Weather No. 29 *Speak Now*

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakatulog ako dahil sa kakaiyak tapos nagising naman ako sa malakas na music ng kapitbahay ko. Babatuhin ko nga sana ng refregirator kaso wala pala akong ref tsaka bigla akong natamaan sa kanta. Kasal na ni Cloud ngayon. Umu-oo ako sa deal pero hindi ko naman pala kaya.

*TAK! *TAK! *TOK!

May sunod-sunod na bumabato ng bintana ko gamit ang maliliit na beads. Sinilip ko.

"OY! BABAENG ANAK ARAW!" sigaw nung nasa labas. Makasigaw to parang wala nang bukas eh.

"Bakit Bluenica?" tanong ko. HOLO?! WALA AKONG BOSES!! NAMAMAOS AKO!

"Nabalitaan ko yung nangyari. Magbihis ka nga! Pigilan mo yung kasal! Sira ka ba?! Walang divorce sa Pilipinas! Hindi mo dapat ipamigay ang taong mahalaga sa'yo!" sabi ni Bluenica sa akin na mukha talagang sasabak sa gyera. Sa narinig kong iyon para akong nabundol sa isang malaking pader. Hindi pwede! Ayoko na! Cloud akin ka na lang!!

Mabilis akong nagbihis. Sa sobrang taranta ko nadapa pa ako at lumagapak sa banyo pero okay lang basta makahabol. Sumakay agad ako sa kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namin.

"Shonga ka talaga. Hindi yan ang sasakyan na'tin. Bakit, akin ba yan?!" snap ni Blue sa akin. Nyek, mali pala. Umangkas si Bluenica sa motor niya. Sumakay na rin ako saka niya matuling pinatakbo iyon patungong simbahan kung saan gaganapin ang kasal.

Ang bilis masyado ni Bluenica magpatakbo. Parang maiiwan yung bituka ko sa kalsada eh. Parang mas atat pa siyang makarating kaysa sa akin. Thankful ako sa kanilang dalawa ni Alex. Natulungan nila akong magising sa sobrang kashongahan ko. Violet, sorry. I can't keep our deal. Magiging selfish muna ako ngayon. Kahit ngayon lang.

♪♫ Speak Now by Taylor Swif t♪♫

I am not the kind of girl

Who should be rudely barging in

On a white veil occasion

But you are not the kind of boy

Who should be marrying the wrong girl

I sneak in and see your friends

And her snotty little family

All dressed in pastel

And she is yelling at a bridesmaid

Somewhere back inside a room

Wearing a gown shaped like a pastry

Iniwan na ako ni Bluenica. Ni hindi ako nakapagpasalamat kasi umalis agaw siya. Pumasok ako sa simbahan na nakatakip ang mukha. Kinuha ko yung boquet ng bulaklak at itnabing sa mukha ko nung palusot na ako sa mga guards. Para akong dagang nagtatago sa pusa (Mrs. Buenavista). Kapag nakita niya ako siguradong ipapatapon niya ako sa labas. Kinakabahan ako. May mga guards kasi na inutusan para harangin ako if ever na pumunta ako dito sabi ni Blue.

"Miss!" sigaw sa akin nung guard bago pa ako makalayo sa kanya. Shomai! Nahalata ata ako. Napahinto ako sa kinatatayuan ko at naghintay ng susunod niyang sasabihin.

"Sa bandang gilid mo daw ilagay 'yang mga bulaklak." Sabi ni manong guard. Nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy sa paglalakad. Pasimpleng inilapag ko yung bulaklak sa isa sa mga stands doon at nagtago sa mga kurtina. Sa isip ko nagple-playback yung kanta na narinig ko kanina.

Nasilip ko si Violet na nagbibigay ng instruction sa isa sa mga bridesmaid niya. Kakausapin ko sana siya pero biglang dumating si Mrs. Buenavista at tinangay si Violet palayo. Tss. Napasiksik ako sa gilid. Kahit kelan talaga. Hay naku! Mrs. Buenavista!

Ms. Sunny Meets Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon