"Tara na! Magdadate pa tayo, bye tita iingatan ko po ang anak n'yo!" Paalam niya pa. Hinila na naman ako ni Ulan. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko muli ang puntod ni Mom.
'I miss you mom," bulong ko at tuluyan ng nilisan ang lugar.
•Rain Pov•
Nakakatuwa kilala na ako ng mom ni Dana. Syempre tinatanong ko ito kay Luke lahat. Nakita ko naman sa mukha ni Dana medyo naging malungkot siya, kita ko sa mata niya 'yun.
Sumakay na kami sa kotse ko sisiguraduhin ko magiging masaya kana sa pupuntahan pa natin.
•Ethan PoV•
"Uy tapos na ba kayo diyan?" Tanong ko kila Leslie at Allison.
Nagtataka kayo bakit kasama ko sila? Actually hindi sila natuloy epic kasi si Rain pagkaalis nila Allison ay umalis din sila Rain kaso maya maya biglang tumawag. Gawan daw namin siya ng perfect place date. Kaya agad ko naman tinawagan si Allison.
"Oo patapos na, epal naman kasi si Rain magdadate kami ng baby ko tapos ngayon pa nakipagdate," pagrereklamo ni Allison pero si Leslie tinawanan lang siya. Sus rereklamo pa 'di rin naman siya makakaangal pag andyan na si First.
Kasama ko sa pag-aayos ng lugar si Leslie, allison at si Luke.
"Parating na daw sila, bilisan mo wag ka na magreklamo!" Sabi ko dito. Sarap asarin e.
Nasa isang resto kami. Yaman ni First e. Nagpareserve pa talaga ng ganitong mamahaling resto.
•Dana PoV•
Huminto si Ulan sa isang resto. Hindi pamilyar sa akin ito. Hindi naman kasi ako mahilig pumunta sa mga ganitong resto. Sa bahay ako kumakain. Pag-aalis lang ako kasama nila kuya pumupunta ng resto.
Bumaba si Ulan, bubuksan ko na sana ang pinto pero naunahan niya ako. Naiilang ako, dati si Jerald lang nakakagawa ng ganito sa akin. Siya lang naman close kong lalaki noon bukod kila kuya.
"Tara?"
Tumango naman ako bilang sagot. Hinawakan niya ang kamay ko hinayaan ko na lang tulad ng pakiusap niya.
Pumasok kami sa resto, sinalubong ng waiter. Walang ibang tao bukod sa amin. Bigla naman tumugtog ang kantang Destiny. Piniringan niya mata ko.
"What the—" hindi ko na natapos sasabihin dahil nagsalita na siya.
"Trust me." sabi niya pa.
Okay. Inalalayan niya akong maglakad habang tumutugtog ang kantang Destiny. Korni.
Naalala ko bigla 'yung araw na nakita ko. Nalate siya no'n sa klase. Kinausap niya ako pero sinungitan ko siya.
'yung araw pinakinggan namin itong kanta ng sabay. Natulala pa ako noon sa kaniya. Tapos kinanta namin ang kanta na 'to. Nakatingin lang kami sa isa't isa.
Si Ulan na kinaiinisan ko,
Si Ulan na parang bakla,
Si Ulan na nagpapatibok ng puso ko.
Si Ulan na mahal ko na pala.
Minahal ko na pala.
"Dana, okay ka na?" Tanong niya sa akin.
Pinilit kong h'wag mangiti. Naglakad lang kami hanggang sa huminto kami. Huminto na rin ang kanta.
Tinanggal niya ang piring sa mata ko.
Ito 'yung pinapangarap ko noon, pinapangarap ko na gawin sa akin ni Jerald. Nakakatuwa kasi alam nangyari pa rin hindi man si Jerald na minahal ko ang gumawa. Ginawa naman ito ng mahal ko ngayon. Napayakap ako kay Ulan bigla dahil sa natutuwa ako. Akala ko hindi ko na mararanasan ito.
"Ehem! Ito na ang makakain ninyo," sabi ng taong kararating lang.
"Kuya Luke?" tanong ko nang mamukhaan ko siya. Wth? Bakit siya nandito? Nakakahiya.
"Namumula ka Bunso, h'wag mo ako intindihin date ninyo 'to," sabi niya at umalis.
Tinignan ko naman si Ulan, napakamot lang siya ng ulo. Inalalayan niya ako umupo. Magkatapat na kami ngayon.
"Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong niya.
"Ahm. Oo," sagot ko.
"Buti naman! Yes!" Pasigaw na sabi niya. Naglike gesture pa siya sa likuran ko, tinignan ko nandun sila Ethan, Allison at Leslie. Wtf? Bakit nandito mga 'yan. Mga pakulo talaga ng lalaking ito.
Kumain na kami habang may tumutugtog. Pagkatapos namin kumain ay inaya niya ako sumayaw. Aayaw na sana ako kaso pinilit niya talaga ako kaya napa-oo na lang ako. Hindi naman ako marunong sumayaw.
"Salamat Dana, kasi pinagbigyan mo ako, masayang masaya ako, ito 'yung unang beses na may makasama ako," bulong niya sa akin habang nagsasayaw kami.
"Papatunayan ko sa'yo na mahal kita, tutulungan kita sa laban na kakaharapin mo, sana ako na lang din ang mahalin mo," pakiusap niya. Gusto ko na sanang sabihing mahal ko siya pero hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangan ko pa tapusin ang dapat tapusin.
Pagkatapos doon ko na sasabihing mahal din kita Ulan.
•Jerome PoV•
Sige magsaya ka lang Empress ulitin mo na ang nalalabing oras mo kasama ang taong mga mahal mo.
"Je. Nakahanda na ang lahat," sabi ni Nhezz ang former U.G member.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakumbinsi niya na ang ibang gang para kumampi sa amin. Tss pera lang naman makakapagpayag sa kanila.
"Ihanda mo na ang lugar," utos ko rito at umalis na siya.
Maghanda ka na Empress pagsisihan mong pinatay mo ang kakambal ko.
Hindi na ako magtataka kung mamukhaan mo ako, hwaig ko man si Jerald hindi mo naman alam na may kakambal siya. Tsk. Ang alam ko, walang pinagsabihan si Jerald dahil 'yun ang usapan namin. Walang makakaalam na magkambal kami bukod kay Leslie na pinsan namin.
Magtutuos din tayo Empress kunting panahon na lang.
YOU ARE READING
THE MYSTERIOUS NERD IS A NERD
Teen FictionYung nerd na laging binubully at inaasar ay mas malakas pa pala sayo. Isang tingin niya lang mapapataas na agad ang balahibo mo sa katawan. Yung lamig ng boses niyang di mo hihilingin mapakinggang dahil lalamigin ka talaga. Now lets the story begin...
CHAPTER 23 : THE DATE
Start from the beginning
