Pagsusuri sa "Di Mo Masilip ang Langit" ni Benjamin P. Pascual

11.9K 12 0
                                    

I. (MAIKLING KUWENTO) "Di Mo Masilip ang Langit" ni Benjamin P. Pascual

Paliwanag tungkol sa pamagat:

Sa kuwentong ito, ang pangunahing tauhan na isang preso ay nakaranas ng maraming kabiguan sa buhay at nakaranas ng kaapihan sa lipunang kaniyang ginagalawan. Ipinaganak siyang mahirap kung akya't hindi naging madali ang buhay para sa kaniya. Namatay ang kaniayng anak sa ospital na itinuring niyang pinakamakabuluhang bagay na nagawa niya sa kaniyang buhay ngunit ang ospital na iyon ang naging mitsa ng buhay ng kaniyang anak. Sa mga kaapihang ito, tila ba nawalan na siya ng pag-asa sa buhay na humantong pa sa hindi niya paniniwalang mayroong langit o mayroong Diyos na tumutulong sa lahat ng tao sa kaniyang mga kabiguan.

II. AWTOR

Talambuhay ni Benjamin P. Pascual

Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.

Mula sa kanyang panulat ang maikling kuwentong Ang Mga Lawin na isinalin ni Reynaldo Duque sa Tagalog. Nagsimula siyang magsulat noong 1950's, naging patnugot sa mga komiks at naging isa sa mga manunulat ng Liwayway Magasin. Nanalo siya ng Palanca Memorial Awards para sa Literatura noong 1965 para sa kaniyang akdang "Landas sa Bahaghari at noong 1981 sa kaniyang akdang "Di Mo Masilip ang Langit".

Ang kaniyang nobelang "Utos ng Hari" ang nagwagi ng unang gantimpala ng Cultural Center of the Philippines noong 1975. Pagkatapos ng ilang dekada ng masigasig na pagsusulat, si Benjamin P. Pascual ay kinilala ng Unyon ng Mga Manunulat ng Pilipinas (UMPIL) noong 1994 para sa kaniyang kontribusyon sa literaturang Pilipino. Sa kaniyang edad na 70, kaniyang naisulat ang mahigit pa sa isang dosenang nobela. Siya ay higit na nakilala ng mga mag-aaral sa kaniyang akdang "Ang Kalupi" (The Wallet).

III. PANAUHAN

Ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito ay ang isang preso na nakulong dahil sa kasong arson o

panununog ng ospital na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak. Sa kabuuan ng kwento, marami

siyang ginamit na mga salitang kalye o salitang balbal na mas nagbigay-kulay sa kanyang karakter. Isa rin sa mga

tauhan ay ang asawa niyang Luding, isang maybahay na halos walang alam na trabaho kung kaya't ganun na

lamang ang hirap na kanilang nararanasan sa buhay. Ipinakita ng kanyang karakter na ang mga babae ay

katuwang ng kaniyang asawa sa pagdedesisyon sa bahay, gayun nga lamang mas lamang ang responsibilidad at

karapatan ng mga lalaki sa kuwentong ito. Ikatlo ay ang mag-asawang Cajucom na sa kuwento ay makikita mo

ang pagiging matapobre o mapangmata sa mag-asawa. Pinatutunayan nito na ang diskriminasyon ay

nararamdaman ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan.

IV. BANGHAY

Ang kuwentong ito ay tumutukoy sa malupit na hagupit ng kahirapan sa kasalukuyan. Ang kahirapang nagiging ugat ng diskriminasyon sa mga mahihirap. Mabisa nitong tinatalakay kung ano ang buhay na kinalalagyan ng mga taong pinagkaitan ng karapatan at pantay na pagtingin mula sa lipunan.

Ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito ay si Luding at ang asawa niya na isang preso. Ang kahirapan ang nagtulak sa kaniya para gumawa ng isang pagkakamali.

Sinunog ng lalaki ang hospital na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak. Ang hospital na isa siya sa mga gumawa na itinuring niyang isang natatanging obra at isa sa pinakamakahulugang bagay na nagawa niya sa buhay niya. Napabayaan ang kaniyang asawa, na nang dahil sa mahirap lamang ito ay hindi agad inasikaso ng mga nars sa hospital na iyon.

Isa pa sa diskriminasyong nakapaloob sa akdang ito ay ang pagtanggi ng asawa ni G. Cajucom na tulungang ihatid sa hospital si Luding na noo'y manganganak na anumng minuto. Marahil, sa iniisip niyang siya ang mananagot kapag may nangyaring masama kay Luding, ay inihatid na niya ito sa hospital. Nang makarating na sila sa hospital ay nagmadaling pumunta ang mga nars sa sasakyan ni G. Cajucom ngunit nang Makita na si Luding ang bumaba ay isa-isa na silang nagsilayuan.

Marami sa atin ang humuhusga sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. Marami ang mapangmata at mapangmaliit sa mga mahihirap kung kaya't sa huli, marami ang nalulugmok sa kahirapan.

Isa sa nakatagong tanong dito ay kung saan kumukuha ng pera si Luding gayong ayon sa lalaki, ay wala siyang alam na trabaho at walang "alam". Masasaktan lang siya kung kaniya iyong iisipin.

Sa mga katulad nila, maaari ngang mawalan sila ng tiwala o pananalig sa langit nang dahil sa mga pinagdaanan nila. Ngunit gayunpaman, hindi dapat tayo mawalan ng pananalig sa Diyos at isipin natin na, "Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang pagkakamali."

V. Bisa sa Isip

Habang binabasa ang akdang ito, nalaman ko na umiiral pa ri nang diskriminasyon sa ating lipunan. Marami

pa rin ang mga taong patuloy na naghihirap dahil sa umiiral na sistema ng pamahalaan. Patuloy na napag-

iiwanan ang mga mahihirap sapagkat hindi nabibigyan ng pagkakataong umangat. Nabibigyan man ng

pagkakataon ngunit nananatiling tamad at patuloy na umaasa sa tulong ng iba. Maraming mahihirap sa

kasalukuyan ang nananatiling mahirap sapagkat nawawalan na sila ng pag-asang makakaahon pa sa hirap at

ipinagsasawalang-bahala na lang ang lahat.

Bisa sa Damdamin

Nakaramdam ako ng pagkaawa sa mga tauhan habang binabasa ang akdang ito sapagkat marami silang

naranasang mga pang-aapi sa buhay at hindi sila nabigyan ng pagkakataon ng pantay na pagtingin ng batas

gayundin ang kawalan ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang anak. Ngunit sa kabila nito ay nakaramdam din ng

pakainis sapagkat hindi na lang sana niya inilagay sa kaniyang mga kamay ang pagganti sa naranasan niyang

pang-aapi, marapat na lang sanang ipinagpasadiyos niya ang lahat. Pero nauunawaan ko siya sa kaniyang ginawa

sapagkat kung ako man ang malalagay sa kaniyang sitwasyon, masusunog ko rin ang ospital na iyon.

Bisa sa Asal

Matapos basahin ang akda, natutunan ko na "Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang

pagkakamali. Huwag nating ilagay sa ating mga kamay ang batas at hustisya bagkus ay isipin natin ang sasabihin

ng Diyos kapag ginantihan natin ng masama ang taong gumawa sa atin ng hindi tama. Tinuruan ako ng akdang

ito na dapat ay maging mapagpasensiya, huwag kalimutan na magdasal at patuloy na magtiwala sa

kapangyarihan ng Diyos.

VI. Mga Simbolismo

Ang akdang ito ay may itinatagong mga simbolismo tulad ng mga sumusunod:

Maliit na barung-barong – inilalarawan ang kahirapan na kinasasadlakan ng pamliya ng preso.

Ob-lo o kulungan – isang lugar na madilim, sumisimbolo sa kawalan ng kalayaan. Ditto pinagbabayaran

ng preso ang kasalanang kaniyang ginawa. 

Best High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon