22- The Third Party

Magsimula sa umpisa
                                    

But Auberon was back now. Alam niya kung bakit nagpunta sa club si Deus. Kung bakit ito nag-party. Apektado pa rin ito.

She wouldn't let that woman ruin her brother again.

Dahil sa malalim na pag-iisip ay nawala siya sa sarili kaya hindi niya namalayan na may nabangga na pala siya at naglaglag ang mga librong bitbit niya.

Nang tingnan niya kung sino ang nakabanggaan n'ya ay bumalik ang pagkairita niya.

It was Gaius!

"Oh come on! Can't I get a break?" sigaw niya.

Walang imik na pinulot ni Gaius ang mga libro niya at ibinalik sa kanya saka ito nagpatuloy sa paglalakad.

"Argh! Nakakainis," nagpapadyak siyang nagpatuloy sa paglalakad.

"Para kang baliw."

Taas-kilay na nilingon niya kung sino ang nagsalita at mas lumalim ang kunot sa kanyang noo nang makitang si Sophia Falls pala iyun.

"Do I? Ako lang ang magandang baliw kung gan'on," aniya saka tinalikuran ito.

"That's why you lost to me. You're crazy, weird and weak. Just like your mother," anito kaya agad na nag-init ang kanyang ulo.

"Ano'ng sabi mo?"

Akmang susugurin na niya ito nang biglang may humawak sa kanyang braso upang pigilan siya.

"Malik," aniya nang makilala ang pumigil sa kanya.

"Picking a fight with the student council president is not a good idea," seryosong sabi nito kaya pumiksi siya.

"Yes. That's right. I'm the student council president. Show some respect," ani Sophia saka tumawa.

"Isang sapak lang, Malik," nakatiim-bagang na pakiusap niya sa lalaki pero hinila lang siya nito palayo.

"That's the right thing to do, Bloodworth. Run away," pahabol ni Sophia kaya pilit siyang kumawala sa hawak ni Malik.

"Gusto mo ikaw ang sapakin ko, Malik?"

Pero hindi siya pinakinggan ng lalaki. Dinala siya nito sa gitna ng school field bago siya nito pinakawalan.

"Tatiana, calm down, will you?" he snapped kaya natahimik siya. "Don't lose focus. Kung gusto mong makaganti, make it legal. Be wise."

Napaisip naman siya. Tama ito. Legal na naagaw ng babaeng 'yun ang posisyon n'ya. Kung gugulpihin niya si Sophia, paniguradong masu-suspende siya.

Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang kumalma.

"You okay now?" she saw concern in Malik's eyes kaya tumango siya. "Good. By the way, aalis muna ako. Uuwi akong Hellville dahil pinapatawag ako nina Dad."

"Kelan?"

"Ngayon na. Handa na ang mga gamit ko sa kotse. Galing akong opisina ni Director Brisbois para magpapirma ng Notice of Absence. Pupunta pa sana akong dorm room para magpaalam sa inyo. But since nandito ka na, ikaw na lang ang magsabi sa kanila."

Tumango siya. "Mag-iingat ka. And send my regards to everyone."

Ngumiti naman si Malik saka siya niyakap at gumanti naman siya. He had always been their friend. She loved him. Para na rin itong nakababatang kapatid n'ya.

"Wag mong lageng inaaway si Rifka ha," anito saka pinisil ang ilong niya kaya natawa siya.

"Did you know that her friend is here?"

"Really? Babae?" agad namang nagliwanag ang mukha nito. Typical womanizer.

Tumango na lamang siya. "Her name is Neschume, I believe."

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon