Episode 4: The 6th Diablo

Start from the beginning
                                    

"AAAAAAAAHHHHH-Aray!"

Isang pitik sa noo ang biglang naramdaman ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

 "Gising kana pala Boss"

Boss? Andito ba si Kael? Pero ba't boses babae?

Kinusot ko muna yung mga mata ko para matignan ko ng malinaw kung sino yung nagsalita, at pagtingin ko..

"Teka..sino ka?" Tanong ko dito sa napakagandang babae sa tabi ng hinihigaan ko.

Ngumiti naman agad siya tsaka tumayo sa pagkakaupo tapos ay bigla nalang yumuko.

"Ako nga pala si Elsa Monte. Myembro ng Virgo Mafia. Pang limang ranggo sa Grupo. Ikinararangal ko po ang pagsilbihan kayo, Boss Virgel " Biglang sabi niya kaya napangiwi nalang ako. Ano ba 'tong pinagsasabi niya?


Virgo Mafia? Pang limang ranggo? Boss Virgel?


Di ko tuloy mapigilang matawa. "Ano ba yang pinagsasabi mo miss? Tsaka ba't andito ka sa..kwarto...ko." Agad napalibot ang tingin ko sa paligid habang sinasabi yun. Teka..hindi ko to kwarto ah." Nasaan ako? Kaninong kwarto to? " Naguguluhan ko ng tanong

"Andito kayo ngayon sa kwarto niyo dito sa Mansyon ng Virgo, Boss." Sabi nitong weirdong magandang babae na'to.

"Mansyon? Anong mansyon? At tsaka kwarto ko? hindi ko naman to kwarto eh. Hindi naman ganito kalaki yung kwarto ko." Sabi ko sakanya. Sa kwarto ko naman ata ako natulog kagabi ah. Ba't napunta ako di--


Teka..


Ano nga bang nangyari kagabi? Ang huli ko lang natatandaan eh bumaba ako galing sa kwarto para maghapunan na sana. At pagbaba ko..


Pagbaba ko..nakita ko si...


si mama..



sila mama...



*********


[ Elsa's PoV ]


"Andito kayo ngayon sa kwarto niyo dito sa Mansyon ng Virgo, Boss." Sagot ko sakanya. Bigla namang nangunot yung noo niya. Wala ba siyang natatandaan kahit konti sa nangyari kagabi?


" Mansyon? Anong mansyon? At tsaka kwarto ko? hindi ko naman to kwarto eh. Hindi naman ganito kalaki yung kwarto ko . " Sabi niya naman sa'kin tapos napatingin siya sa kisame. Mukhang sinusubukan niyang alalahanin yung nangyari kagabi.


Maya maya pa, kitang kita kong bigla nalang nanlaki ang mga mata niya. Biglang nanginig ang katawan niya at bumibili ang paghinga niya, Tapos bigla niya akong tinignan tsaka sinigawan.


"SI MAMA?! SI PAPA?! NASAAN SILA?!" Galit niyang tanong sa'kin kaya nagulat ako.

Ang layo ng awra niya kanina kumpara ngayon. Nakakatakot yung tingin niya, ang talim. At ang kulay ng mga mata niya...dalawang beses palang ako nakakita ng ganitong klaseng mga mata. Una ay dun kaya Boss Vlad, tapos ngayon.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now