:38:

68 5 1
                                    

Chapter 38

Taeyeon's POV

Whoo!

Pagdating namin sa backstage, sinalubong naman kami nina KAEB.

Pero ang kinagulat ko..

"Ang galing mo. Edi hindi na kita aasarin!"

Ni-niyakap niya ako?

0__0??

Pe-pero?

"Ugh, gusto mong upakan kita?"

Bumitaw naman siya saka hinawakan ako sa braso ko.

"Eto naman. Panira naman ng mood oh."

"Aba.. At kailan ka pa nagkaroon ng permisong yakapin ako?"

"Niyakap mo nga ako eh. Umi--"

Agad ko namang tinakpan gamit nung palad ko yung bibig niya.

"Sige. Uupakan talaga kita.."

Pero palagi nga, hindi pa rin natakot at inasar pa talaga ako..

Natigil lang kami nang tawagin na sina Yoona.

"Let's give it up for the D3 Movers!"

Nagsayaw lang naman sila ng Jabawockeez music.

Ewan, yun bang tawag dun?

Ah basta..

Pero ang galing nilang tatlo.

Sina Yuri, Hyoyeon and Yoona.

Habang nagpeperform naman sila, nag-usap lang kami ni KAEB.

Sinabi ko sa kanya yung tungkol kay Chanyeol.

"KAEB, bakit pakiramdam ko kinalimutan na talaga ni Chanyeol si Sulli?" -Me

"Huh? Huwag ka ngang praning. Hindi yon noh!" -Siya

"Eh kanina nga eh, nung nagkaroon ng romantic contact kina Key and Sulli, hindi man lang siya nagreact pero nung halikan ni Taemin si Krystal, talagang nagalit siya." -Me

"Malamang. Eh wala naman talagang halikang naganap kina Sulli and Key eh pero yung kina Krystal, totoo talaga yun. So siguro, magbest friend na sila kaya mahalaga sa kanya si Krystal."

Bilib ako dito sa isang toh.

Kahit walang ibang alam kundi mang-asar, mas matino pa tong kausap kesa sa'kin eh..

"Maniwala ka. Matagal mawala ang pag-ibig." -Siya

"Paano mo nasasabing mahal mo ang isang tao?" -Me

Ngumiti muna siya saka tiningnan yung bakanteng upuan dun sa may dulo ng backstage saka naglakad papunta dun.

Minsan wala rin akong mapala dito sa lalaking to eh..

Susuntukin ko nalang 'to mamaya.

"Ang galing mo palang kumanta. Parang instant concert queen eh.. Akala ko pagtulog ka lang nagcoconcert. Ahaha. Lakas humilik eh."

Tumabi naman ako sa kanya at binatukan siya.

"Ayan, magtanda ka! Batang toh oh.. Mas matanda pa rin ako sa'yo noh.." -Me

"Opo Lola."

Ayun, inaksyunan ko lang na susuntukin..

Hahahahaha.

Click and Capture (KPop FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon