Search no. 23 Best friend vs Best friend

85 1 5
                                    

Neko-chan: HAPPY 500+ READS!!! ASDFGHJKL. I LOVE YOU!

Anyway, Enjoy~~~

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Nico's P.O.V.)

ASDFGHJKL. ANONG GINAWA KO?!

Bakit ko ginawa yun kay Sophia?!?!  First kiss ko yun. Ang weird. BAKIT KO BA SIYA HINALIKAN HABANG NATUTULOG SIYA?!  PARA TULOY AKONG MANYAK T ^ T 

Pag-labas ko galing sa clinic, bumungad sa akin ang mukha ng tatlong lalaki. Na si James, Rence, tsaka si Xavier.

Siguro kung nakakapatay ang tingin, pagka-labas ko palang ng clinic, patay na ako.

May glass window kasi yung pintuan ng clinic kaya nakita ko sila habang palabas ako.

Teka.........

Nakita ba nila yung kanina O / / / / O ?!

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan?", sabi ko sa kanila na parang na-iirita. Kailangan ko muna maging best actor. Alangan naman tanungin ko sa kanila kung nakita nila yung ginawa ko kay Sophia diba? Pumasok si Rence na mukhang naiirita sa akin.

"Couz', tutuo ba yung nakita ko kanina?", sabi ni James sa akin. Shiz. Nakita nga nila.

"Anona namang nakita mo?", naiirita kong sabi sa kanya. "Bakit mo hinalikan si Sophia?!", sigaw sa akin ni Xavier. Aba, ang lakas ng loob ng lalaking toh para magalit sa akin.

Nag-smirk ako, "SA AKIN KA PA TALAGA NAGAGALIT?! Alam mo ba na nakita ko yung time na hinalikan mo si Sophia? Narinig ko lahat ng sinabi mo! Ikaw nga, biglaan mo nalang ninakaw yung first kiss ni Sophia!!! HINALIKAN MO SIYA DAHIL LANG SA AYAW MO NG MAINGAY, TAPOS SA AKIN KA PA TALAGA NAGAGALIT HA?!"

Hinawakan ko yung kwelyo niya, "Akala ko ikaw yung best friend ko dati. Ano na nangyari diyan sa ugali mo? Ang nakilala ko na Xavier ay hindi humahalik sa babae ng basta-basta lang dahil ayaw niya tumahimik. At ang nakilala ko na Xavier, HINDI NAG-PAPAIYAK NG BABAE." 

Alam ko rin yung ginawa niya kay Sophia doon sa amusement park. Ma-susuntok ko na sana siya, kaso lang naalala ko na may klase pa kami. Baka mag-karoon nanaman ng chismis tungkol kay Sophia. Ayaw kong nakikita na nasasaktan siya dahil lang sa mga insecure na babaeng mg yun.

Binitawan ko yung kwelyo niya, "Hindi pa tayo tapos mag-usap. Magkita tayo mamaya sa rooftop." Tapos umalis na ako para pumunta sa classroom. Sinundan naman ako ni James. "Insan, totoo ba yung sinabi mo? Ginawa talaga yun ni Xavier?" sabi ni James. Pssh. Naiinis ako tuwing naalala ko pa yun. Hila-hila lang niya si Sophia kahit ayaw naman ni Sophia. Tapos bigla nalang niya hinalikan si Sophia kasi ayaw niya tumahimik.

"Oo." sabi ko tapos pumasok na kami ni James sa class room. Si Xavier naman, ewan ko kung saan pumunta yun. Bahala siya sa buhay niya. Basta wag lang niya lalapitan muna si Sophia. Ayokong nakikitang nasasaktan ang babaeng mahal ko. Kasi alam ko....

na nagsimula nang magka-gusto si Sophia kay Xavier at hindi pwede mangyari yun'.

...........FASTFORWARD: ROOFTOP O . O ...........

Paakyat na ako ng rooftop ngayon. Kinukulit ako ni James na samahan daw niya ako pero sabi ko wag na. Kailangan ko kausapin si Xavier ng kami lang dalawa. BEST FRIEND to BEST FRIEND.

Pag-bukas ko ng pintuan, nakita ko si Xavier naka-upo doon sa may metal net fence.

Nilapitan ko siya.

Welcome to Wonderland (UNDER MAJOR PROOFREADING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon