Nang sa wakas makarating kami ni Scott sa bahay nila dito sa Pangasinan, saktong gabi na. Pinark lang ni Scott ang kotse tsaka kami sabay na bumaba.

Malaki din ang bahay na 'to parang kasing laki ng Rest house nila sa Batangas.

Si Scott ang unang pumasok sa'min sa bahay habang bitbit niya 'yong bag namin. Nakasunod lang ako sa kanya at inililibot ang tingin sa paligid.

Dumiretso kami ni Scott sa sala at do'n muna niya nilapag ang gamit namin.

"Sweetie, gusto mo ba'ng kumain muna o matutulog na tayo?" Tanong niya.

"Gusto ko ng matulog at humiga, sweetie. Hindi naman ako nagugutom e."

"Mmm. Gano'n ba, sige matulog na tayo."

Binitbit niya ulit ang bag namin tsaka siya nag simulang maglakad papunta na siguro sa kwarto namin kaya sumunod na lang ako.

Pagpasok namin sa kwarto at paglapag niya ng gamit namin. Una kong kinuha sa bag namin ay towel, para makapag shower na.

"Mag sha-shower ka na sweetie? Pwede ba 'kong sumabay?" Tanong ni Scott habang nakaupo sa gilid ng kama.

"Nice try pero hindi pa pwede!"

Nag pout siya. "Bakit naman? Kasal na tayo a!"

"Kahit na! Bago palang tayo nu. Tsaka mo na i-request 'yan, pag balik mo."

"Ang tagal pa no'n!"

"E di maghintay ka! Ako nga din maghihintay e, dapat ikaw din!"

"Tss!" Nag pout na naman siya bilang pagpapakita ng pagka-disappoint niya.

Naglakad na lang ako papalapit sa kanya nag bend ako at hinalikan ang labi niyang nakapout.

"'Wag ka ng magtampo dyan, hindi bagay." Biro ko.

Nag lakad na 'ko papasok ng bathroom para makapag shower naman. Nang matapos naman akong mag shower, lumabas na 'ko ng bathroom ng nakatapis lang ng tuwalya. Paglabas ko ng bathroom nakita ko si Scott na nakahiga ng topless.

Tumingin siya sa direksyon ko nang mapansin ako at ngumisi ng pilyo.

"Sexy talaga ng asawa ko."

Loko talaga 'to!

"Tumigil ka nga! Lumabas ka na nga muna!"

"Bakit naman ako lalabas?"

"Magbibihis kasi ako!"

"Ano naman? Hindi mo na nga ako pinasabay mag shower pati ba naman sa pagbibihis mo bawal kitang panuorin?" Sa tono niya nagtatampo talaga siya. Tss. Para siyang bata!

Haay! Sige na nga, pagbibigyan ko na 'tong asawa ko. Mag bibihis lang naman e.

Kumuha na lang ako ng short at T-shirt, tsaka ko 'to sinuot na may kunting ilang dahil nga alam kong pinapanuod ako ni Scott. Ngayon lang ako na ilang sa pagbibihis.

After kong mag bihis, umupo na 'ko sa tsaka ko pinunasan ang buhok ko.

Naramdaman ko naman ang pagbangon ni Scott sa kama.

"Ako naman mag sha-shower." Sabi niya habang naglalakad papalapit sa bathroom. Bakit 'di niya ginawa 'yan no'ng nag bibihis ako? Oo nga pala gusto niya akong panuorin.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagpupunas ng buhok ko hanggang matuyo 'to. Wala pa naman akong blower kaya tiis-tiis lang sa pagpupunas ng buhok ko.

Nang matapos naman ako, sunod kong ginawa ay inayos ang mga gamit namin na nilapag lang ni Scott dito sa sahig. Itinabi ko 'to, para hindi nakakalat.

After kong gawin 'yon sakto ang tapos ni Scott sa pagsha-shower niya. Lumabas siya sa bathroom ng nakatapis sa bewang niya ang tuwalya.

Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at humiga na lang sa kama, patalikod sa kanya para hindi ko siya makita. 'Di ko alam kung bakit ako naiilang sa kanya e mag asawa naman na kami.

Naramdaman ko ang pagupo ni Scott sa kama. Humarap na 'ko sa kanya since mukhang tapos na siyang mag bihis. Busy siya sa pagpupunas ng buhok at... Shirtless pa din siya. Mukhang wala siyang planong mag damit sa pag tulog namin.

After niyang punasan ang buhok niya, humiga din naman agad siya sa tabi ko. Pinagamit niyang unan ang braso niya at tumanday pa sa'kin.

"Sweetie," Tawag niya.

"Mmm?" I look up at him.

"Mangako kang tatarayan mo ang lahat ng lalakeng magpapa-cute sa'yo."

I smiled. "I promise."

"'Wag ka ding iinum."

"Sweetie, hindi ka pa naman aalis bakit nag bibilin ka na?"

"Araw-araw kong ibibilin sa'yo 'yon habang magkasama pa tayo para talagang gawin mo!"

I laughed, softly. "Okay."

"Tsk. Sumama ka na lang kaya sa'min?"

"Alam mong hindi pwede 'di ba? Ayokong agawin ang atensyon mo sa parents mo at isa pa nag aaral pa 'ko dito."

"Alam ko, mamimiss lang kasi talaga kita."

"Don't worry, i promise after graduation bibisitahin kita sa States."

"Okay, promise 'yan a!"

"Oo."

"Do'n na din tayo gagawa ng baby."

Grabe! Baby agad?!! Hindi pa 'ko handa do'n.

Hinampas ko siya sa dibdib niya.

"Awww! Bakit?" Natatawa niyang tanong.

"Wala pa sa usapan ang baby, pagbalik mo pa 'yon! Tsaka 'di ba ang binigay na kondisyon nila Mama at Papa para pakasalan ako ay wala muna Baby hangga't hindi ka pa nakakabalik?"

"Oo nga! Pero tingin ko naman kasi gusto lang muna nilang maka-graduate ka. Graduate ka na no'n kaya pwede na!"

Hinampas ko ulit siya sa chest niya.

"Hindi pwede!" Loko talaga 'to.

"Tss." He pouts. Pinitik ko ng mahina ang labi niyang nakapout. Ang cute na kasi, nag papa-cute pa.

Bigla naman siyang pumaibabaw sa'kin na ikinagulat ko.

"H-Hoy, anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong.

Ngisi lang siya sa'kin ng pilyo tsaka niya ako hinalikan sa labi ko. Hinawakan ko naman siya agad sa magkabilang pisnge niya para pigilan siya sa ginagawa niya.

"Ano ka ba! Bawal pa 'yan!"

"Wala sa usapan na bawal ang kiss!"

"I know pero b-baka madala ka."

Lalong lumaki ang ngisi niyang mapangasar. "Ako? O ikaw?"

"IKAW!" Kaloka 'to, binabaliktad pa niya akala naman niya hindi ko alam kung anong ugali niya kapag kasama ko. Siya kaya 'tong laging hindi mapigilan ang sarili.

"Sweetie, honeymoon naman natin siguro naman pwede ang make out?"

"Make out?"

"Make out!" He repeated nodding.

"Just-"

"Just make out, i promise."

"Okay."

Ngayon napalitan ang ngisi niya ng ngiting excitement.

He kissed me again and nag respond naman agad ako.

--

Epilogue next.

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now