Chapter 7

146 5 0
                                    

CHAPTER 7



Gino's P.O.V.



   Kainis naman talaga oh! Nadamay pa talaga ako dito sa kalokohan ng babaeng 'to. Ginawa pa'kong tour guide kuno ng school! KAINIS!!! Nandito na kami sa likod ng school kung sa'n walang tao. Bahala siya diyan!


Mas nag-aalala naman ako kay Abby. Ba't ganun siya kanina? Ni hindi man lang ako tinulungan eh obvuse naman na humihingi ako ng help sa kanya! Parang ewan xa. PIKON o NAGALIT kaya yun? Ahh basta, mamaya ko na lang siya tatanungin.


"Hoy! Ano na?! Maglalakad lang tayo? Di ba dapat habang naglalakad tayo eh nagsasalita ka din jan at ineexplain yung mga nadadaanan natin?!"


Makasigaw naman 'tong babaeng 'to.


"Ano namang gusto mong lumabas dito mula sa bibig ko ha?!"

"Sige, tutal nandito na rin naman tayo at sa kasamaang palad magkasama pa, ba't di natin balikan yung mga ginawa mo sa'kin?!"

"Ano namang nagawa ko sayo? Sa pagkakaalala ko, IKAW ang may atraso sa'kin!"

"Ibang klase ka rin naman no! Pinasa mo pa sa'kin ang kasalanan mo! You're not so GENTLEMAN!!!"

"Bakit, totoo naman ha?! Biruin mo yun, hobby mo palang mambuhos ng inumin at mandumi ng damit? At sa lahat pa ng tao, ako pa talaga 'yung napili mo! Hindi lang isang beses ha, dalawa! DALAWA!"


So gay na'tong mga pinagsasabi ko dito! But what can I do, I'm really PISSED OFF right now!


"Excuse me, sino kaya ang parating bumabangga sa'kin para matapon 'yung inumin ko? Hindi ba't ikaw?!"


Naku, kung di lang talaga babae 'to, kanina ko pa 'to nasapak. Pasalamat siya at nakakaya ko pang magtimpi.


"Oh ba't natahimik ka? Siguro na-realize mong tama ang sinabi ko ?"

"Ayoko magsayang ng oras at laway sa'yo. Sayang naman ang yung toothpaste na ginamit ko! Kahit walang konek ang toothpaste, basta babalik na'ko! Maglibot ka o maglarkwatsa ka kung gusto mo, basta bahala ka jan!"


Grabe nasisira image ko sa babaeng 'to. Makaalis na nga.

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng maglakad pabalik sa classroom.


"ARAAAAAAAAAYYY!!!"


Tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakadapa sa damuhan. Namimilipit na talaga siya sa sakit habang hawak-hawak nya yung kanang binti niya. Syempre, nilapitan ko siya agad.


"Oh napano ka? Nalingat lang ako sandali eto na agad?"

"SHATTAP! Nakita mo na ngang nasaktan na'ko, may gana ka pang sermonan ako!"

"Ano ba kasing nangyari?"

"Natisod ako!"

"Teka subukan kong masahiin ha?"

BestFriend ko, Mahal ko...(Complicated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon