"Why don't you try? It's not that bad."

"I said I don't eat vegetables! Ano ba ang mahirap intindihin do'n?"

Natigilan si Jean. Lumapit ako sa kanya at tinangka kong kunin ang bowl na hawak nya ngunit iniwas nya 'yon. Napaatras ako nang matapon sa kanya ang sabaw dahil sa ginawa nya. Mainit pa 'yon kaya halatang nasaktan sya.

"J-Just try..." Namula ang mata ni Jean.

Hindi na sumagot si Kuya Led. Nakatingin lang ito sa damit ni Jean na basa na.

Nakalimutan kong sabihin na hindi pala kumakain ng gulay si Kuya. Hindi katulad kay Blaze na hindi lang mahilig.

"Jean, stop it. Halika. Magpalit ka muna." Aya din sa kanya ni Irene.

"Led... Pinaghirapan nilang lutuin 'yan." Sabi ni Jude.

Nanatiling hawak ni Jean ang bowl at pilit na inaabot kay Kuya. Kinuha ni Kuya Led ang bowl at naglakad papunta sa trash can. Nanlaki ang mata ko nang itapon nya 'yon doon.

"Hindi ako kumakain ng gulay at kahit na sabihin mong luto mo 'yon ay wala akong pakialam. Magpalit ka na ng damit." Ang mga huling katagang binitawan ni Kuya bago lumabas.

Naiiling na sinenyasan ni Jude na iakyat na muna namin si Jean. Nagtulong kami ni Irene para dalhin si Jean sa kanyang kwarto. Hindi ito nagsasalita habang naglalakad kami.

"Ayaw mong maligo?" Tanong ko kay Jean na nakaupo sa kama at tulala na naman.

Umiling ito sa akin. "Bigyan nyo na lang ako ng towel. Magpupunas na lang ako." Sabi nya habang inaalis ang kanyang blouse.

Pumasok ako sa cr at pinagbanlaw sya ng towel na basa. Pagkalabas ko ay nilatag naman ni Irene ang damit nya sa harapan ni Jean.

"Hindi mo talaga sya mapipilit kung ayaw nya. Jean, kilala mo si Kuya." Pagpapaliwanag ko habang pinapanuod syang magpunas ng katawan.

Hindi ito nagsalita at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko para tumahan sya.

"P-Pero hinawakan nya pa rin 'yong bowl. Okay na ako do'n." Natigilan ako habang pinapanuod syang magpunas. Bumagsak ang luha sa kanyang mata habang nakangiti. "Sinabihan nya pa akong magpalit. Nag-aalala pa rin sya." Tumatawa nyang sinabi sa gitna ng pag-iyak.

Inis na kinuha ko sa kanya ang towel at ako na ang nagpunas sa kanya. "Hindi mo kailangang ipagpilitan ang gusto mo sa kanya. Siya rin ang kawalan. Hindi nya natikman kung gaano kasarap ang luto natin." Sabi ko.

Tinulungan ko syang magpalit.

"Pero hindi naman tamang itapon nya ang pinaghirap---"

"Irene..." Umiling na ako sa kanya para patigilin sya.

Ginagawa ko na nga ang lahat para mapatahan ang babaeng ito, bibigyan nya pa ng rason para umiyak.

"Ano? May gusto ka pa rin kay Kuya?" Pang-aasar ko sa kanya.

Tumango ito. "Hindi naman mawawala 'yon dahil lang sa ginawa nyang 'yon pero oo, masakit lang." Pag-amin nya.

Humanda talaga si Kuya Led pagkabalik namin sa bahay. Hindi man lang nya inisip ang mararamdaman ng babaeng ito. Kahit papaano ay naghirap din kami para gawin 'yon.

Pagkatapos no'n ay bumaba na kaming lahat. Naabutan namin na nagpapaalam na si Blaze. Hindi umalis sa tabi ko si Jean. Napatingin ako kay Kuya Led na busy sa kanyang phone. Nakakunot ang kanyang noo.

"Game ka? Come on, Blaze. Saturday naman 'yon!" Pagpupumilit ni Jude.

Natatawang tumango na lang si Blaze. "I'll try," sabi nya bago tumingin sa akin. "Salamat sa masarap na gulay." Natatawa nyang sinabi sa akin.

"Masarap talaga 'yon! Buti natikman mo. Hindi mo kasi 'yon makikita sa mga restaurant. Nag-iisa lang 'yon!" Pagmamayabang ko.

Mas lalong kumunot ang noo ni Kuya Led habang nakatingin sa kanyang phone.

"Sige na. Mauna na ako." Pagpapaalam nya bago tuluyang umalis.

Napatingin ako kay Ryde. "Gusto mo?" Tanong ko sa kanya dahil parang nagtataka sya kung ano 'yon.

Mabilis na tumango ito.

"Wala na, Chels. Nilagay ko na lahat sa bowl kanina." sabi ni Jean.

Napangiwi na lang ako. Lumukot ang mukha ni Ryde. "Pag nagluto na lang kami ulit ni Jean. Ubos na eh." sabi ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang trato ko sa kanya. Masasanay din ako. Nakokonsensya ako sa mga nasabi ko sa kanya at gusto kong bumawi.

"Let's go," Tumayo si Kuya Led bago naunang lumabas.

Tumingin ako kay Irene. "Thank you." Sabi ko. Tumango na lang ito bago muling tumingin sa kanyang phone.

"Hindi ba nakakabastos na 'pag may kumakausap sa'yo ay sa phone ka nakatingin?" Napatingin kami kay Jude. Masama ang tingin nya kay Irene.

"S-Sorry..." Nahihiyang ibinulsa niya ang phone nya.

"H-Hindi. Okay lang, Jude."

Hindi ko alam kung bakit paiba-iba ang trato nya kay Irene. Parang kanina lang ay inalukan nya ng tulong ito.

"Mauna na ako," Pagpapaalam ko kay Jean. Ngumiti ito sa akin kaya napailing na lang ako. "Huwag mong masyadong isipin si Kuya."

Narinig ko ang busina sa labas kaya mabilis na akong lumabas. Pagkapasok ko sa kotse ni Kuya Led ay mabilis nyang pinaadar 'yon. Ni hindi ko pa nga nailagay ang seatbelt ko.

"Dahan-dahan lang, Kuya Led!"

Napapikit ako nang bigla nyang ipreno dahil nag-pula na ang ilaw. Kung hindi nya agad napreno 'yon ay baka nabangga pa kami sa mga patawid na sasakyan.

"Shit!" He cursed.

"Yeah, right. Kuya. Shit... What you did is shit. That was a shit."

"Stop cursing..."

"Jean is my bestfriend! Kahit na kapatid kita ay hindi ko hahayaang itrato mo sya ng ganon!" Hindi ko na napigilan ang inis.

"Hindi ako kumakain no'n! Ano bang mahirap intindihin do'n?"

Tumahimik na lang ako dahil baka pagnagsalita pa ako ay palabasin na nya ako ng sasakyan. Wala akong dalang pera pang-commute kung sakali.

Tahimik na nagbyahe kami. Pagkatapat ng sasakyan sa gate namin ay mabilis na kinalas ko ang seatbelt ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kuya. "I'm sorry..." He whispered. Natigilan ako sa paglabas. Napatingin ako sa kanya.


"W-What?"

"I said I am sorry! Bingi ka ba?!"

Natawa ako. "Bakit sa akin ka humihingi ng sorry? Hindi ba dapat kay Jean?"

Inis na binalingan nya ako ng tingin. "Just tell her!" sigaw nya sa akin.

Bahagya akong natigilan. "And just incase na magluto kayo ulit. Let me know." Pumikit ito bago itinuro ang labas. "Now, get out."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko inakalang masasabi nya 'yon. Gusto kong isipin na nagsisisi sya dahil sa ginawa nya.

"I said get out!"

Mabilis na napalabas ako ng sasakyan nya kasabay ng pagharurot nito palayo.

Natawa ako bago umiling. "I am sorry but I won't tell her. Ikaw dapat ang magsabi." bulong ko.

Nakangising pumasok ako sa loob.

Trapped (Book 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz