"Z-zeus.." lumuluhang saad ko. pinagpagan niya ko. Kasama niya si Lyka na halata ang pagkagulat. Nandito din sila Krissa at mga kaibigan niya. Mga nakangisi sila.. Muli akong tumingin kay Matthew..
"Wag na wag mong sasaktan ang GIRLFRIEND ko." madiing pagkakasabi niya.. Patuloy sa pagbagsak ang luha ko..
"Ano bang.. ano ba ang sinasabi mo? siya ang sumampal sa'kin!" sigaw ko..
"Kahit na! Bakit kaylangan mo pang gantihan?!!" sigaw niya. Napaatras ako..
"Ano bang nangyayari sayo.." mahinang saad ko.. Walang nagsalita. Nakatingin ako sa mga mata niya.. Wala na siya sa Panig ko. Unang beses na Inaway niya ko.
"Anong pakiramdam ng hindi kampihan ng taong mahal mo, Crystal?" mapang-asar na tanong ni Krissa. siguro siya ang may pakana nito.
"Wag mo na akong lalapitan. Lumayo kana sa'kin." napatingin akong muli kay matthew ng sabihin niya yun, Lalo akong nasasaktan.. Nag-umpisa silang tumalikod..
"M-matthew.." tawag ko sa kanya. Huminto sila. Lumapit ako sa Kanya at hinawakan siya sa Braso. "Ang gusto mo ba ay.. Layuan na kita?" humihikbing tanong ko, hindi siya sumagot "Gusto mo ba na, kalimutan kita? Kalimutan ko yung.. yung Limang taon na pinagsamahan natin?" muli kong tanong.. Huminga ako ng malalim.. "Yun ba ang gusto mo? Ha?" tanong ko.. Hindi padin siya nagsasalita.. Nanatili siyang nakatingin sa kung saan..Bumuntong hininga ako, ito na siguro ang tamang panahon para masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman.. "pero..." panimula ko. Nakahawak padin ako sa Braso niya.. "Mahal kita Best! Mahal na Mahal kita!" sa wakas ay nasabi ko din, tumingin siya sakin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya.. Muli siyang umiwas ng tingin..
"I'm Sorry.." saad niya.. Narinig ko ang bulungan nila krissa..
"Bagay lang yan sa kanya."
"Yeah right. Masyadong Assuming"-Krissa..
Napayuko ako. Tama sila , masyado akong nag-assume.. Patuloy lang sa Pag-agos ang luha ko.
"Ang sakit ng ginagawa mo.." mahinang bulong ko.. "Ang ... ang sama-sama mo!" sabi ko at bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa Braso niya.. Nakatingin siya sa'kin ng deretso.. Pinunasan ko ang Luha ko. Unti-unti akong umatras.. Muling tumulo ang luha ko..at Tumakbo ako paalis. Palayo.. sa kanya...
Bakit siya ganun.. Ang sama niya! ang sama-sama niya!!!
Narinig ko pa ang pagtawag sa'kin ni Lyka at Zeus pero hindi ko na sila nilingon. Masyadong masakit ang nararamdaman ko.. Ayoko munang harapin ang kahit sino sa Kanila.. Di ko alam pero dinala ako ng paa ko sa BAR kung saan kami nagpunta noon..
"Bigay mo sakin yung pinaka Matapang na alak niyo." deretsong sabi ko. Agad naman siyang kumilos.. Umupo ako.. Patuloy lang na tumutulo ang luha ko..
Tanga ka Crystal! Tanga! Bobo!!
Ininom ko agad ang Inabot ng Bartender..
"Isa pa." sabi ko.. Kumuha uit siya.. Pagkabigay ay Tinungga ko ulit .. Ang sakit ng Puso ko.. sa sobrang sakit, hindi ko na maramdaman yung pagkahilo ko. Patuloy lang akong Umorder ng umorder.. Tumayo ako at pumunta sa Dance floor.. Nag-umpisa akong sumabay sa Yugyog ng mga Tao.. Wala akong pakialam kung may nakapalibot sa'kin oh ano.. Patuloy lang ako sa Pagsayaw ng nakapikit at lumuluha..
YOU ARE READING
Gitara [Completed]
Teen Fiction©2014 Mahirap mainlove sa isang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar.. Pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo, wala ka din magagawa dahil yung pinaglalaban mo, ay wala namang pagtingin sayo. wag ng umasa kung wala namang aasahan..
Gitara-Part 13
Start from the beginning
![Gitara [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/13872409-64-k133868.jpg)