HUGOT CLASS (SCRIPT)

332 0 0
                                        

Scenario: Sa isang classroom, magulo ang mga estudyante.
*dadating ang prof, mag-aayos ng gamit*
(Despacito chorus)

*may late na dadating*
King: Sorry Mam, Im late.
*diretso sa upuan*
Dana: *kakausapin* Late ka na naman. Mapatext, chat, late reply ka, ako yung laging naghihintay. Pati ba naman dito late ka?
(Maghihintay na lamang ba ....)

Manel: Good afternoon class. Pls take your seats. So before we start, balikan natin yung diniscuss kahapon.
Dimaano: *tatayo* Ganyan po ba talaga mam? Babalikan lang kung kelan gusto, tapos pag tapos na, babaliwalain na.<br>
(c/o Mitzie)

* 2 kausap magkatabi*
Jeefel: *hahatching* ay sorry po. (Nahihiya)
King: Sorry? Puro na lang sorry. Bakit may mababago ba yang sorry mo, eh nasaktan na ko.
(Sorry Na chorus- parokya)

Manel: shhhh, ang ingay nyo *kukuhang papel at ipapamigay* Sagutan nyo na lang ito.

*2 estudyante nag uusap*
Kath: Swerte naman, may multiple choice. Ang daming options.
Judith: Multiple choice na naman? Ganyan na lang lagi eh, kasali lang ako sa mga options nya.
(c/o Mitzie)

*nag uusap*
Mitzie: Uy naintindihan mo yung topic? Paturo naman.
Michelle: Ako pa? Lagi namang ako ang umuunawa eh. Kahit mahirap na, iniintindi ko pa din sya.
( di lang ikaw)

*2 estudyante*
Joseph : *nakatingin sa papel then iimik * hays, Buti pa yung papel ...
Jalyn: *napalingon* Ha?
Joseph : buti pa yan, nabibigyan mo ng pansin eh ako? Kailan mo mapapansin?
( kailan- chorus)

*magbestfriend*
Jefeel: *masayang masaya* bes pinansin na ko ng crush ko!
Jepoy: *malungkot* siya na naman. Siya na naman! Samantalang ako, nasa harap mo na di mo pa napapansin.
(Why cant it be)

*2 estudyante*
Jasper: Pahiram naman ng ballpen. Nawawala kase yung sakin, naiwan ko yata.
Dimaano: Ayoko nga,ganyan naman kayo eh, maaalala lang kasi kailangan. Pero pag wala ng silbi, okay lang iwanan na basta basta.
(c/o Mitzie)

*2 magkakatabi*
Jepoy :*talking to himself* Ang hirap naman nito, wala akong maintindihan. Ayoko na.
Jalyn: *mapapalingon* ganyan naman kayo eh pag nahirapan ng konti suko agad. Samantalang ako kahit mahirap pinaglaban ko siya.
(Pagsuko chorus -Jireh Lim )

*may biglang lalabas ng room*
Manel: Ms. san ka pupunta? Bat di ka magpapaalam?
Kath: bakit Mam, kailangan po ba laging magpaalam? Siya nga eh, bigla na lang umalis at nawalang parang bula.
(c/o Mitzie)

Jomar: * lalapit* Nandito lang naman ako ah, sa iba ka kase nakatingin kaya akala mo mag-isa ka.
( kakanta ng Pansamantala)

Manel: Ano ba yan, tapos na ba kayo? Ikaw mister chad, may sagot ka na?

Chad: Mam, wala po parang sa kanya lang, walang sagot kung bakit sya mahalaga.. *kakanta ng Sila*

Manel: Nako,tama na nga yang kakahugot nyo. Tapusin nyo na yan at ipapasa na.
Rose: *lalapit sa prof* Mam, may mali po sa check nyo oh. Baka maaayos pa po, perfect na sana eh. Parang kami, hays sayang. *kakanta ng Sayang na Sayang*

Manel: *magagalit* Mali? Lagi na lang akong may mali, ginawa ko naman ang lahat. San pa ba ako nagkulang? Nakakasawa na. *magwawala*

*aawatin ng estudyante*

THE END

🔹 HUGOT CLASS 🔹Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon