Ang mga Uri ng Tayutay

6K 8 0
                                    


Tayutay - isang paraan ng masining na pagpapahayag na kadalasang ginagamit ng mga manunulat upang mas mabigyang-diin ang paglalarawan ng mga pangyayari o ng isang bagay. Nang dahil sa tayutay, mas nagiging masining, malalim at mas nagiging epektibo ang pagpapahayag. Ilan sa mga uri ng tayutay ay ang mga sumusunod.


1. Pagtutulad (Simile) - dito ay mayroong dalawang bagay na may parehas na katangian ang inihahambing . Gumagamit ng mga palatandaang tulad ng, kaparis ng, anaki'y tila, parang atbp. 

Halimbawa: *Siya ay tila labanos sa kaniyang kaputian.

                         * Ang aking ina ay tulad ng isang ilaw na nagbibigay liwanag sa aking buhay.

                         * Dahil sa ginawa niyang kataksilan, si Jose ay kaparis na ng isang anay na unti-                                                unting  sumisira sa ating samahan.


2. Pagwawangis (Metaphor)- Isang tuwirang paghahambing. Hindi na ginagamitan ng mga parirala at panandang tulad ng, kaparis ng, tila atbp.

Halimbawa: *Siya ang ahas na sumira sa relasyon naming mag-asawa.

                           *Ikaw na tala ng aking buhay, hindi ako susuko at gagawin ang lahat mapasaakin                                           ka lang.

                            *Ang aking mga pangarap ang bangka na maghahatid sa akin patungo sa                                                          tagumpay.

3. Pagmamalabis (Hyperbole) - Pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan ng isang tao, bagay, pangyayari atbp. Nagtataglay ng mga pangyayari na halos hindi na kapani-paniwala.

Halimbawa: *Halos lumuwa ang kaniyang mata nang masaksihan ang naganap na krimen.

                          * Susungkitin ko ang mga tala makuha lang ang matamis mong "oo".

                           * Bumaha ng dugo nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.

4. Pagtatao (Personification) - pagsasalin ng mga katangian ng mga tao sa isang bagay na wari ba'y may kakayahan ito na gawin ang kilos o gawi ng tao. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng mga pandiwa.

Halimbawa: *Ngumingiti ang mga tala sa tuwing ito ay aking pinagmamasdan.

                         *Lumulundag-lundag ang kaniyang puso nang makita ang kasintahang matagal din                                      niyang hindi nakita. 

                           *Nahiya ang mga ulap at nagtago sa mga ulap nang masaksihan ang paghalik ng                                              binata sa labi ng kaniyang kasintahan.

5. Pagtawag (Apostrophe) - Dito'y tila nakikipag-usap ang  isang tao sa isang bagay, tao o kaisipan na wala naman sa kaniyang harapan.

Halimbawa: *O buwang kayrikit, tanglawan mo ang aking pusong labis na naguguluhan!

                          * O mahabaging Diyos na nasa langit, bakit ang buhay ko ay puno ng sakit?

                          * Ulan, halina't ako'y  iyong buhusan nang ang puso ko'y gumaan-gaan!

6. Eksklamasyon - Nagsasaad ng matiinding emosyon tulad ng labis na kalungkutan, pagkabigo,                                 at  kasiyahan. 

Halimbawa: *Ginawa ko naman ang lahat pero bakit palagi na lang akong nasasaktan?

                           *Hindi mo man batid pero sa bawat araw na nakikita kita, wala akong ibang                                              nadarama kundi ang kasiyahan. Sana hindi na matapos ang kasiyahang                                                   nadarama ko!

7. Pag-uyam (Irony) - tila pinupuri o sinasabihan ng mga positibong bagay ang isang tao ngunit kabaligtaran ang nais ipahiwatig.

 Halimbawa: * Napahusay niyang sumayaw, gayun nga lang ay parehong kaliwa ang kaniyang                                         mga paa. 

                           *Napakaganda niyang sumulat, parang kinahig lang ng manok.

8. Pagpapalit-saklaw (Sinechdoche) - ang isang bahagi ay katapat ng kabuuan at ang isang kabuuan ay katapat ng bahagi.

Halimbawa: *Hiningi ni Juancho ang kamay ni Agnes sa kaniyang mga magulang.

                          *Sampung bibig ang kaniyang pinakakain sa kakarampot niyang kita.

                          * Sa panahon ng kabiguan, iisang kamay  lang ang nais niyang makaramay.

9. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - pansamantalang pagpapalit ng pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.

Halimbawa: *Ang anghel sa kanilang tahanan ay ang kanilang malusog na sanggol. 

                          *Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas.



Best High School MemoriesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin