Inimbita ako ni Vincent na manood ng laro nila.marahil alam niya na gustong gusto ko si Chester,si Vincent lang kasi ang sinasabihan ko ng lahat ng hinanakit at kung anu-ano pang nangyayari sa buhay ko.
Kasi ang mismong best friend ko kalaban ko sa taong mahal ko.
"Andrea,saan ka pupunta?" Tanong ng kakalase kong may kapatid na varsity.
"Ah,manonood ako ng game nila Chester at Vincent" mahinang sambit ko dahil baka marinig ako ni Monnicka
"Sasama na ako tutal,sanay naman kami uuwi ni Cholo eh"nakangiting ani niya.
Tumango ako at nagsimulang maglakad.
Napansin kong may nakaaligid na bodyguard ko kaya tumigil ako sa paglalakad.
"Uhm,pwede po bang dito na kayo maghantay?tatawag na lamang ako kung magpapakuha na ako." Sabi ko sa isang gwardiya na naka-assigned saakin.
"P-pero ma'am"nagaalinlangang sagot nito.
"Don't worry I'll be fine po."pangungumbinsi ko rito.
Wala siyang nagawa kundi tumango.
Ayaw ko kasing makilala sa College department.iba kasi ang campus ng College sa High School.sa College Campus kasi gaganapin ang laro nila Chester.
"Uh.Diana halika wag kang mahiya" sabi ko sakanya nasa likod ko lang kasi siya.
Nagjeep lang kami papuntang College Campus.
Pagkarating na pagkarating namin papasok na sana kami ng bigla kaying harangin ng guard.
"Miss,Bawal po pumasok ang hindi players,dapat may kapatid ka dito o kasintahan" sabi ng guwardiya na may awtoridad ang boses.
"Pero guard--" Hindi ko natapos dahil bigla siyang nagsalita
"Walang pero pero miss."masungit niyang sabi
"Gusto ko po sanang pumasok guard" pagmamakaawa ko.
"Hindi nga po pwede" pagmamatigas niya
Akma akong maglalakad pero tila napansin iyon ng gwardiya at sinangga niya ito ng sariling paa niya tila napalakas ang pagsangga niya at napaikot ako at biglang natumba.
Dahil sa eskandalong yun ay madamig nakatingin saamin ngayon.
"Diana,pumasok ka na sabihin mo may kapatid ka dun." Sabi ko kay Diana
"Naku,kasama kitang pumunta dito kaya dapat sanay din tayong pumasok."marahang sabi niya at tinulungan akong makatayo tila sumakit ang aking kaliwang paa kaya napahawak ako sakanya ng madiin.
"Pumasok ka na,susunod ako promise." Pangungumbinsi ko sakanya.wala siyang nagawa kundi pumasok sa loob.
Paika-ika akong lumapit sa guard.
"Oh?Wag kang makulit sinabi ng bawal pumasok ang hindi players eh!"Pasigaw niyang sambit.
Ayaw kong ipagkalat pero kailangan kong sabihin para makapasok lang ako,at mapamood siya.
"Kuya,sige na po please hindi po ako nagmamayabang pero kami po ang may-ari ng iskwelahan na ito.I'm Andrea Alexa Alejandres anak ni Alejandro Alejandres at Amarielle Alejandres"sabi ko
Namutla naman agad si Manong Guard at biglang lumuhod para humingi ng tawad.
Tinulungan ko siyang tumayo at pinagpagan ang dumi sa kanyang uniporme.
"Naku,manong papasukin niyo nalang po ako,at sapat na saakin yun di bale hindi po into makararating kay Mommy at Daddy" paninigurado ko sakanya.
