:55:

64 2 2
                                    

Chapter 55

Taeyeon's POV

Tinagalan ko talaga ang pagkain..

Hindi dahil sa naghahanda ako para mabusog kung sakaling didispatyahin ba talaga nila kami sa Amazon, kundi upang medyo matagalan at baka magbago pa ang isip ni Madam..

Kahit alam kong busog pa ako, talagang kumain ako ng madami..

Halos ako na nga lang ang nandito eh..

Well, halos lang dahil may kasama pa akong matakaw dito..

Sino pa ba?

Edi si KAEB....

"Hindi ka pa ba talaga busog?"

Tanong niya sa akin..

"Ikaw nga eh! Patay-gutom!"

Ayun, natapos na rin naman ang pag-uusap namin..

Siguro mga quarter to 9 na nun..

15 minutes nalang para sa Arts II..

Konting tiis na lang..

15 minutes...

Kumain ka pa..

Ahhhh!

Hindi ko na talaga kaya..

Baka mamatay ako nito kakakain eh..

Maya-maya din ay tumunog na yung bell...

Wala na akong ibang nagawa kundi umupo nalang at hintayin si KAEB..

Sabagay..

Idadahilan ko na lang na masyado pa kaming busog dalawa at matagal pa bago kami matutunawan..

Dumating si Madam at siguro, nagulat dahil andito pa rin kami..

"Mr. Byun and Ms. Kim, dinner's over."

Tatayo na sana si KAEB kaso pinigilan ko siya..

"Madam, mukhang hindi kami makakasama sa Amazon.. Kasi baka matagalan pa bago kami matunawan.."

Siniko ko si KAEB para naman umimik din siya..

"Ah opo Madam. Busog pa po kasi kami eh.."

Nagkunwari pa talaga akong masakit ang tiyan ko..

May pahaplos-haplos effect pa ako..

Nakapagtataka nga kung bakit hindi ako yung president ng Drama Club eh..

"Oh well.. Ipapahatid ko kayo sa Clinic. Then let's see kung anong desisyon ng Doktor.."

WHAT?!

Ngayon alam ko na kung bakit hindi ako President ng Drama Club..

Di nga ako member eh..

Siyempre, dahil ayaw ko ng pumunta ng Clinic dahil baka mabuking kami..

No choice kundi ang sumama..

Bakit pa ba kasi sa Amazon Rainforest pa?

Eh nasa South America yun eh..

Wala bang mas malapit na gubat sa Pilipinas?

Ang lawak pa naman dun..

Baka nagsasawa na siya sa mga mukha namin at balak na niya talaga kaming iabandona..

Pero bakit sa gubat pa?

Dinaanan lang namin yung Class hall at pumunta sa Sala..

Lahat sila, nakaupo lang sa Sofa..

Click and Capture (KPop FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon