*PAAAAAKK!!!*
"Para yan sa Pagsampal mo sa'kin nung panahong Kayo pa ni Matthew" sabi ko sa mukha ni Krissa na ngayon ay nakahawak na sa pisngi niya.
*PAAAAAAAAAK!!*
"At para naman yan sa Pagsampal mo sa'kin ng walang dahilan." sabi ko naman kay Sheena. Muli silang natigilan. Hindi habambuhay na MagpapaApi ako sa kanila. Muli ko silang Nginitian.. Kinuha ko ang Wallet ko at naglapag ng Dalawang libo sa Harap nila.
"Para sa Damage." nakangiti kong sabi at saka ako nag deretso palabas ng Cafeteria. Hanggang sa Makalabas ako ay Tahimik padin sa Loob.. Dumiretso ako sa Room at nakinig nalang ng Music..
Muling nag-umpisa ang Klase.. Nakakainip. Nakakasawa. Napansin ko na panay ang Tingin sa'kin ni Lyka. Di ko nalang pinansin.
Nang mag-uwian ay deretso ako sa GYM. dala ang Gitara ko. Pag dating ko dun, di nga ako nagkakamali, andito siya. Natigilan sila ng Pumasok ako. Dumiretso ako sa Kanya. Tinanggal ko sa Pagkakasukbit yung Gitara at Inabot sa kanya.
Nagtataka naman siyang tinanggap ito.
"Binabalik ko na." malamig na sabi ko. "Para makalimutan kita, dapat lahat ng Bagay na nagpapaalala sayo ay itapon at itago na." Saad ko, Nakatulala lang siya sa'kin "Wag ka mag-alala, dahil simula nung Pinili mo siya. Pinakawalan ko na din ang Pagkakaibigan natin." deretso kong sabi.. Hindi padin siya nagsasalita, Bumuntong hininga ako.. "Tapos na ang Pagkakaibigan natin, Ibaon nalang natin sa Limot ang Lahat. Isipin natin na walang Nangyaring Masaya at malungkot sa'tin. Simula ngayon, Pinuputol ko na ang kahit anong kaugnayan ko sayo." sabi ko ng nakatingin sa mata niya. Biglang nag bago ang Ekspreyon ng Mukha niya. Tumalikod na 'ko sa kanya. pero bago ako lumabas ay muli akong nagsalita
"Aalis ako.. At pangako .. hindi na kita guguluhin .." sabi ko at tuluyan ng Lumabas.. Dumiretso ako Pauwi. Susunduin ako ni Daddy para dun na ko tumuloy sa Bahay niya.. Pag dating ko dun ay nandun na siya. Kinuha ko ang mga gamit ko. Nilibot ko ng Tingin ang Buong Apartment. Iiwan ko na ang bahay na 'to..
sumakay ako sa Kotse.. Tahimik lang ako.
Nang makarating kami sa Bahay ay Agad akong dumiretso sa kwarto. Magpapahinga muna ako..
Kaylangan kong maging matatag. Kaylangan kong ipakita sa kanilang Matapang ako. Kaylangan ko ipakita na malakas ako. Nang sa gayon, hindi na nila ako masasaktan ng basta-basta..
--
Lumipas ang Araw.. Friday na at Bukas na ang Alis ko..
Tulad ng Dati, Pumapasok padin ako. last Day ko na naman nagyon eh kaya pinagbibigyan ako ng Faculty.
Simula ng Kinalaban ko sila Krissa ay Wala ng nagtangkang Kumalaban sa'kin. Bakit? hindi ba nila inakala na Kaya kong lumaban?
Uwian na at Papunta na ko sa Parking Lot ng May humawak sa Kamay ko..
"Totoo ba?" tanong niya.. Hindi ako nagsalita "Aalis kana nga ba talaga?" muli niyang tanong.. "Crystal.."
"Ano? Ano naman sayo kung aalis ako?" naiiritang tanong ko.
"Bakit ka aalis? Dahil ba dun sa Nangyari? Alamin mo mu---"
"Wala na akong dapat alamin pa Zeus. Aalis ako at buo na ang Desisyon ko." sabi ko at hinila na ang kamay ko. Pero muli niya kong hinawakan..
"Wag kang umalis .. wag mo 'kong iwan .."
Napatingin ako sa kanya.. Nakita ko sa mata niya ang Lungkot.. Ano ba itong ginagawa ko? Hindi lang si Matthew ang lalaki sa Mundo.. Huminga ako ng malalim
Binitawan ko ang kamay nyang pumipigil sa pag-alis ko ..
tumalikod ako sa kanya at naglakad paalis ...
Kaylangan .. kaylangan kong umalis .. dahil baka pag nagtagal pa'ko, lalo lang akong masasaktan...
sa Mundong 'to, hindi ka mabubuhay kung walang pagsubok na darating sayo.. sa halos limang taon .. may natutunan ako .. hindi ka dapat maglihim, matuto tayong harapin ang katotohanan,, matuto tayong tumanggap ng pagkatalo . Dahil kung patuloy kang lalaban.. Lalo ka lang masasaktan.. Mahirap ang lumaban, mahirap ang makipag kompitensya .. lalo na kung yung taong pinaglalaban mo, ay kusa ng sumuko sayo....
Muli ko siyang sinulyapan pagsakay ko sa Kotse. Nakayuko padin si Zeus . Nakatayo padin kung saan ko siya iniwan. Napaiwas ako ng Tingin..
"Im sorry..." Bulong ko.. At Naramdaman ko ang Pagtulo ng Luha ko.
Kaylangan ko ng Bagong simula.. Kaylangan kong baguhin ang sarili ko. Dahil kung Patuloy akong magiging Mahina. Lalo lang silang magkakalakas ng loob na saktan at iwan ko..
Masarap naman talaga ang magmahal eh.. siguraduhin mo nga lang na nagmahal ka ng Tamang tao.
--
Maaga akong nagising dahil madaling araw ang Flight namin.. Ayos na ang Lahat.. Pumunta na kami sa Airport.. Nag-antay pa kami sandali at tinawag na ang Flight namin.. Nilibot ko ang paningin ko.. Bumuntong hininga ako at saka nagpatuloy sa paglalakad.. Asa pa naman akong may pipigil sa'kin
Pagkaupo ko ay Pinikit ko ang Mata ko..
Eto na... Dito na natatapos ang Lahat.. At pagbalik ko, sisiguraduhin ko na Wala ng sino man ang makakapanakit pa sa'kin..
Nakapikit lang ako hanggang sa Naramdaman ko ang Pagtaas ng eroplanong sinasakyan ko......
YOU ARE READING
Gitara [Completed]
Teen Fiction©2014 Mahirap mainlove sa isang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar.. Pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo, wala ka din magagawa dahil yung pinaglalaban mo, ay wala namang pagtingin sayo. wag ng umasa kung wala namang aasahan..
Gitara-Part 14
Start from the beginning
![Gitara [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/13872409-64-k133868.jpg)