"Wag ka nga maingay diyan! Baka may makarinig sayo!" sabi ko. Inalis ko na yung kamay ko sa bibig niya. kainis 'to! ><
"Nasa indenial stage ka palang. Balang araw, pasasalamatan mo 'ko dahil napa Realize ko sayo Yung tunay na nararamdaman mo!" sabi niya tapos binelatan pa ako -__-
"Oo na lang!" sabi ko tapos nagtuloy na sa paglakad..
Buong klase ay nakahalumbaba lang ako..
Nang mag-uwian ay Dumaan muna ako sa Locker ko. pagbukas ko, may lumaglag na note. Dinampot ko ito at binasa
::Meet me at the Back Building.
sino naman kaya ito? Sinara ko na yung Locker ko tapos nagtungo sa Likod ng Building..
Nakakakilabot naman, Wala ako makitang Tao.. Tanging ihip ng hangin lang ang naririnig ko. Umupo muna ako sa Bench dun.
sino naman kaya ang nagsulat nun.. Napatingala naman ako ng may nakita akong anino sa Harap ko..
"Hi." nakangiti niyang Bati. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Bakit feeling ko, may mangyayaring di maganda? Umupo siya sa Tabi ko. "Gusto mo ba si Matthew?" kinabahan ako sa tanong niya. Di agad ako nakasagot. "May nakapagsabi sa'kin na.. Gusto mo daw si Matthew. di lang gusto, Mahal mo pa."
"S-sino naman ang may sabi niyan sayo?" tanong ko.. Ngumiti siya
"di na mahalaga yun. Di naman ako naniniwala nung sinabi nila yun eh.." saad niya. tumingin siya sa'kin "Pero, gusto ko malaman ang totoo. Mahal mo nga ba talaga siya?" Malumanay na tanong niya. Di ko alam saan patungo ang usapan na ito.
"Ikaw yung nagsulat?" Tanong ko
"Yup. Gusto lang talaga kitang makausap." sabi niya.. Huminga siya ng malalim. "Mahal mo ba siya?" muling tanong niya.
"Sh-Sheena.."
"Just Answer the Damn question Crystal! Do you Love Him?!" madiing tanong niya.. Tumayo na 'ko at naglakad paalis, pero nahawakan niya agad ako sa Braso. "Sa ikinikilos mo. Alam ko na agad ang sagot." sabi niya. Humarap ako sa kanya
"Ano ba ang sinasabi mo?" tanong ko. Nakita ko ang pag ngisi niya.
"Mahal mo ang Boyfriend ko." madiin namang sabi niya.. "Malandi ka palang talaga." napatulala ako sa sinabi niya. Palagi nalang akong napapaaway sa nagiging GF ni Matthew..
"Wala akong alam sa sinasabi mo." saad ko.. Nagulat nalang ako ng Hinarap niya ako sa kanya at Malakas na sinampal! Napahawak ako sa Pisngi ko...
"Ang kapal ng mukha mo! Eto sinasabi ko sayo, Layuan mo si Matthew! dahil nung una pa lang, akin na siya!" sigaw niya.. nakahawak padin ako sa Pisngi ko. "Ano? Masakit? Mas masasaktan ka kung patuloy mong didikitan ang Boyfriend ko! SLUT!!!" Sigaw niya.. Nag-init ang ulo ko..
nakaamba na 'kong sampalin siya ng may pumigil sa Braso ko.. Binitawan niya ng malakas ang braso ko dahilan para mapaupo ako..
"Matthew.." mangiyak-ngiyak na tawag ko.. Nag-umpisang tumulo ang luha ko. Ito ang kauna-unahang Ginanto niya ko.. Tinignan niya lang ako tapos lumapit siya kay Sheena..
"Ok ka lang?" tanong niya kay Sheena.. DEJAVU? ang pinagkaiba lang, hindi na ako ang pinagtatanggol niya.. Biglang may humawak sa Braso ko at tinayo ako.
YOU ARE READING
Gitara [Completed]
Teen Fiction©2014 Mahirap mainlove sa isang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar.. Pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo, wala ka din magagawa dahil yung pinaglalaban mo, ay wala namang pagtingin sayo. wag ng umasa kung wala namang aasahan..
Gitara-Part 13
Start from the beginning
![Gitara [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/13872409-64-k133868.jpg)