"Meron po ma'am , yung orange juice naman po , may fresh oranges po tayo " si ate ma'am ng ma'am :/


" ate ako na ang bahala sa almusal , ako na ang magluluto ah ?" Sabi ko

"Ay tulungan ko na po kayo ma'am" alok ni ate

"Sige ate"

At nagkuto na nga ako ng pancake

Si ate ang taga abot ng mga kailangan kong ingredients , madali lang naman mag luto ng pancake eh , nung na melt nayung butter sa pan nilagaynko na yung mixture ng pancake ko , pinakita ko kay ate kung pano ko iluto yung pancake ko tapos iniwan ko na sakanya , sunod kong gagawin ang orange juice , fresh oranges ang ginamit ko buti nalang mayjuicer sila , at dahil nasa Baguio nga kami eh madaming strawberry kaya napagisip isip kong gumagawa ng strawberry shake with chocolate , ang dami sa ref eh hahaha



Nung natapos kona tinulungan ako ni ate ayusin ang mesa naku ang bubusy naman ng lahat 8:00 na ah wala pa silang balak kumain ?

"Ate salamat ah ? Eto oh para naman makapagalmusal kana" sabi ko kay ate binibigyan ko siya ng pancake at juice


"Naku ma'am wag napo" sabi ni ate

"Naku nahiya kapa ate , chaka wag na ma'am para sayo talaga to ate"

"Pero ma'am"

"Cj na nga lang ate. Sige ka pag dimo kinuha to susumbong kita kay kuya Neil"

At dahil narinig niya yung Kuya Neil hahaha ayun tinaggap na niya .

Matawag na nga ang mga yon ng maka kain na !

"Ayyyyyy kabayo" ano bayan buti nalang hindi ako sumubsob napatid yung paa ko sa upuan eh lalo tuloy sumakit yung mga sugat ko :(


"Goodmorning baby"

"Uy kuya Reid sakto kain na tayo" nakasalubong ko kasi siya

"Sige , tara" sabi niya tapos inakbayan ako pabalik ng kusina

"La teka , tatawagin ko pa yung iba eh"

"Wag na hayaan mo na sila pupunta din sila sa kusina " sabi niya

Hindi nako nakapalag dahil don :(


"Wow pancakes ! Ate salamat!" Sabi ni kuya Reid kay ateng kumakain ng pancake

Nabulunan tuloy si ate hahaha

"Si...sir hindi po ako nagluto , si Ma'am po" sabi ni ate kay kuya Reid

"Baby ikaw nagluto ?" Nakangiti pa siya

Tinanguan ko lang siya

"HOOOYYYYY MGA BATUGAN KAKAIN NA!" Nabigla naman daw ako sa sigaw niyang yon ang pantig ata ang mga tenga ko

"Ano ba reid ang aga aga sumigigaw ka" ayan si kuya????? Ah si Kuya OJ diko kasi agad nakilala bulag nga ako diba ? Wala yung salamin ko

" kasi ang aarte niyo eh ! Pinagluto na nga tayo ni baby tapos gusto niyo tawagin pa niya kayo !" Hala kaya naman pala ang sweet talaga ni kuya Reid hahaha

" siya ang nagluto ?" Tanong ni kuya OJ

Tumango ulit ako with smile


"Ayoko , di ako gutom" sabi niya sabay talikod

Alam niyo yung ngiti sa labi ko ? Nawala

"Kuya OJ , meron ka nanaman ba ? Bakit ba ayaw mong kumain porke nalaman mong ako ang nagluto ! Hindi naman kita lalasunin eh !" Sigaw ko sa kanya

Diary ng PangetWhere stories live. Discover now