"Bye Ma, alis na po ako!"


"Gino, don't forget na kailangan mo pang daanan si..."


"I know 'ma. Sige po!"


Haay malamang talaga tulog pa rin yun hanggang ngayon. Ang tinutukoy ko ay ang best friend kong si Abby Mikaela Santana. Best friend ko na yun nung nasa kinder pa lang ako. Magkalapit lang din bahay namin. Nasa kabilang kanto lang kaya ang daling lakarin.


Pagkadating ko sa may gate eh pinapasok na ako agad ng guard. Eh syempre kilalang-kilala na 'ko ng mga tao dito sa bahay nila.


"Abby, come down! It's time to wake up na! You're going to be late na sa school mo!"


Naku, kahit nandito pa lang ako sa labas rinig na rinig ko na ang sigaw ni tita.


"Good morning po tita!"


Sabay mano at beso sa kanya. Parang nanay ko na rin kasi ang mama ni Abby.


"Oh Gino, papunta ka na bang school?"


"Ahh opo."


"Naku, si Abby kasi hindi pa rin ata bumabangon hanggang ngayon. Ikaw ng bahala gumising dun ok?"


"Yes tita. Ako na po bahala."


Lagi na lang talaga siyang ganito. Pagpasok ko sa kwarto niya ang lamig na agad. May aircon kasi 'to eh. Syempre amin din naman aircon. Ayun nakatalukbong ng kumot. Alam ko na talaga kung papano ko 'to mapapabangon. Sa pamamagitan ng KILITI!


"AHHHHH!!!"


Kitams!


"Gising na Princess!"


"Ano ba Gino?! Nakikiliti na ako! Will you please stop it already?!"


"Bumangon ka na kasi diyan!"


Mabuti at bumangon na siya. Pero hindi pa rin siya kumikilos. Naka-upo lang siya sa kama niya at nakatitig sa kawalan. Batukan ko kaya ito!


"Nakatunganga ka nanaman! Bangon na jan. Male-late nanaman tayo nito. Alam mo bang nakakatatlong late na ako nang dahil sayo?"


"Bakit sa akin mo sinisisi? Eh ni minsan hindi ko naman sinasabi sayo na lagi mo akong daanan dito sa bahay para sabay na tayong pumasok no!"


"Eh kasi nga magbestfriend tayo di ba? Tsaka si mama lagi akong sinasabihan na sabay daw tayo."

BestFriend ko, Mahal ko...(Complicated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon