Chapter 1 - Just a kid

392 6 0
                                        

Year 2000

"Kuya Gray, can I have a minute?"

Natigil sa pagtipa sa gitara si Atticus at napatingin sa munting mukha na sumungaw sa pinto. Sabado noon ng hapon at kagaya ng nakagawian, nasa bahay siya ng bestfriend niyang si Gray. May dalawang oras pa silang nalalabi bago magsidatingan ang 3 pa nilang kabanda. Nauna lamang siya para ayusin ang line up nila ng kanta para sa darating na intramurals. Siya ang vocalist ng banda nila sa high school, ang Best Day Ever. Every school program, they were task to perform.

"Nasa baba si Gray. Antayin mo na lang." aniya bago uli mahinang nag-strum sa gitara.

"Much better," nangingislap ang matang lumapit sa kanya ang nakababatang kapatid ni Gray. Seven year old Sandrine Amber Sandoval. Mas matanda sila dito ng 9 years ni Gray na kapwa nasa 4th year high school na.

"Can I ask you something?" si Amber uli. Naupo ito sa gilid ng kama, opposite ng sofa na kinauupuan ni Atticus.

"Sure kiddo!"

"Don't call me kiddo, I'm turning 8 next month." humalukipkip sabay simangot ni Amber.

"Okay, okay." napapangiting ani Atticus. " What is it?"

"Do you have a girlfriend na?"

Lalong lumuwang ang pagkakangiti ng binata. This kid never ceased to amaze her. He stared at those big brown eyes and smiled even more.

"Why do you asked?"

"I wanna know, pretty please?!" nakalabi na ito.

Pinagmasdan ni Atticus si Amber mula sa mahaba nitong buhok na may dalawang pink clips sa kanang bahagi, brown eyes, namumutok nitong pisngi, mapulang labi, pink barbie romper na tinernuhan ng pink ding flat shoes. Lalong tumingkad ang pagkamestisa into sa suot na damit. Aminado si Atticus na isa ito sa pinakamagandang bata na nakita niya. Naiisip niya minsan na sana mayroon din siyang babaeng kapatid. Apat kasi sila na puro lalaki at siya ang bunso.

"Wala, nada. Now, why do you ask?"

"Good." napalakpak pa si Amber. "Will you wait for me then?"

"Ha?! San galing 'un?" napakamot na sa ulo si Atticus. This kid is really something.

Sumeryoso ang mukha ni Amber. "When I grow up, I will marry you. Kaya hindi ka pwede magka-girlfriend until I'm 25. Sabi kasi ni Tatay, pwede na ako magka-boyfriend kapag 25 na ako."

"Aha, ano yang boyfriend na naririnig ko?!"

"Kuya, hindi ka na naman kumatok!" inis na ani Amber.

Nakangiting inilapag ni Gray ang bowl ng popcorn at 2 lata ng softdrinks sa mesang nasa gilid.

"Hoy panget, kuwarto ko kaya 'to. Bakit ako kakatok?"

"You're supposed to knock at every closed door."

"Pag kuwarto ko, hindi applicable." Inabot ni Gray ang softdrinks Kay Atticus. "Teka lang, ano nga uli 'ung boyfriend na narinig ko?"

Natatawang naiiling na lang si Atticus. He could just watch these two all day and have a good time about it.

" I'm just telling Atticus that he should wait for me until I'm 25. Kasi magiging boyfriend ko siya. " parang walang anumang ani Amber.

Mamilog ang mata ni Gray na nagpalipat lipat ang tingin sa kapatid at kaibigan. Maya maya pa'y umalingawngaw ang masayang tawanan nila ni Atticus.
-
-
-
-
"Nay, I hate Kuya." nakasimangot na sabi ni Amber habang sumasandok ng kanin sa hapag. Hapunan iyon, tatlo lang sila sa mesa. Nagpaalam si Gray na gagabihin ng uwi, may practice pa daw ito kasama ng mga kabanda.

Will He Ever Marry Me? (COMPLETED)Cerita yang bikin terobses. Temukan sekarang