Chapter 28: Washing Machine With Aroma Therapy

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ako naniniwala -.-, ganyan ka naman eh."

"Haay, dapat nga dito ka lang diba miss mo na ang lolo mo?"

"Di na naman babangon yan eh."

"Salbahe?!"

"Alam niyo imbis na magtalo kayo magdrive ka na Gab papuntang broadway then dun na kayo magpraktis."

"Teka nga... alam mo nakakahalata na ako sa'yo ha, bakit ba panay ang pilit mo? Feeling mo naman papapasukin yan? Buntis yan, hindi pinapapasok ng studio yung mga buntis?"

"Pano mo nalaman nabuntis ka na ba?", malapit-lapit na ito sa akin eh, nagjo-joke ba siya? Pwes, corny! Feeling close masyado.

"Sayang naman... gusto ko pa namang magpunta ng Eat Bulaga matagal na..."

"Hayaan mo, pagkapanganak mo,dadalhin kita dun kahit ilang beses"

"Weh? Eh baka wala na akong maalala sa panahong yun."

"Grabe naman."

"Ano ba yang Eat Bulaga na sinasabi niyo?", tanong ni itay.

"Ako po tay, gusto ko po sana magpunta sa Eat Bulaga."

"Ah... yun ba? Aba, walang problema dahil sila mismo ang pupunta sa atin", wehh? Joker din pala siya, haha.

"Haha... ayan, narinig mo si itay?"

"Nagsasabi ako ng totoo, yung barangay natin yung kasali bukas dun sa Juan For All."

"Talaga po???!!!", tuwang-tuwa si Emarie.

"Oo nga."

"Ate, dun kaya kayo ngayon samin tumuloy mamaya? Dun na kayo matulog total wala ka na namang pasok eh, saka malay mo tayo pa mabunot, swerte daw ang buntis eh."

"Gab... please?"

"Emarie... kahit di ka na magplease, bakit hindi? :)))"

"Yehey! Uhm, ikaw Felix gusto mo magpunta bukas? O kaya dun naka rin matu--"

"Kulang kwarto niyo diba? Pero kung gusto niya dun sa shop ni itay :)"

"Huh? Next time na lang", next time daw??? "Parang di naman bukal sa loob mo yung pang-iinvite eh."

"Ha? Si Em naman ang nag-invite eh hindi ako", di na siya nakapagsalita, lumayo na lang siya ng tingin.

EmEm's POV:

Hindi ako makapaniwalang makikita ko bukas sina Jose, Wally at higit sa lahat ang poging-poging si Paolo... sana si Bossing din :/.

Dahil sa excited ako, pinauwi ko muna si Gab sa amin para kunin yung gamit namin, ayaw pa nga sumunod eh, pero napilit ko din.

Katabi ko ngayon si Felix.

"Bakit pinipilit mo kami kaninang isali sa Pinoy Henyo?"

"Wala lang, para makalapit ako sa'yo", mahinang reply niya.

"Huh? Labo mo naman."

"Ang tagal na kasi nating hindi nagkakausap, sa totoo lang hindi naman talaga ako nanunuod ng Eat Bulaga eh, naghanap lang ako ng way para makausap kita na hindi nagagalit si Gab."

"Huh?"

"I don't know but this is weird, gusto ko lang marinig sana yung boses mo kaya ko nagawa yun."

Ang weird nga, nacoconfuse ako sa kanya ://, ano ba ibig niya sabihin? Nakakakilabot, pabulong pa niya sinasabi yun, I mean halos pabulong. Mabuti pa mag-iiba na lang ako ng topic.

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon