Ang sakit ng Ginawa mo Matthew.. ang sakit-sakit!!!!

Naramdaman ko na may humawak sa Bewang ko at inakay ako paupo..

--

 ZEUS POV>>

 Mabilis na nawala sa Paningin namin si Crystal. Walang umiimik. Nakakaawa si Crystal. Gusto kong suntukin ng paulit-ulit si Matthew.

"Let's Go, Hon." napatingin kami kay Sheena ng magsalita siya.. Nakatayo lang si Matthew at Nakatingin sa Tinatayuan ni Crystal kanina. Gusto kong isigaw na GAGO siya!

"Kawawang Crystal. Napaka fee--" di na naituloy ni Krissa ang sasabihin niya ng Sumigaw si Matthew

"MANAHIMIK KA!" Maging kami ay natigilan. "SINONG NAGBIGAY SAYO NG KARAPATAN NA SABIHAN NG KUNG ANO-ANO SI CRYSTAL? SINO?!!!" malakas na talagang sigaw niya.

"Hon.." tawag ni Sheena.. Bumitaw si Matthew sa Pagkakahawak kay Sheena

"At ikaw.." Turo niya kay Sheena. "Hindi ba nasabi sa'yo ng mga yan" turo niya naman kay Krissa "Na galawin o awayin mo na lahat, wag lang si Crystal? ha?" Madiing sabi niya. Muli kaming natigilan. Ano bang nangyayari sa kanya.

"Ano ba sinasabi mo?" kunot noong tanong ni Sheena

"Anong sinasabi ko? Ha!" nakapameywang na siya. "Nakita ko kung GAANONG KALAKAS ang pagsampal mo sa BESTFRIEND KO!!!" sigaw niya.. natahimik kaming lahat. At mas natigilan kami ng May tumulong luha sa Mata ni Matthew "SLUT? SI CRYSTAL ANG SINABIHAN MONG SLUT? HA?!!!! HINDI MO SIYA KILALA KAYA WAG MO SIYANG SABIHAN NG SLUT O KUNG ANO PA MAN! SHIT!" napamura na siya. Nakatulala lang kami dito..

"Matthew.." nag-umpisa na ding tumulo ang luha ni Sheena

"Kaylangan ko siyang saktan. Kaylangan kong magpanggap na walang pakealam sa kanya! Kaylangan na mapalayo ang loob niya sakin! Yun lang ang alam kong paraan para sumama siya sa Papa niya! Yun lang ang paraan dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit ayaw niyang umalis! Ginawa ko yun Kahit Masakit Para sakin! Ginawa ko yun kahit ang Kapalit ay magalit at kamuhian ako ng babaeng mahal ko! ng Babaeng MAHAL NA MAHAL KO!!" Lalo kaming natulala.. Napanganga.. at ni walang nagsasalita.

"WTH?! so ano pala ako sayo ha?!!" umiiyak ng sigaw ni Sheena.. Pinunasan ni Matthew ang Luhang muling tumulo mula sa mata niya.

"Ikaw? Katulad ka lang din ng Mga naging Girlfriend ko, Na kahit anong pilit ipagsiksikan ang sarili sa'kin, Ay hinding-Hindi niyo mapapalitan sa Puso ko si Crystal!"

*PAAAAK!*

Napakalakas ng sampal ni Sheena kay matthew

"How dare you!!" sigaw niya

"HOW.DARE.YOU." Madiin na saad ni matthew. "You have NO RIGHT to hit her!!!" sigaw niya.. Muli kaming natahimik..

 Biglang tumunog ang Cellphone ko..Napatingin sila sa'min. sinagot ko ang tawag

"H-hello?" pero Kinabahan ako .. "WHAT?! FUCK! OK! IM ON MY WAY!!" tapos binaba ko na ..

"Sino yun?" tanong ni Lyka, napatingin ako kay Matthew.

"Si Crystal. lasing na lasing." sabi ko tapos nag-umpisa na 'kong Tumakbo. Tumawag sa'kin ang Tauhan ng Bar na pagmamay-ari ko. Nandun daw yung Babaeng nakita niya sa Cellphone ko. Nakikipag sayawan kung kani-kanino! shit!

Pagdating namin dun ay agad hinanap ng paningin ko si Crystal.. Lumapit ako sa kanya at hinila siya

"OhGhad! Lasing na lasing na siya!"sabi ni Lyka

"B-bitawan m-mo nga *hik* ak *hik* ako!" sabi ni Crystal.

"Iuuwi na kita." sabi ko

"Ayoko! *hik* dito lang *hik* ako!" 

"BAKIT NIYO SIYA HINAYAANG MALASING?!!!" sigaw ko sa mga Crew

"E-eh, Sir.. Mapilit po eh."

"BULLSHIT! LUMAYO KAYO DITO AT BAKA KUNG ANO ANG MAGAWA KO SA INYO!!"

 "Nakakawa siya... Ghad!" saad ni Lyka.. Napabuntong hininga ako.

"Crystal.. Iuuwi na kita ha." Bulong ko.

"A-ayo *hik* ko! dito lang *hik* ako!" nag-umpisang tumulo ang luha niya. "A-ang.. sakit.. nito.." sabi niya tapos tinuro ang Puso niya. "Ang... s-sakit.." Humihikbi na siya.. Napaiwas ako ng tingin. Nakita ko si Lyka na Nangingilid na ang luha.. "Ok lang..O-ok l-lang sana yung. Yung 'I'm Sorry' nya ehh.. kasi.. kasi, Nakahanda na k-ko dun. Pero.. a-ang hindi ko m-matanggap.." Humahagulgol na siya.. "A-ang h-hindi ko m-matanggap, yung.. Mas kinampihan, at Mas p-pinaniw-walaan niya yung Girlfriend niya.. H-hindi n-niya m-manlang ako p-pinakinggan.."

"Tama na... Crystal, Tama na.." Pinapahid ko ang luha niya..

"K-kung s-s-sa b-bagay.. Bestfriend l-lang naman ako. tapos siya y-yung Girlfriend." muling saad niya.. Kung alam mo lang... "S-sabi niya.. sabi niya.. A-ako a-ang number o-one sa Puso niya." sabi niya tapos ngumiti .. Ngiting malungkot.. "ang sakit...ang sakit sakit... ang sakit-sakit.." Paulit-ulit na sabi niya.. Hinila ko siya at niyakap siya..

"Sssshhh.. Tahan na, Nandito lang ako.." bulong ko.. Tumahan siya, Pagtingin ko. Tulog na.. Isinakay ko siya sa likod ko. Nakaalalay lang si Lyka.

"Nakakaawa siya.. Pero ayoko naman magalit kay Matthew, Lalo na't alam natin ang Dahilan niya." saad ni Lyka.. tsk. Ang Tanga ni Matthew! Mahal? Pero hindi pinaglaban? Ha! Gago siya!

 Nakarating kami sa Apartment niya.

"Lyka, Kunin mo nga sa Bag niya yung susi." agad naman sumunod si Lyka. Pagkakuha ng susi, Binuksan niya yung Pinto. Agad kong inakyat si Crystal sa Kwarto niya, nakasunod naman si Lyka. Pagdating sa Taas sa kwarto, inihiga ko na si Crystal. Nakita ko pa yung Picture Frame sa Gilid. Picture ni Matthew at Picture niya. Na magkasama.. Lumapit naman si Lyka sa Bintana para isara yun

"Hala.." saad ni Lyka, napatingin ako sa kanya. "Tignan mo oh.. May lalaking nakatayo dun sa Poste!" Saad ni Lyka, tinignan ko naman.. Huminga ako ng malalim.

"Bababa muna ako, Isara mo na yan. Bantayan mo siya." sabi ko kay Lyka at bumaba na.. Lumabas ako at Lumapit sa Kanya.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko. Nakatingin padin siya sa sa Bintana na ngayon ay sarado na. "Tulog na siya." muli kong saad. Narinig ko ang Pag hikbi niya.. tsk . "Gago ka kasi. Torpe!" madiing sabi ko.. Nung nakaraang Linggo ko lang nalaman ang Totoong nararamdaman Ni Matthew para kay Crystal. Dahil isang Gabi, nakita ko siya dito na nakatayo at nakamasid kay Crystal sa Bintana. Dun niya inamin sa'kin ang lahat. Kaya nga Umiiwas ako kay Crystal, dahil nag-iisip ako. Ayoko naman na mas lalong mapalapit ang loob ko kay Crystal. Gayong alam ko naman na may pag-asa sila ni Matthew...

"Ang tanga ko!" napatingin ako kay matthew ng Sambitin niya yun. "Ang tanga-tanga ko! Pinakawalan ko pa yung babaeng mahal na mahal ko." Humihikbing saad niya. Tinapik ko ang Balikat niya.

"Handa akong Makinig.. Ano ba ang Nangyari at nagkaganyan ka?" tanong ko. Pinunasan niya ang luha niya. Tumingin siya sa'kin

"Kasi......"

----

[ABANGAN ANG POV NI MATTHEW, para mas maintindihan natin ^___^]

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now