Hindi naman masama ang mag-isa paminsan minsan. Kung madalas kang nag iisa aba eh masama na yan. Haha. May mga panahon lang talaga na kailangan mong mapag isa at magisip-isip sa mga bagay na nangyayari sayo at nararanasan mo. Minsan kailangan mo ng time for yourself for you to grow enough and reflect everything.
Hayss. Gaya ngayon, mag isa akong naglalakad, di ko alam kung saan ako tatangayin ng aking paa. Wala eh, may sariling isip ang aking paa, bahala na basta susunod nalang ako. Ang lakas pa ng ihip ng hangin tinatangay ang aking antok, marahil kung nabawasan pa siguro ang aking timbang for sure dinala na ako nito sa kawalan na gaya ng isip ko na naglalakbay patungo sa lugar ng aking mahal.
Nakarating ako sa national bookstore. Haha, char lang yung may sariling isip ang mga paa ko, may pakay talaga ako kaya ako napadpad dun. Bibili ako ng baloons na color purple or violet para gumawa ng costume na grapes para sa nutrition month ng aking mahal na anak. Jusme! Nakakapanlumo naman yung price eh, 40 pesos tapos 3 pcs lang, Hallmark daw yung tatak eh. putek na yan wala naman akong pake sa brand or whatever na yan, amg mahalaga makabili ako. Pero naisip ko talaga mauubos ang pera ko pero di parin matatapos yung costume.Ilang minuto pa rin akong nag isip dun sa tapat ng baloon. Makalipas ang limang minuto. Nagpasya ng umalis ang aking mga paa. Tutungo nanaman sa kung saan.
Napadpad ako sa hindi kalayuan, sa hypermarket, nagikot ikot ako akala ko may makikita ako pero wala naman. Kung mayroon man akong nakita hindi yun lobo kung hindi imperdible at saka pang pump ng baloon.
Nagugutom na ko, dinala ako ng paa ko dun sa may foodcourt na maliit, dun sa may relyenong bangus aba si ate kuda ng kuda with someone, sabi nya 20 mins daw, sabe ko sige antayin, aba anong petsa na, ni hindi man lang naayos yung order ko, sa inis ko na hindi ko nalang pinahalata sinabi ko nalang, cancel ko nalang order ko.
Naglakbay nanaman ang paa ko. natatakot sa pag tawid sa kalsada. mahirap magtiwala sa kalsada, mapanganib. Hindi mo aakalain na may mangyayaring disgrasya anytime kaya be aware of your surroundings. Sumabay ka sa maraming tao, dun ka sa may bandang dulo, para incase may epal na driver mauna sila, ikaw huli.😜
Masarap mag isa paminsan minsan, mag isang gumugunita sa mga nakalipas na pangyayari at ang dami mong naiisip na bagay na gusto mong gawin sa buhay. Minsan kapag mag isa ka ang dami mong nagagawa at napupuntahan pero paminsan minsan lang ah, kasi mahirap din mag-isa palagi nakakalungkot.
YOU ARE READING
Gunita
General FictionSadyang may mga bagay lang talaga na pumapasok sa aking isipan at nais ko itong isulat.
