HWS II

11.8K 278 21
                                    

-CHRIS-

Tinupad ni Shane ang pinangako niya kahapon; hindi ko na nga siya naabutan sa bahay pag uwi ko. Wala na lahat ng mga gamit niya, maging mga pictures namin wala na lahat, siguro dahil alam niyang dito ko na ibabahay si Aira. Hindi ko alam kung dala lang ba ng guilt yun o ano, pero nakaramdam ako ng malaking kakulangan sa pagkatao ko.

"Chris, honey Ilapag mo nalang ang mga gamit ko jan. Bukas nalang natin ipaayos yan sa magiging maid ko. Tara na hon pahinga tayo"

Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Aira. Nakiusap siya na kumuha ako ng maid na mag-aasikaso sa lahat ng mga gawaing bahay. Di kasi siya maalam sa mga ganung bagay palibhasa anak mayaman.

Malayong- malayo kay Shane; si Shane anak mayaman din pero hindi siya spoiled kahit unica hija pa ito. Maalm siya sa mga gawaing bahay kaya wala kaming maid. Gusto niya kasing siya ang umasikaso sa lahat; sa bahay maging sa akin. Si Shane-

"Aish. Bakit ko ba sila kinukumpara? "

"Chris, what's taking you so long?" -maarteng saad nito sakin.

"Sige anjan na ako"

Sa buong maghapon walang ginawa si Aira kundi kumain at magreklamo sa ginawang pag ayos ni Shane sa lahat ng kagamitan sa bahay. Gusto niyang ipabago ang ayos nang lahat sa maid na dadating na bukas. Ngayon ko lang nalaman ang ugaling ito ni Aira; maarte, mareklamo, bratinella.

Sa narealize kong iyon ay bigla kong na-miss ang aking asawa; kamusta na kaya siya? Kumain na kaya siya? Umiiyak padin ba siya?

Sa ideyang umiiyak parin siya hanggang ngayon ay sobrang lungkot at guilt ang naramdaman ko. Naisip ko kung gaano ako kalaking gago ang taong walang ibang ginawa kundi ang alagaan at mahalin ako. Pero masisisi niyo ba ako? I fell out of love. Maging ako ay di inasahang mangyayari iyon

Nang tingnan ko si Aira tulog na ito. Ang isiping nakahiga ako sa kama namin ni Shane at kayakap si Aira na aking kabit ay nakaramdam ako ng galit sa sarili ko. Ang gago ko.

Hindi ako madalaw dalaw ng tulog kaya nagpasya ako na tingnan ang buong bahay. Kung ani pang mga dinala ni Shane sa kanyang pag alis.

Naisip kong tingnan Ang attic namin; iyon ang paboritong parte ng bahay ni Shane.

Pagbukas ng pinto ng attic ay nakita ko ang malaking wedding portrait naming mag asawa; sa tagpong iyon ay makikita mo ang saya at pagmamahal naming mag asawa sa isa't isa. Sa tagpong iyon ay di mo maiisip na lolokohin ko si Shane sa dahilang hindi niya agad ako mabibigyan ng anak.

Sa tabi ng portrait ay may nakita akong plastik na hindi ko nakikita noon. Binuksan ko ito doon nagsimhlang tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata. Ang supot ay naglalaman ng aming mga masasayang litrato; Mga litrato noong isang taon palang kaming kasal. Kasama sa supot ang mga Slum book na niregalo ko sakanya noong anniversary namin. Nilalaman nito anv mga litrao namin simula noong nililigawan ko pa lamang siya hanggang sa maging kami at nang ikasal kami.Hindi ko alam na nagpipigil na pala ako ng hininga nang makita ko ang isang pamilyar na kahon. Sa unang tingin ko pa lamang ay napahagulgol ako.

Para sa ikasasaya ko binitawan niya ako. Di bale nang siya ang masaktan basta makita niya lang akong masaya. Ganon niya ako kamahal. Sa sobrang pagmamahal niya para sakin ay hindi niya naisipang ipaglaban ang kanyang karapatan bilang asawa ko dahil ang alam niya ay wala na siyanh laban. Na wala nang pag-asang maibalik ang aming pagmamahalan.

At ngayon ko naramdaman ang matinding tama ng karma. Dahil hanggang ngayon MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO PARIN ANG AKING ASAWA.

---

Pagkagising ni Aira ay nagpaalam akong may bibilhin. Hindi na siya nagtanong o nagbalak na sumama dahil ayaw daw niyang mapagod. Ang hindi niya alam ay pupunta ako sa bahay ng mga magulang ni Shane. Nagbabasakali akong makikita ko siya doon. Nagbabakasakali akong mababawi ko ang aking asawa

-----

Umuwi akong hinang hina. Wala doon ang aking asawa. Dala ng galit ay pinagsusuntok ako ng daddy niya. Nalaman kong hindi pinaalam ni Shane ang nangyayari sa aming mag asawa. Kahit anong sakit ang pinaramdam ko sa kanya ay pinagtanggol niya parin ako. Lalong sumakit ang dibdib ko sa nalaman.wal soyang ibang dala kundi ang mga damit at kotse niya at pera. Nag aalala na ako. Paano kung may nangyaring masama sa kanya? Pano kung wala siyang pangkain? Saan siya manunuluyan? Matutulog? Maliligo? Nababaliw na ako. Idagdag mo pa si Aira na ipinagbubuntis ang aking anak. ANAK na sana ay dala dala ni Shane kung natuto lang akong maghintay

******A/N

Annyeong Cielo Gaytero imnida :) ngayon alam ko na kung gaano kahirap mag isip ng plot HAHAHA. di bale. Last 1 or 2 parts nalang naman po ito. Meron po bang nagbabasa jan? VOTE OR COMMENT naman po. Baka isipin nyo compulsory yung pag vote or comment ha? Kung tingin niyo lang po deserve ng story ko yung hinihingi ko then, KAMSAHAMNIDA

-CieloHartKpop☆♡★♥

His Wife's SufferingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon