High School Life
Ni supladongtorpe09
Buhay hayskul…
Bagong yugto ng buhay
Na kung sabihin nila’y pinakamasaya.
Marami ring ibibigay
Na masasayang alaala.
Sa simula’y mangingilala,
Magiging malaya’t mag-iisa.
Pero kapag tumagal na’y magugulat ka
Sa dami ng iyong katropa.
Iba’t ibang taong may iisang hilig,
Magburakbol, mangopya pati na rin ang umibig.
Kapag nadadapa angisa’y pipiliting itindig,
At kapit-kamay na sasabihing “Wala sa’ting makadadaig!”.
Magkasabay na kumakain sa tambayan,
Naglolokohan, nangtitrip at nagdadamayan.
Kasabay sa pagluha sa panahon ng kalungkutan
At kasama sa ngiti ng kaligayahan.
Tulungan ang lahat sa panliligaw ng isa,
Magpaplano’t maghahanda sa panghaharana,
Nagiging inspirasyon ang “crush” upang marka’y tumaas pa.
At manlilibre sa canteen kapag nakaperfect sa Matematika.
Tunay na kaysayang gunitain ang lahat ng alaala,
Mula sa pagkakaiba’y nagkaisa’t nagsama-sama.
Di man natin namalayang ang oras ay dumating na,
Upang tayo’y magkalayo’t hanapin ang pangarap ng isa’t isa.
Magkakalayo ma’y pinipilit magkatagpo.
Binabalikan ang lugar kung saan unang nagkasundo.
Ang mga tawanan, asaran at mga walang kuwentang bagay.
Nakadagdag sa atin ng sigla,at nagpatingkad ng kulay.
Pangako ng lahat ay masayang bibitawan,
Magkanya-kanya man ng landas ay wag magkakalimutan.
Hindi man muling magkita’y manananatiling magkaibigan,
Katropa, kasangga, kaklase’t kainuman.
Salamat sa lahat ng ating alaala,
Sa’n ka man mapunta’y mag-iingat ka.
Naging bahagi ka ng buhay ko’t hindi na iyon mababago pa,
Tumanda man ako’t magka-amnesia pa.
***nakakamiss na ang mga kaklase ko nung hayskul... marami nang nagbago pero ang hindi magbabago'y ang mga alaala namin dahil lahat ng yun ay nasa puso ko na. hahhaha.
YOU ARE READING
Best High School Memories
PoetryAno ang mga kalokohang nagawa mo nung high school? Ito ay para sa mga high school students at sa mga nagfi-feeling highs school student pa rin hanggang ngayon.