MGIAP-6 *OFFICIAL*

1.4K 38 4
                                    

Anyang's POV 

Kasalukuyan pa rin siyang nasa ibabaw ko. Yung totoo? Balak ba niyang magpaumaga sa ganiyang posisyon. Bwisit. Hindi ako makalabas. Nakakainis kaya. 

" Pwede ba Sir? Ayoko talaga" sabi ko sa kaniya. 

" Haaaays" sabi niya at umalis sa ibabaw ko tsaka naman umupo sa gilid ng kama. 

Tinignan ko naman siya ng mabuti. Hindi naman siya mukhang nasisiraan ng bait, kaya bakit naman niya ibibigay o hihilingin ang ganung bagay sa tulad ko? 

Wala naman akong binatbat sa ex niya. Ayy mali. Meron pala, asa namang magpapatalo ako sa hilaw na manggang yun. 

" Sir. Ang dami pong babae dyan na mas maganda at may dating kesa sa akin" 

Tinignan naman niya ako ng seryoso at diretso sa mata. 

" Exactly " sabi niya. 

Hanudaw? 

" Po?" 

" Sakto. Hindi ka kagandahan, hindi ka mayaman, hindi ka sexy, hindi ka pinipilahan ng mga lalaki, hindi ka rin maappeal, in short wala kang binatbat kay Trish at maipagmamalaki sa iba" sabi niya ng seryoso. 

Huwaw. Ang haba pero parang ang sakit ng mga sinabi niya sa akin. Ang galing lang. 

Pero sayang din naman yung sweldo. Totoo nga yung mga sinabi niya. Eh kung totoo nga? Anong meron sa akin at ako ang pinili niya. 

" Pero bakit nga po ako?" tanong ko ulit. 

" Eh kasi nga walang chance or kahit anong percentage na mainlove ako sa'yo. Hindi kita type kaya walang magiging problema if we succeed. Kapag nabawi ko na si Trish and besides, irritated siya sa'yo kaya mapapansin ka niya. I mean tayo" pagpapaliwanag niya. 

Sobrang seryoso at talagang may paninindigan siya sa mga sinabi niya. Sabagay, wala rin namang mawawala sa akin pati rin sa kaniya. Magkakapera pa ako. Tama. Hindi naman ito mahirap eh. Pagpapanggap lang naman. 

Kahit ano basta para sa pamilya ko. Gagawin ko. 

" Sige. Pumapayag na ako" sabi ko. 

At bigla namang nagningning ang mga mata niya nung sinabi ko yung mga bagay na yon. 

Ano to? Dyamante na ba ako ngayon para mapaningning ang mata ng isang tao. Hahaha. 

" Talaga?" 

" Ayaw niyo Sir? Bawiin ko?" pagtataray ko. 

" No. No. No. Thank you" sabi niya. 

" Psh. Basta ba totoo yung bayad ah. Walang labis walang kulang. Siguraduhin niyo lang kasi kung hindi ibibilad kita sa araw at hihiwain katulad ng pinya!" pagbabanta ko

" Hahaha. Oo. Okay sige" sabi niya

Haaay. Bahala ka dyan Anyang. Napasok mo na yan. Hala sya, sige. Gora na. Kaya mo yan. 

" Simula sa araw na to. You're mine at mageend lang to kapag kami na ni Trish again. " sabi niya. 

" Bahala kayo. Hahahaha" sabi ko na lang. 

Bahala talaga sila. Wala rin naman akong pakealam kahit na maglampungan sila sa harapan ko. Hahahaha XD 

" Wait. I need to call Sharry" sabi niya at kinuha yung cellphone niya sa bulsa niya. 

Huwaw. Ang ganda naman ng telepono niya parang yung kay Sharry din. Hahahaha. Gusto ko din nyan. 

Pano kaya ako magkakaroon niyan? Nakawin ko kaya. Hahaha. Biro lang. 

My Girlfriend is a PROMDIWhere stories live. Discover now