C8:dug.dug

5.8K 46 16
                                    

*Sa bahay*

"oh? anak bakit ka nag uwi ng babae mo dito?"-laglag naman Panga! ko doon .Anong pinagsasasabi ni manang

"hindi po ganon, maysakit lang po siya kaya dinala ko siya dito"-halos mautal utal na tanggi ko kay manang

"wari ka pa, alam ko naman na iba na talaga kabataan ngayon whaha"sabay hampas niya pa sa braso ko.......O__Oano ba pinagsasasabi nito?

"manang papasok na po ako sa loob"-baka kung ano-ano pa kasi sabihin ni manang.Kung di lang talaga ako POGI at magalang na bata haiii! kanina ko pa ito nabatukan.

"kasama yang babae ?"-O___O

"manang  naman may sakit siya, di mo ba nakikita?"-ako

"whahaha wari ka pa alam ko na yung mga ganyang style"-O__O manang is that you akala ko di green utak ng nakatatanda.

"hmmmmmmm..."-kung maka ungol naman itong feeling prinsesa wagas.

"manang hipuin mo man yung noo niya"-Hinipo naman ni manang.

O__O ganyan muka niya "Oh my GOd ,ang taas ng lagnat niya ,bakit ngayon mo lang sinabi"

                       Hindi ko na sinagot si manang tuloy tuloy lang ako sa pagpasok sa bahay .Pinasok ko siya sa kwarto ko.Tapos ihiniga ko siya sa kama ko O_O w8 sa kwarto KO sa kama KO.....God nasa room ko siya ...pwede naman sa guest room.Pero wala ng time kailangan na s'yang magamot ,Wala namang malisya ..tumutulong ka lang shine Wag masyadong green utak mo ....

                         Paano ba ?....Ano ba ginagawa pag may sakit?...hmmmm diba hinuhubaran para di matuyuan ng pawis.... teka?, ano ba itong iniisip ko bakit ko siya huhubaran .....may sakit siya OO tama lang naman siguro na tumulong ako sa kapwa ko..Ano ba huhubaran ko ba siya?.......Sige walang HAlong malisya ...tama tumutulong ka lang! Walang halong MALISYA! may sakit siya kailangan mong tulungan! magpaka Doctor ka!TAMA! TAMA! ...eto gagawin ko na..

hinawakan ko na yung 1st button ng blause niya ,Walang halong malisya.....kaya mo ito.Natanggal ko na 2nd button enhale........exhale.......enhale.......exhale.....relax lang natanggal ko naman...ALAM ko na sa 3rd button may makikita na akong Nyahhh!!! wag kang mag isip ng ganyan ....Dahan dahan kong nilagay yung kamay ko sa 3rd button ...ito na....

"God! shine anong ginagawa mo sa kanya?"-nako po si ate ,bakit ba di ko ni lock yung pinto

"Atee ..mali yung iniisip mo ,tinutulungan ko lang siya"-pag dedepensa ko sa kanya.

"pwede mo naman kasing ipagawa iyan kay manang MANYAK KA TALAGA! umalis ka nga LABAS!"-bulyaw ng ate kong naka lunok ata ng megaphone...

"kung makapag paalis akala mo sa kanyang kwarto"-bulong ko sa sarili ko.

"narinig ko! LABAS NA! MANYAK KA!"-okieee na ate wag kang O.A

________________________________________________

MIKA'S POV-

                                 Aray ang sakit naman ng ulo ko!!! Pati buong katawan ko

"achooooo *cough* *cough* "-teka? nasaan ako tingin sa kaliwa tingin sa kanan tingin sa itaas tingin sa ibaba 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!"-nasaan ako? bakit iba yung suot kong damit..

"ohh? anong nangyari MAY magnanakaw ba ? may nasunog ba?"-O__O 

"shine...? Anong ginagawa ko dito AT IKAW NASAAN ANG DAMIT KO MANYAKKKKKK KAAAAAAAA!!!!- sigaw ako ng sigaw...bastos talaga ito

=_______________=-ganyan lang yung muka niya.

"ohhh!!! anong muka iyan"

"wag kang magkikikilos ..... laklakin mo na lang iyang gamot mo "-sabi nya w/ poker face.

"NASAAN YUNG DAMIT KO!!"-ako

"nasa sampayan"

"BASTOS KA TALAGA BASTOS KA MANYAK "-ako

"wag kang mag isip ng masama si ate yung nagbihis sayo...saka wala akong mamamanyak sa iyo"-pahiya naman ako doon ...muka tuloy akong nag aasume na siya nagbihis sa akin TAKTE anong nasa isip ko.>.<

"dissapointed?"

"ha..? anong sinasabi mo dyan"-mahiya hiya kong sabi.O///O

"laklakin mo na lang iyang gamot may tubig na dyan"-wah? handa ha ...may tubig na at gamot

                      Tumayo ako sa kama para abutin yung tubig at gamot.Kaso ang hina hina ko ...................  kaya natumba lang ako

"hoiii OK ka lang ba? Di kasi nag iingat TANGA!"-Di na ako sumagot nanghihina ako.Binuhat niya ako papunta sa kama tapos inalalayang humiga O//O

                       Kinuha niya yung baso tapos yung gamot..Tapos bahagya niya akong pina upo

"hoiii ngumanga ka"-ngumanga ako tapos kinuha niya yung baso tapos yung gamot .Tapos ako naman ininum yung gamot.

"ahhhh "-Nahimasmasan naman ako doon 

                     Mabait din naman pala itong si Shine kahit papaano.........Tumayo siya tapos may kinuha thermometer...

"lagay mo sa kilikili mo"-  =_=

"hmmmmmm ...ahhhhhh"-Ano ba iyan di ko mapigilang umungol kasi pag may sakit ako umuungol talaga ko tapos ang sakit pa ng ulo ko .Feeling ko sasabog na hindi ko tuloy makuha yung thermometer .

                         Di ko inaasahang . Si Shine pilit na itinaas yung kilikili ko ...tapos siya yung naglagay ng thermometer...O/////O .feeling ko namula ko doon

                         Tumayo siya at kumuha ng bimpo tapos Basin...Tapos pinigaan niya yung bimpo tapos pinunasan niya yung braso ko .Ako naman di ko mapigilang umungol kasi nga ganoon talaga ako pag nagkakasakit. Tapos pinunasan niya yung muka ko pumikit na lang ako tapos pinunasan siya yung leeg ko.Ang Awkward ng paligid para sa akin kasi di ako sanay na lalaki ang nag aalaga sa akin.Tapos yung nag aalaga sa akin gusto ko pang saktan .Auchh! naman .

                           Na aalala ko si mama kasi pag may sakit ako siya yung nag aalaga sa akin.

"ahmmmm..mmmmm Mama hmmmmm"-di kosinasadyang sabihin iyan .Na alala ko lang talga mama ko

                           Tapos narinig kong nagsalita si Shine..

"magpahinga ka dito lang ako....Ako muna magiging mama mo"-Ang mga salitang iyan ang nagpatigil saglit ng mundo .Tapos ang naririnig ko lang pintig ng puso ko.

dug.dug

dug.dug

dug.dug

                     Siguro may sakit lang ako kaya abnormal heartbeat ko....Tama! may sakit ka lang mika kaya ang pag function ng katawan mo hindi normal kaya di din normal hearbeat mo.........................

                    Di ako makatulog kasi yung nasa isip ko lang yung sinabi ni Shine ...Tapos maya maya pa may humawak sa kamay ko..

dug.dug

dug.dug

dug.dug

                        Ito na naman yung abnormal na heartbeat ...pero habang tumatagal parang nagiging source  ng lakas yung paghawak ni Shine sa kamay ko O///O. Hanggang sa nakatulog na ako.......

A/n: nyahhhhhh 

salamat sa lahat ng nagbabasa 

mas dadalas yung update ko .Pag may inspiration ako kahit isang Comment lang..:D

Love you po sa lahat ng readers ko!! >.<

Game Of A Casanova TAPOS NA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon