ANG ATTRACTIVE BEAUTY NG QUEZON CITY.

195 10 25
                                    

@WeOnlyLiveOnceYow

ABOUT HERSELF :

About myself? Isang babaeng moody at napaka paranoid na nangangarap na matupad ang aking pangarap bilang isang successful writer at makita ang aking istorya sa isang libro. :)

Kaya ako gumagawa ng kwento kasi para sakin, isa itong outlet. Gusto kong ilabas ang nararamdaman ko sa pagsusulat, at mga bagay bagay na tumatakbo sa isip ko. Kumbaga, sa pagsusulat ko, naisasakatuparan ko ang mga imposibleng mangyari sa akin, sa atin, na kahit sa istorya lamang ito lumalabas, na kahit papaano'y nagbibigay ng saya sa atin. Kaya din ako gumagawa ng kwento ay upang ipakita sa lahat na may potensyal ako dito, dahil ito ang gusto at ang pangarap ko, kaya habang maaga pa lang, sinisimulan ko na ito., at para na din sa magandang kinabukasan ko.

Kaya gusto kong mabasa ng lahat ang kwentong pinaghirapan ko ay dahil sa kadahilanang gusto kong magbigay sakanila ng panandaliang aliw. Ang saya kasi sa pakiramdam kapag nagustuhan nila ang istorya mo, natatawa sila, kinikilig, nalulungkot, lumuluha. Dahil doon sa mga simpleng bagay na iyon, nagkakaroon ako ng inspirasyon. Doon ako humuhugot ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang aking pagsulat. Wala akong pake kahit iisa o dadalawa lamang ang nagbabasa sa storya ko, ang mahalaga ay ipagpapatuloy ko, kasi alam ko na nag-iintay sila sa mga kwentong ginagawa ko. Sa simpleng bagay na 'yon natutuwa na ako.

Name : Riri

Age : 14

WELCOME ATTRACTIVE BEAUTY NG QUEZON!

THE OFFICIAL 26WATTMATES.Where stories live. Discover now