CHAPTER:15:DAMN PICTURE

Magsimula sa umpisa
                                    

“mahal na mahal din kita Gian”

Pag-katapos nang medyo madrama naming eksena dumiretsyo na kami nang classroom namin.As usual lahat nang mga mata nakatingin na naman sakin 0.0Kulang nalang patayin nila ako sa tingin.Ikaw ba naman ang maging boyfriend ang isang sikat sa campus.Tignan ko lang kung hindi ka pagtinginan nang masama pero iba ngayon,yung tingin nila may kasama pang parinig

“ang LANDI niya!!”narinig kong sabi nung isang girl na nadaan namin

“tama ka!!may boyfriend na nga hindi pa makuntento sa isa”sang ayon naman nung kasama nito

Ako bang pinariringgan nila?!!Kasi kung ako yun,nag-kakamali sila.Isa lang ang mahal ko si Gian lang

“nakukuha niya pa talagang sumabay kay Gian ngayon”

“kawawa naman si Gian,hindi niya alam na niloloko lang siya nang girl friend niya”

Ano bang pinag sasabi nang mga ito?Nanggigil na ako ah,!!Lalapitan ko na sana yung mga nagpaparinig sakin nang bigla nalang sigawan ni Gian yung apat na estudyanteng wagas kung makapag parinig

“kung wala kayong magawa sa buhay niyo,humanap kayo nang ibang pag uusapan niyo!!!”nanggagalaiting sabi ni Gian.Mukha naman natakot yung tatlong estudyante pero yung isa matapang.Talagang sumagot pa

“wag kang mag pakatanga Gian,kalat na sa buong campus na may relasyon si Kiel at Cass”

Ehhh?!!!Yung expression nang mukha ko ganito lang.==____==+++++Kung hindi ba naman sila mga gunggong.Kami daw ni kiel,may relasyon?Hahaha!!!parang gusto kong matawa nang malakas.Sino na naman bang may pakulo nang chismax nayan,Nakakatawa siya sobra

“anong pinag-sasabi mo?”tanong ni Gian dun sa girl

“pumunta ka sa bulletin board nang malaman mo yung sinasabi namin,nandun yung ebidensya”sagot nung girl

Ano namang ebidensya ang pinag-sasabi nito?eh kung lamasin ko kaya ang bibig niya nang matigil na siya.kainis!!!!Tumingin lang nang masama si Gian dun sa girl tapos nagtuloy tuloy na siya sa paglalakad

“Gian saan ka pupunta?”Iba kasi yung way na dinadaanan niya papunta sa!!!Wait!!wag niyang sabihing naniwala siya sa mga pesteng girl na yun?“Gian”tawag ko ulit

Pero hindi niya ako nilingon basta tuloy-tuloy lang siya sa pag-lalakad.Grabeh ang bilis niyang mag-lakad,hingal kabayo ako.Urrrgggghhhhh.Nauntog ako sa llikod niya bigla ba namang tumigil.Tsk,kainis!!Chakit nang noo ko!!! T____T

“anong meron dun?”May kaguluhan na naman kasing nagaganap sa harap nang bulletin board.Ang daming studyante na hindi magkamayaw sa pag-tingin sa kung ano man yung naka post sa bulletin board

yun ba yung sinasabi nilang ebidensya?Nilingon ko si  Gian,Pagtingin ko nandun na siya sa harap nang bulletin board.Yung mga crowd kanina biglang nahati sa gitna.Alam mo yung parang isa siyang prinsipe na kailangan nang malaking space para lang makadaan siya.Ganun-ganun yung nangyari  binigyan daan siya nang kanyang fans club

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon