"Oh di sino magsusuot ng boxers na to? Kaya mo ba o ito na." inabot ko sa kanya para isuot pero ni hindi man lang nya ako tignan. Weird.

"Akin na nga." tumalikod na lang ako habang sinusuot ang boxer na binigay ko.

"Wag kang lumingon!" sabi nya sa akin. Narinig ko kasing natumba ang upuan na inuupuan nya.

"Paano ako hindi lilingon eh may nari...." oh gawd sa ginawa naman talaga ng Diyos bakit pa niya tinanggal ang towalya na nakaipit sa bewang nya. Sa lahat naman ng pagkakataon bakit hindi man lang sya tumalikod para isuot ang boxer shorts.

"O______O" titig nya sa akin.

"O_____O" tugon ko sa kanya.

Ang tahimik, bat ba ayaw nyang mag-ingay. Napapakamot na lang ako sa ulo ko. Shit anong gagawin ko. Hindi man lang sya makatingin sa akin at ganun na din ako.

"Okay lets pretend na hindi ko nakita. Now I'll go to the kitchen and get something to eat for you. Hindi nako papasok bukas. Magstay kana lang sa house for a night. What do you want? Champorado or arroz caldo?" okay lets move on. Hindi ko naman talaga nakita eh. Kunyare hindi ko nakita. Ano ba sumagot ka naman para hindi ako maging awkward ang moment.

"ado..."

"ano?" di ko marinig, nakatalukbong na naman sya gamit ang kumot na pinahiram ko.

"champorado po..." tinatakpan nya ang mukha nya dala kahihiyan sa nangyari. Ayokong isipin bat parang nahihiya na din ako.

"Oh sige, punta lang ako dun." Lulutuan ko na lang to at pumuntang kitchen.

"ehhh..." nahihiya sya.

"wala akong nakita" sinabi ko sa kanya papuntang kitchen.

"OHH MAAAYYYY GGAAAWWWWDDDDDDD!!!!" nagsabay pa kaming sumisigaw dahil sa kahihiyan na inabot ko na matignan ang kanya. Sumigaw naman sya dahil sa kahihiyan na inabot nya nung nakita ko ang kanya.

~~~~~~

"Luto na yung pagkain! Nagluto din ako ng tuyo." tinawag ko siya para pumuntang kitchen. Dahil hindi ako makatulog ay ikakain ko na lang ang antok ko.

Pumupunta na syang kitchen ng hindi man lang ako kinakausap. Hindi pa rin sya makatingin sa akin at hawak hawak pa din nya ang kumot.

"Tanggalin mo na yang kumot. Kumain ko na lang muna."

"Ayaw!" daig pa nito ang batang makulit

Ang tahimik ng lugar. Naririnig ko ang tunog ng patak ng ulan. Ang lamig ng simoy ng hangin. Ang sarap kumain ng champorado kahit mag-aalas tres na ng madaling araw. Teka hindi ko pa natatanong sa kanya.

"Nga pala bat napunta ka dito?"

"Sabi mo kasi sa text na muntik ka nang gahasin." bat ayaw nya akong tignan. Kamukha ko ba ang champorado para titigan sya habang kinakain?

"So?"

"Anong "SO"? Hindi mo ba alam kung gaano mo ko pinag-alala. Sino bang nanggago sa 'yo?!!" hala, punong puno ng emosyon si Jack.

"Bat ka sumisigaw?!"

"Eh kasi eh! Sino-"SO" mo pa ako! hindi mo lang kung gaano mo ako pinag-alala." Nakabusangot. Pahina ng pahina ang boses nya. Nakatitig na naman sya sa kinakain nya.

"Meron kasing lalaking sikat daw sa school. Nung first day of school ay papunta nako sa gate pero inulanan nya ako ng putik sa daan."

"oh tapos anong nangyari?" ayaw pa rin nyang tumingin...

"Tas ayun na nga. Kinaumagahan ay kinagat ko tenga nya. Hindi ko man lang napansin ay nakasunod na pala sya sa building na pinagtataguan ko. Kaya ayu---"

"Teka teka. Bat mo sya kinagat." istorbo naman to. Kinukwento ko na nga eh. Atat much?

"Kasi binangga nya ako nung nasa corridor ako. Tas ayun na nga, binuhat nya ako papunta sa abandunadong gym sa campus."

"pweehhhh!!" nasamid sya "Nabuhat ka nya sa bigat mong yan?!"

"(evil eye)"

"ay sorry sige continue..." Hindi naman ako chubby noh. Hindi naman ako ganung kapayat. Sadyang ang katawan ko ay hindi na tinutubuan ng abs tulad ng kanya,

"Ayun na nga! Nung nasa loob na kami ng gym ay bigla na nya akong ginapos gamit ang kanang kamay nya. Tas hinalik-halikan sa leeg" ay shet sabi ko hindi ako iiyak kapag ikukwento ko to eh. Pero naiisip ko pa din ang nangyari kahapon.

"Nagsumbong ka ba?" sabi ni Jack sa akin

"Paano ako makakapagsumbong. Ayokong magsumbong at magkarecord sa admin. Running for laude ako baka ano pang mangyari." tugon ko sa kanya. Gustuhin ko man pero hindi ko kayang magsumbong dahil baka ayun pa ang maghahatak sa akin na hindi maging laude graduate.

"Gago yun ah! Gusto mo patumbahin ko?!"

"wag na. Kakarmahin din yung taong yun."

~~~

Inumaga na kami sa pagkukwento ng kung anu ano. Nanood na lang kami ng movie sa kwarto ko. Ayoko namang pahigain sya sa kabilang kwarto dahil walang kama dun. Ayoko din naman pahigain sya sa sala at baka kumbulsyunin pa sya ng hindi ko makikita.

Buti na lang at nandito sya. Kahit alam kong may shift sya bukas ay magleleave na lang sya. Masaya ako dahil kahit papaano ay merong Jack akong napupuntahan. Kahit alam kong napakabusy nitong taong to ay nakukuha pa din nyang puntahan ako. Kinakapa-kapa ko noo nya ng hindi nya namamalayan. Nararamdaman kong nawawala wala na ang sinat niya.

"Jack" pabulong kong sinabi sa kanya...

"uhhh..." antok nyang pagsagot.

"salamat ah..."

~~~~

Ang ingay ng alarm clock. Minumulat ko ang mata ko. Tanghali na pala. Bakit nakaset tong alarm clock ko ng 12pm? May note pala:

“Goodmorning A!

Sorry kung sinet ko ng ibang time ang alarm clock mo instead of 8am. Sorry din pala at hindi ako nagpaalam na aalis nako. Thank you for accompanying me last night (kahit alam mo na---- waaaahhh, yan tuloy nahihiya akong harapin ka)

 Nagluto pala ako ng champorado. Thank you at nasagot mo kagad ang phone call last night. Isang beses ko lang de-nial ang phone mo ay nasagot mo kagad.

Thanks A! Have a nice day! Fighting!”

Wait? Sinong tumawag sakin before ko nasagot call nya?

Something stupid like I Love You (ongoing series)Where stories live. Discover now