ako. Nakaka-kilig naman.Kinikilig yun panigurado.

"Pare,ang tanga-tanga mo talaga."

"Good morning din Quen..Ano breakfast mo?"

"Tigilan mo na kasi Kath.Obvious namang di ka gusto non!"

"Aba,masarap yan. Ma try nga."

Bigla naman niya akong binatukan.Binatukan ko nga din.Lehe,akala niya siya lang marunong bumatok?Madali lang yan,batukan mo lang.

"DJ NAMAN E."

"Ako kaya ang tigilan mo!"

"May boyfriend na yun."Tinignan ko siya sa mata.

Ahh, alam ko na.

May gusto siya kay Kath. Sa HDWY kasi,nung sinabi ni Lester kay DJ...wow,DJ din rin pangalan. Well,its possible.Ok. Nung sinabi ni Lester kay DJ na tigilan niya yung babaeng pinagtritrpan nila,inamin ni Lester na gusto niya yung babae. Diba?Tss. Lumang style na. Kunyari pa.Tokwa naman e.

Gusto niya sigurong itigil ko to para sya yung maka-porma.

Walang kwenta.

"Una na'ko."Sabi ko at tumayo.Pupuntahan ko nalang si Kath.Asa library yun panigurado.

Boy Wattpad (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon