S & N 10 - Final chapter

1.5K 78 31
                                    

Thank you for making it this far.

***

Hindi ko matawagan ang tiyahin ni Nate. Ang alam ko lamang ay pinutol na niya ang komunikasyon sa kanila.

Napahilamos akong dinial si Nanay ngunit hindi rin nasagot. Inisip ko ang natira kong pera sa bahay ngunit hindi iyon sasapat.

"Ate..." si Neya na tumabi sa akin.

"Umuwi muna tayo" sambit ko.

Binuksan ko ang drawer kong tinanaw ang bigay ni Tatay. Kailangan kong ibenta iyon, ngunit alam kong hindi pa rin iyon sasapat sa babayaran sa ospital.

"Ate..." Si Neya na napatingin sa hawak ko.

"Dito muna kayo" ani kong binilinan siya para kina Ryan.

"O-opo"

Pinili kong puntahan si Nanay.



***

"Nate..." yakap ko sa kanya paggising niya.

"N-nauuhaw ako" aniyang mabilis akong nagtungo sa nurse's station. Pumayag naman silang makainom ng kaunti si Nate.

"Ayos ka lang ba?" alalay kong ibinaba ang hawak kong baso.

Tumango siyang medyo napangiwi na napahawak sa kanang banda ng kanyang tiyan.

"May tinahi silang maliit na punit sa internal organ mo" paliwanag ko. Inalalayan ko siyang maupo ng ayos.

"Tinakot mo ako Nate" pigil kong hikbi. Umupo ako sa tabi niya. Humaplos siya sa isang bahagi ng pisngi ko.

"Salamat" aniyang pumunas sa takas na likido sa gilid ng aking mata.

"H-hindi ka ba naano?" mahinay niyang tanong, marahil naaalala niyang inawat ko ang tatay niya sa pananakit sa kanya.

"Hindi" tugon ko.

"S-si Neya? ang mga kapatid mo?" aniyang muli.

"Inuwi ko muna, nakiusap ako kay Aling Maria na tingnan sila sandali" tugon ko.

"Nagugutom ka ba?" aligaga kong tanong.

"H-hindi, nauhaw lang, parang tuyot ang lalamunan ko" aniyang pilit na umuupo. Inalalayan ko siya.

"Katatapos lang kasi ng operasyon mo" ani ko. Sumampa ako sa kama niya.

"Salamat sa Kanya at nagising ka na" ani kong hindi ko mapigilan ang pag iinit ng sulok ng aking mata.

Napangiti siyang humaplos sa aking pisngi.

"S-salamat" aniyang napangiwi. Mabilis akog dumalo sa kanya.

"S-si Tatay?" aniyang angat ng tingin.

"Uh, umalis ang Tatay mo pagkatapos ko siyang awatin" matapat kong sagot.

"Ilang araw pa ako dito? gusto ko ng umuwi" aniyang sinaway ko.

Sara and Nate 1   ( Hold on You )Where stories live. Discover now