Nakakapagod totoo man , kaya sinundot sundot ko na lang pisngi niya para magising siya.
"Hhhhhhhmmmmm" sabi niya hindi parin siya dumidilat
"Kuya yung kamay mo babangon nako" sabi ko
"Ayoko tulog pa tayo, napuyat ako eh" sabi niya emergesh ang boses niya eto ba ang sinasabi nilang morning hot voice ? Hahaha joke lang
"Eh ikaw kuya tulog kapa ako babangon nako " sabi ko
"Maaga pa mamaya na tulog kapa" sabi niya nakapikit padin
"Eh babangon nako , chaka baka makita pa tayo nila kuya Neil eh" sabi ko
"Tsssk" yon lang ang narinig ko at tinanggal na niya yung yakap niya sakin at bumangon siya walang ano ano as in bangon agad akala mo binuhusan ng malamig na tubig , napano yon ?
Pumasok ata ulit siya sa kwarto nila kuya Neil
Niligpit ko yung hinigaan namin , at pinasok ko sa kwarto namin ni Alex
Last day na na namin ngayon may pasok pa kami bukas eh
Kaya hindi ko na kailangan isipin ang pagtulog na katabi si Alex
Naligo nako kahit 7:15 am palang para kung may lakad man kami or magkaayaan ng umuwi eh ready na ko .
Grabe blurred lahat ng nakikita ko , wala kasi ang salamin ko nahulog kagabi , hindi naman ako ganon ka bulag eh may nakikita pako blurred nga lang pag medyo malayo na ang object hindi ko maaidentify agad kailangan lapitan ko muna , pero pag madilim talaga nawawalan ako ng vision pero pag medyo may light eh may nakikita pako .
Paglabas ko ng banyo nagayos nako sinuot kona ang white pants ko at isang malaking grey shirt tapos sinuot ko ng yung black vans ko , medyo umiika ika ako dahil sa mga sugat ko.
At dahil nakita ko ang hair dryer ni kuya OJ Pinatuyo ko ang buhok ko kasi mapapagalitan nanaman ako kay kuya Oj , pagnakita niyang basa ang buhok ko at dahil maganda naman ang buhok dahil na blow dry eh hinayaan konalang hindi ko muna itatali . Dry na ang mga labi ko dahil sa lamig kinuha ko yung lipbalm ko , at naglagay kaya lang dahil masarap siya diko mapigilan ang sarili ko hahahaha.
Lumabas nako ng kwarto ko , si Alex ? Ayon tulog mantika ang ingay kaya ng Hair Dryer pero wala ni hindi nga gumalaw eh .
Paglabas ko dumeretcho agad ako sa kusina mukhang wala pang gising sa mga kuya ko buti naman
"Goodmorning po ma'am" bati ng ateng kasama namin sa bahay
"Good morning din ate , kana mag pa ma'am ate CJ nalang" sbi ko at lumapit sa kanya
"Ay sige po " sabi naman niya
Ngumiti ako
"Napano po yung paa niyo bat kayo umiika?" Tanong ni ate
"Ah eto ba? Wala to ate may sugat kasi paa ko eh , ano pala ang almusal ?" Tanong ko
"Ah may fried rice po ma'am kung gusto niyo , tapos , bacon , egg , ham and hot dog po ,meron tayo" sabi sakin ni ate
"Naluto mo naba ate ?"tanong ko
"Iluluto palang po ma'am "
Ayon sakto
"May pang pancake po ba kayo ? Chaka may orange juice po ba?" Tanong ko
Gusto ko kasi american breakfast ngayon eh :)
YOU ARE READING
Diary ng Panget
Teen Fictiondear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akong nerd eh T.T hellllllpppppppppppppppp...
Chapter 41
Start from the beginning
