CHAPTER 17: Set-up

Beginne am Anfang
                                    

                “Uhm, Yumi, Hindi pala ako makakapunta. May biglaang lakad kami ni Adrian. Kayo na lang ni Jiro ang mag-amusement park.” sagot ni Jen kay Yumi. Pumayag naman ito. Nasa amusement park na din sila ni Adrian. Nagtatago sila sa isang malaking puno para hindi sila makita nila Jiro. Nakapasok na sila Yumi at Jiro sa loob ng amusement park kaya lumabas na din sila ni Adrian.

                “Tara na, love.” Hinawakan ni Jen si Adrian sa kamay at dahan-dahan naglakad papunta sa ticket booth at bumili ng dalawang ride-all-you-can ticket si Jen.

                “Love, tara na!” excited na excited na hinila ni Jen si Adrian patungo sa isang ride.

                “Akala ko ba, andito tayo para sa mission? Ba’t parang mas excited ka pa kanila Yumi?”

                “Hahahahaha! Tapos na yun mission. Nagawa ko na. Kaya mag-eenjoy na tayo ngayon.” Napangiti na lang si Adrian sa sinagot ni Jen habang hinila siya nito para naghahanap ng ride.

                “Ay, ang haba naman ng pila sa rollercoaster. Hanap na lang tayo ng ibang ride.” Yaya ni Jen kay Adrian. Kanina pa ikot ng ikot sila Adrian at Jen. Wala pa silang nasasakyan na rides dahil lahat ay mahaba ang pila. Linggo kasi ngayon kaya maraming tao sa amusement park.

                “Ui, saan ba tayo pupunta?” tanong ni Jen nang bigla siyang hilahin ni Adrian.

                “Andito na tayo.” Huminto si Adrian sa tapat ng isang Go Kart race track. Nakita kasi niya yun sa mapa na binigay sa kanila kanina sa entrance.

                “Teka lang ha. E, ikaw lang mag-eenjoy dyan eh. Hmp.” Sagot ni Jen.

                “Madali lang yan. Wala ka bang tiwala sa akin?”

                “Me-meron. Kaso, hindi na--... Aaaah!” hindi na natuloy ni Jen ang sasabihin ng hilahin na siya ni Adrian papasok ng race track. Nagbayad si Adrian para sa kanilang dalawa ni Jen. Binigyan na sila ng helmet ng staff at pinapunta sa race track.

Nagsimula na si Adrian na paandarin ang kart niya, samantalang si Jen naman, hindi malaman kung ano ang gagawin. Hindi umaandar ang kart niya. Bukod sa hindi siya marunong mag-maneho, eto rin ang first time niya mag-go kart.

                “Whaaa. Ayaw umandar. Ano bang klaseng kart to!” Tatayo na sana siya ng biglang tumabi sa kanya ang kart ni Adrian. Naka-isang ikot na pala ito sa race track.

                “Love, ang galing mo naman. Naunahan mo pa ako.”

                “ARGH! CHE! BAHALA KA NA NGA DYAN SA BUHAY MO!” inis na inis na tumayo si Jen sa kart at naglakad palabas ng race track. Parang gusto na nyang lamunin ng lupa sa kahihiyan. Pinagtatawanan kasi siya ng mga staff doon dahil sa sinabi ni Adrian. Habang si Adrian ay nakakunot ang noo dahil sa pag-alis ni Jen.

                “Love, saglit lang!” agad naman itong tumayo para habulin si Jen. Nang makalabas ay narinig ni Adrian ang usapan ng mga staff.

                “Hahahaha! Ang tanga lang talaga ng boyfriend nun babae. Hindi ba nya na-gets na kaya naunahan siya nun girlfriend niya e, dahil hindi naman talaga nagawang paandarin nun babae yun kart niya?” Sambit ng isang staff.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt