“Yes. You know it’s funny to think that I’m still in love with the girl who left me 3 years ago.” mabilis at medyo natatawang sagot sa kanya ni Liam.

Hearing those words from Liam, biglang bumigat yung pakiramdam ni Lira. Iba pala talaga yung pakiramdam kapag sa kanya mismo nanggaling. Natahimik sya sa sagot ni Liam sa kanya, hindi nya alam kung ano ang dapat at tamang maging reaksyon nya sa nalaman nya. Wala naman kasi syang karapatang magalit dahil hindi naman talaga nya pagmamay-ari si Liam, sa papel lang sila mag-asawa. Kung masigurado man nya na mahal na nga nya si Liam hinding hindi nya sasabihin ito. Ayaw nyang magkaroon sila ng ilangan ni Liam. Ok na sya sa ganitong set-up at ayaw nya ng masyadong komplikadong sitwasyon.

Naramdaman ni Lira ang bahagyang pagsiko sa kanya ni Liam na ngayon ay nakangiti sa kanya at pumapalakpak. Napansin din nyang nasa kanya ang atensyon ng lahat.

“Congratulations, you won” masayang sabi sa kanya ni Liam, habang sya ay takang taka pa rin sa sinabi ni Liam. Nanalo sya? Saan? Wala naman syang sinalihan.

“W-what?” tanong nya at napansin nya ang nakalagay sa projector

BEST DRESS – AGA FERNANDEZ

FACE OF THE NIGHT – AGA FERNANDEZ

At dun lang sya natauhan, kaya naman pumunta kaagad sya sa stage para naman magbigay ng konting “thank you speech” at i-claim ang Gift Certificate from LV at isang designer bag.

Pagkatapos ng ilan pang awarding bumalik na sa kani kanilang business yung mga tao, sayawan, kainan at kwentuhan. Naging busy naman si Alannah sa pagkausap at magpasalamat sa mga nagsipunta sa event. Hindi nya kasi nagawang makipag-socialize kanina dahil abala sya sa mga prices at mini fashion show kanina. Hanggang sa nadaanan nya yung table nina Liam na kasama ngayon sina Lira at mga kaibigan nito. Agad naman syang lumapit dito. Hindi naman sya lumapit dahil sa nakita nya si Liam, dahil nakatalikod ito. Actually hindi nga nya alam na present din si Liam sa event. Pumunta sya sa table nina Liam dahil gusto nyang magthank you kina Dylan at Chi para sa pag-aayos ng event.

“Hi guys, thank you so much for making this event possible, hands down.” Masayang sabi nya kina Dylan at Chi na agad naman syang niyakap at bineso. Habang automatic naman na natigil sa pag-uusap sina Dori, Nats, at Dee na napatingin kay Lira. Si Lira na napatingin naman kaagad sa lalaking nakatingin sa bagong dating.

“Well, thank you for trusting us and what more can we say it’s our job to make this big event comes to life” masayang sabi sa kanya ni Chi

“Actually we really did enjoy planning this event, and we are glad that you liked it.” Humble na sabi ni Dylan

“I don’t like it, come on. I loved it.” Sagot naman ni Alannah at nagtawanan silang tatlo.

Napatingin naman si Alannah sa mga kasamahan nina Dylan.

“Hi guys, thank you for coming and I hope you enjoy this event” masayang bati nya sa mga ito. Hindi pa rin nya napapansin si Liam dahil agad itong nag-iwas ng tingin

“Well, we are lucky to be friends with the event organizers, you know, VIP invitations” pagbibiro ni Cams para na rin mabawasan ang tension at nagtawanan naman sila

“Plus, we have a worth 100k gift certificate from LV, thanks to our gorgeous and famous friend here, Aga.” pagbibiro naman ni Dori

“Hey, who told you that I will give my GC to you?” pagkontra ni Lira na sumakay na rin sa mga kaibigan.

Napatingin naman sa kanya si Alannah at nginitian sya nito

“Wow, I hope I have a group of friends like yours, so I can get freebies in an instant” pagbibiro din naman ni Alannah sa kanila kaya natawa na din sila.

Hindi naman pala sya katulad ng iniisip nila nung una. Hindi naman pala masama ang ugali nya. Masyado lang siguro silang imaginative at naisip nilang cruel si Alannah dahil magiging karibal ito ng kaibigan nilang si Lira.

“Anyway, congratulations Aga, for winning two awards this night. I’ve heard a lot about you and I have good news for you” masayang sabi nya kay Lira

“Good news? What is it?” excited na tanong nya dito. And for a moment hindi na muna nya inisip yung pagkailang nya sa ex-girlfriend ng asawa nya. Beside she has to act professionally sa harap nito dahil hindi lang naman sya basta basta ex-girlfriend ni Liam, Marketing Assistant sya ng LV hindi nya pwedeng haluan ng personal emotion and business. MAHIRAP? OO. Aba hindi madali yung ginagawa nya. DOING BUSINESS WITH YOUR TECHNICALLY HUSBAND’S EX?

“Well, the good news is, one of our production designers of LV noticed you earlier and you are one of the candidates to be one of LV’s models in New York” masayang announcement ni Alannah

“Really? Wow, that’s awesome. Thank you so much!” tumayo si Lira para makipagbeso beso kay Alannah. Well, hindi nyo sya masisisi kung ganun ang maging reaction nya. Pangarap ng madaming model yun, at isa sya sa maswerte na nabigyan ng chance para maging model ng LV sa NEW YORK. Binati naman kaagad si Lira ng mga kaibigan nya.

“You’re such a lucky girl Aga, we are proud of you” sabi sa kanya ni Dee

“Hayyy. What more can you asked for?” nakangiting sabi naman sa kanya ni Nats.

Si Liam, sa isip isip ni Lira na sagot sa tanong ng kaibigan. And speaking of him, nilapitan nya ito.

“Did you hear that Liam? I’m awesome right?” pagmamalaki nya sa kausap. Pagkasabi nya ng pangalan ng kausap napatingin kaagad dito si Alannah.

“Liam?” halos pabulong na sabi ni Alannah, natahimik naman sila sandali at dahang dahang nilingon ni Liam si Alannah. Samantalang si Lira naman ay masyado pa atang overwhelm sa narinig nyang good news kaya naman wala sa isip nyang ipinakilala si Liam tulad ng nakasanayan.

“This is Liam, my husband”

*******************************

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now