No way! Ayoko no. Baka kung ano pang kalokohan ang nakasulat dito! Ayoko mapahiya! Pero si Steven bigla nalang tumayo at lumapit sa akin.


"Ma'am, tutal ako naman po yung nagbigay, pwede po bang ako na lang magbasa?"


^___^ Sige ba!!! Ikaw nalang Steven!


"Oo nga po ma'am para mas exciting!" - classmate 1


Tapos kinuha ni Steven yung letter niya at nagpunta na siya sa harapan. Seryoso namang nakinig yung mga classmates ko. Ako, parang kinakabahan ako sa mga sasabihin niya.



Steven's P.O.V.


Salamat ms. Author! Nagka-P.O.V. na me!!! Thumbs up!

Grabe, sana magustuhan ni Abby ang mga salitang sasabihin ko mula dito sa sulat na ginawa ko for her.


"Ahemm... Classmates, nais 'kong ipaalam sa inyong lahat na ang bawat mga salitang nakasulat at inyong maririnig mula dito sa sulat na aking inaalay kay Abby na aking sinisinta, ay nagmula sa kaibuturan ng aking puso.  Oh Abby, ngayon lang talaga ako magpapaka-makata at maglalakas loob na gawin ito. Sapagka't matagal na talaga akong humahanga sa'yo. Una pa lamang kitang makita, ako'y tinamaan na at ako'y na-love-at-first-sight agad sa'yo. Kahit ako'y minsan mo lang pansinin o kausapin, ayos na basta't alam ko'y ako'y iyong napapansin rin. Sana iyong nagustuhan itong maikling sulat na aking nilikha upang sayo'y maipahatid ang sinisigaw at tinitibok ng aking damdamin. Aanhin ko pa ang pag-ibig, kung hindi ikaw Abby ang siyang aking iibigin. Salamat po!"



 Abby's P.O.V.



Speechless ako sa sinabi ni Steven. Hindi ko alam kung bakit pero parang bumaliktad sikmura ko. Tiningnan ko si Gino at halatang naiiyak na siya sa sobrang tawa. Mga classmates ko naman, panay ang hiyawan. Parang nanalo lang sa lotto teh? Maski nga si ma'am namin, tuwang-tuwa din. Kayo na, kayo na ang masaya! 



"ABBEN! ABBEN ! ABBEN!!! FOREVER NA YAN!!!"



"ABBEN for Abby and STEVEN!!! WOOOHHH!!!"


Parang eleksyon lang?! Kung maka-hiyaw lang?! Eto namang si Steven tuwang-tuwa sa mga naririnig niya. May pa-bow pa siyang nalalaman. Binigay niya ulit sa akin yung sulat. Tsk. Ewan ko sa kanya!


"Ikaw na talaga Abby!" - Shiela


"Oo nga! Haba ng hair mo teh!" - Karen


"Ms. Santana, ano namang masasabi mo sa sulat na ginawa for you ni Steven?"


Ano bang gusto niyong marinig mula sa akin.


BestFriend ko, Mahal ko...(Complicated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon