CHAPTER 18.1: El Nido

Start from the beginning
                                    

                “Gora na tayo sa suite natin! Excited na ako mag-bird watching!” natawa naman kami sa sinabi ni Rio. Bird watching? Nabanggit nga ni Dad na iba’t ibang species ng ibon ang makikita dito.

Dumiretso na kami sa Forest Suite kung saan kami matutulog. Pinaalam ko na din kung sino ang magkakasama sa room.

                “Okay, guys. Two persons per room. So, kami ni Jen ang magkasama, si Lian at Rio, Adrian at Jiro at sina Zach at Jeremy.”

                “WHAT?!” sabay na sigaw ni Lian at Rio.

                “Lian, it’s okay. Magkahiwalay naman kayo ng bed ni Rio and besides, mukhang ma-eenjoy mo ang company ni Rio.” Nginitian ko siya at si Rio.

                “That gay?! Tss.” Tumalikod na si Lian at agad na dumiretso sa kwarto nila ni Rio. Sumunod na din kami sa kanila.

Pagdating namin sa kwarto ni Jen, iisa lang ang kama. Ok na din yun dahil gusto ko siya makatabi. Marami akong gustong itanong sa kanya. Simula nun last week ng OJT namin hanggang ngayon, parati siyang tulala at may malalim na iniisip. Kung minsan, nakikipag-biruan siya sa akin pero alam kong may mabigat siyang problema.

                “Jen, sigurado ka bang ok ka lang?” pang-ilang beses ko na bang tinanong sa kanya to? Hindi ko na siguro mabilang.

                “Hmmm? Oo naman.” Pang-ilang beses na din ba niyang sinagot sa akin yan? Ang hirap para sa akin na makita na nagkakaganito si Jen. Nakikita ko sa mga mata niya na may problema siya at ayaw niyang sabihin sa akin. Ano pang silbi na naging bestfriend niya ako tapos hindi rin pala niya ako masasabihan ng mga problema niya? Nakakatampo lang.

                “Alam mo, nagtatampo na ako sayo. Jen, alam kong may problema ka. Gusto kitang tulungan pero ayaw mo naman sabihin sa akin. Basta, kapag handa ka nang sabihin sa akin kung ano man yun problema mo, andito lang ako ha?” yumuko lang siya.

                “Y-yumi. Sorry. Hindi ko lang kasi alam kung paano ko sasabihin sayo.” Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya.

                “Huwag mo na muna alalahanin kung ano ang problema mo. Nandito tayo para mag-enjoy kaya kalimutan mo muna yun.”

                “O-ok.”

                “Promise?”

                “Promise.” Niyakap ko siya. Dapat lang na mag-eenjoy kami ngayon. After nito, sasabak na naman kami sa pag-aaral.

                “Mga sis! Gora na tayo sa beach!” nagulat kami ni Jen ng biglang pumasok si Rio sa room namin. Ang forever excited na si Rio. Buti na lang at hindi siya naka-swimsuit. Mukhang tataobin pa niya si Lian pag nagkataon. Hahaha! Naka-sando at shorts siya. Disente at lalakeng-lalake ang dating nya. Halos parehas din sila ng built ni Zach. Hindi macho, hindi rin payatot.

                “Woah, Rio. Ang pogi mo ngayon ah!” pang-aasar ni Jen.

                “OMG! Aketch ba ang sinasabihan mong pogi? Baka maganda. Hahahaha.”

                “Hahahahaha! O sige na. Maganda na kung maganda. Susunod na kami ni Yumi.” Pagkalabas ni Rio ay nagpalit na kami ng suot ni Jen. Parehas kaming naka-two piece swimsuit at nagsuot kami ng short shorts at nagpatong ng cover up.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now