CHAPTER 3 ✔️

1.1K 47 7
                                    

FIRE POV

Ilang minuto muna akong tumambay parking lot. Nakaupo lamang ako sa hood ng kotse ko habang nag-iisip.

Kapagkuwa'y napatawa na lang ako sa sarili ko saka napailing.

'Tama naman sila, Fire, eh. Tama sila. Disappointment ka talaga.'

Tumayo ako at pumasok na sa kotse ko para umuwi. Ang daming nangyari sa araw na ito. Gusto ko na lang magpahinga.

Isinaksak ko ang susi at pinihit ito pero hindi nag-start.

Napakunot ang noo ko and I tried again but failed.

Inis akong lumabas pero napatigil ako dahil sa napaapakan kong basang bagay.

Yare!

Napasilip naman ako sa ilalim ng kotse ko at tama nga ako.

Panay ang tulo ng gas mula doon na hindi ko alam kung paano nangyari.

Napakamot ako sa ulo dahil malayo ang shop mula sa bar na ito. Hindi ko alam kung paano ko iuuwi ito.

Napabuga ako ng hangin bago ko napagpasyahang maglakad papasok muli sa loob pero natigilan ko nang may tumawag sa akin.

"Hambog!"

Napakunot ang noo ko at napatingin sa likuran ko.

Doon nakatayo ang isang pamilyar na lalaki.

Iyong nakaaway ko noong nakaraang araw.

"What?" Bored na tanong ko.

Wala na ako sa mood makipag-away dahil sa nangyari sa amin ni Lance Blaze. Pero mukhang naghahanap ng sakit ng katawan ang lalaking ito.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Inip ko namang tiningnan hanggang sa tumambad na nga sa akin ang panget niyang mukha.

"Nandito lang kami para gumanti. Akalain mo yun? Dito pa tayo nagkita?" Sambit niya sa akin. Kita ko pa rin ang mga pasa niya sa mukha.

Tuluyan na akong humarap sa kanya at napabali ako ng leeg.

Sige. Tatapatan ko 'yang kayabangan mo.

"Gaganti ka? Are you sure? Tingnan mo nga 'yong mukha mo. Pinagsawaan na lang ng kamao ko." Maangas na sambit ko pero nginisian lang niya ako.

"Sigurado ka?" Tanong niya at tila naging hudyat 'yon para magsilabasan ang mga alipores niya mula sa likuran.

Napairap naman ako.

"Ganyan ka na ba kaduwag at talagang nagdala ka pa ng mga aso mo. Imagine. Lalaki kayo, lima pa. Babae lang ako at nag-iisa pa. Duwag!"

"Eh hindi ka naman mukhang babae, eh."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh ikaw, hindi ka nga mukhang tao, eh." Ganti ko.

"Pilosopo ka ah!" Inis na sigaw nito saka inihampas sa akin ang hawak niyang tubo na mabilis ko namang naiwasan.

Wait. Nasabi ko na bang may mga dala silang pamalo? O, ngayon nasabi ko na!

"Mga tarantado! Wala ako sa mood, ha!" Inis na sigaw ko dun sa nanghampas sa akin pero hindi niya ako sinagot at muli akong hinampas ng pamalong hawak niya na muli kong naiwasan. "Mga punyetang, ginagalit niyo talaga ako, ha."

Panay lamang ang iwas ko sa mga hampas nila pero ng mapagod ako ay agad kong sinalag ang tubong ihahampas sana niya.

"Napapagod na ako, ha!" Gigil na sambit ko.

Isusumbong kita sa Girlfriend ko! [UNDER REVISION]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن