IV • Savior

656 398 248
                                    

4: Savior

Jassane's Point Of View

Nakahanay parin kami ngayon dito sa covered court. Nasa harap ngayon si Sir, at nireremind kami sa nalalapit naming acquaintance party.

"May duty kayo sa nalalapit na acquaintance party."

Duty? Mas lalong bumagsak ang balikat ko ng dahil sa narinig. 

"Ugh! Why sir? Why?"

"Sir naman eh, paano namin maeenjoy yung party?"

"Oo nga Sir! Siguro naman hindi magkakagulo, wag ng bantayan Sir."

"Kaunti lang naman siguro kakailanganin diba sir? Wag ako ah. Sasama ako ng boyband competition sa acquaintance eh."

Napalingon ang ilan dahil dun sa nagsalita. Mukhang sila din nacurious tungkol dun sa sinabi niyang competition. Hindi pa kami na-iinform about doon. 

"May boyband competition? Kyaaaah. Gusto ko yan!"

"Bakit, gusto ka ba? Epal nito!"

"Boyband?" mahinang sambit ko.

"Quiet. All of you are required to have a duty for the upcoming acquaintance party. No buts! Cor. Commander?"

"Yes Sir?"

"Choose who will be your companion para magmartsa. Don't forget the flag! So everyone that's all, you may go. Officers, fall-out!"

"Sir. Yes Sir!"

Nagsalute nalang kami kay Sir at tuluyan na siyang umalis pagkatapos. Kanya-kanyang reaksyon nanaman ang ilan dahil sa announcement ni Sir.

"Ano ba naman si sir! Bakit kailangan lahat pa? Eh, ang dami-dami kaya natin."

"Ugh! Ayokong hanggang matapos yung party dun lang tayo nakatayo sa gate nagbabantay ng mga pasaway!"

"Magsungit ka lang dun eh."

"HAHAHA, sabagay! Tara na, baka maabutan pa natin si Chester."

Napakunot-noo ang noo ko dahil sa narinig. Chester? Lahat nalang ba ng madidinig ko na nagchichismisan pangalan ni Chester ang binabanggit? Lakas talaga ng charisma ng patpatin na yun. Napailing nalang ako bago isinukbit ang maliit na backpack na dala ko.

"Jas! Sama ka sa'kin? Punta kami nila Mama sa botolan." bungad sa'kin ni Kyllane.

"Botolan? Anong gagawin niyo dun?" I asked with a frown. Napansin kong hindi niya kasama si Deyn, "Nasaan si Deyn?"

"Nauna na siyang umuwi. May gagawin pa daw siya eh, alam mo naman na yun masyadong masipag." natatawang paliwanag niya. I just shook my head while looking at her.

"Anong bang gagawin niyo sa botolan?"

"Dumating kasi si Tita galing states, tapos nagpahanda siya. Pwede naman daw magyaya, kaya tinatanong kita kung sasama ka ba?"

Napaisip naman ako sa alok niya. "Naku, wag na ata nakakahiya! Buti sana kung sa bahay niyo lang yan." I refused. 

Napasimangot naman siya. Pinatong niya 'yung braso niya sa balikat ko. "Ito naman parang iba. Sama ka na, magtatampo ako sige ka!"

CAT Officers (Slow Update)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ