S & N 1

3.2K 78 9
                                    




***

Ang buhay ay hindi fairytale. Hindi rin siya katulad sa mga binabasa nating pocketbooks, malayo sa reyalidad na puro mayaman ang bida. Hindi siya katulad ng mag nauusong wattpad na madalas na happy ending o may sasagip sa iyong napakayaman o CEO at iaahon ka sa hirap o di kaya nama'y isang araw na lang ay magpapakilalang sila  ang tunay mong mga magulang na napakayaman at matagal ka na nilang hinahanap.  Hindi katulad ng lahat ng istorya ay mayaman o nasa mataas na estado ang mga bida, Yung tipong hindi nila kailangan ng pera. Malayo ang mga iyon sa mga teleserye o korean drama ngayon. Pang MMK pwede pa siguro.


Kung sana ganun lang kadali, ang hindi mo na iisipin ang pang araw araw na kahirapan. Hindi naman mataas ang pangarap ko, gusto ko lamang maiahon kami sa hirap at lumisan sa tinitirhan namin ngayon.


Napatingala ako sa bituin. Parang ito na lang yata ang libre sa mundo...ang mangarap.


"Ang lalim naman ng iniisip mo?"


Napalingon akong napangiti.


"Ano pa eh, e di nangangarap ng gising" sagot ko kay Nate.


"Huwag kang mag alala makukuha mo rin yun" aniyang humiga at ipinatong ang ulo sa kanyang dalawang kamay, samantalang ako ay nanatiling naka squat. Rinig namin ang ingay sa mga kapitbahay at sa kalsadang mga naiinuman o nagsusugal pa, ordinaryong tanawin na iyon sa isang squatter's area.


Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. Sa buong araw ay itong oras ang pinakapaborito ko, ang magkaroon ng katahimikan bago matulog. Bago matapos ang gabi ay umaakyat kami pareho sa bubong ng nirerentahan naming bahay.


"Tulog na ba ang mga kapatid mo?"


"Oo, ang tatay mo? si Neya?" balik na tanong ko.


"Oo" mahinang sagot niyang napalingon ako. Seryoso rin siyang nakatingin sa mga bituin.


"Ayos ka lang ba?" tanong kong bumaling ito ng tingin na ngumiti ng tipid na tumango.


"Ikaw?"


"Oo, pero namromroblema pa rin ako, hindi ko makontak si Nanay" sagot kong muli na humiga sa tabi niyang nakatihaya na rin. Humalukipkip akong nakatingin sa maliwanag na kalangitan.


"...kanina si Aling Maria, ipinaalala sa akin ang bayad sa renta" dugtong ko.


"Natapos na ba yung dalawang buwang deposito ninyo?" tanong niyang bumaling ako ng tingin.


"Oo daw, medyo nagagalit na nga eh" sagot ko.


"May pera akong pwede ipahiram sa iyo, bayaran mo na lang-"


"Hindi na Nate, hindi ko pa ang nababayaran yung ipinahiram mo nung nakaraan" sagot ko, at alam ko ring kailangan rin niya ng pera para sa kapatid niyang hikain.

"...saka kailangan ko na rin sigurong puntahan si Nanay bukas pagkatapos ng klase, wala na kaming allowance tapos may mga bayarin na ang mga kapatid ko eskwelahan" buntong hiningang sagot ko.


"Sasamahan kita, wag kang pupuntang mag isa roon" seryosong sambit niya.


"Opo" sagot kong napangiti. Umupo ako ng ayos na inabot nag papel kong nasa tabi ko.


"Oh, ayan na yung assignment at project mo" abot ko sa kanya.


"Salamat" ngiti niyang umupo na rin. Iniyakap ko ang tuhod ko sa aking baba.


Sara and Nate 1   ( Hold on You )Where stories live. Discover now