-

 Nandito na kami sa BAR na puro estudyante ang tao. Nakaupo ako sa Tabi ni matthew at sa kabila niya ay si Sheena. Pinag gigitnaan namin si Matthew.

 Naglapag yung Coach nila ng Alak at naghiyawan naman sila. Kumuha si Matthew at Uminom. Nakita ko din na umiinom si Sheena. Hindi ba siya pipigilan o susuwayin ni Matthew? Napatingin naman ako sa Kabarkada ni matthew ng Abutan niya ako ng Alak, Napatingin saamin ang Lahat. Tatanggapin ko ba? Hindi kasi ako nag iinom. Bumuntong hininga ako. kukunin ko na sana ng Hablutin ni matthew yung alak sa kamay ng barkada niya. Natahimik ang lahat at nakatingin lang kami kay Matthew.

"Hindi siya pwede mag-inom. Bawal" matigas na saad niya. agad nangibabaw ang Kantyawan sa pagitan namin. Napayuko ako, ano ba ang ginagawa niya? katabi niya ang Girlfriend niya! nakita ko ang Pagyuko ng Girlfriend niya.

 AKO ang sinuway at pinagbawalan niya, imbis na yung GIRLFRIEND niya. tsk

Nang medyo gumagabi na ay Nagpasya na silang umuwi na kaya tumayo na din ako. Bigla naman hinawakan ni Matthew ang Kamay ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya ng nakatingala saakin. Napatingin ako sa GF niya at ang tingin niya ay sa Kamay namin kaya hinila ko ang kamay ko.

"Uuwi na Ko Best." saad ko.

"Ihahatid na kita." muli akong napatingin kay Sheena.

"N-naku, h-hindi na. Ihahatid ako ni .. ni . ni Zeus! tama! Dito ka lang at Bantayan mo yung GIRLFRIEND mo." pagdidiin ko, at nanlaki naman ang mata niya tapos napatingin kay Sheena. nawala ba sa isip niya na may GF siya? Naglakad na 'ko palabas at hinayaan ko na sila dun. malamang sa alamang ay nagtatampo na si Sheena. Tsk, dapat pala hindi nalang ako sumama. Ayoko makasira ng Relasyon -__-

Habang naglalakad, napadaan ako sa Playground. Umupo ako sa Swing at tumingala sa mga bituin.

 Ang gaganda.. Nagkikislapan at kumikinang. siguro ay napakaganda sa langit. masayang naglalaro ang mga Anghel habang nakapalibot sa mga nag gagandahang bituin.

"Nakikita niyo po ba ako." mahinang tanong ko habang nakatingala padin sa langit. "Ang galing niyo po talaga no? NapakaGanda ng Daigdig na nilikha niyo." saad ko. "Pero, kasama po ba sa nilikha niyo ang MASAKTAN ako?" pigil ang luhang tanong ko. "Masama po ba akong tao?" di ko na napigilan ang Luha ko at dumaloy sa Pisngi ko. "Bakit po inilalayo niyo sila saakin? Si Mommy, si Daddy. Inilayo niyo po sila sa'kin. masaya naman po kami dati, pero bakit nagkaganun?" bumuntong hininga ako. "Pero nagpapasalamat po ako sa inyo nung ibinigay niyo saakin si matthew. kaso, kasama po ba sa Plano niyo ang mainlove ako sa kanya samantalang siya ay Hindi? Ang unfair po. Ako lang ang Palaging nasasaktan." Pinahid ko ang luha ko atsaka tumayo na. "Marahil ay may inilaan kayong Nararapat na nakatadhana saakin kaya ganun." saad ko at naglakad na pauwi.

 Nang makauwi ako ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. kinuha kong muli ang Gitara ko at umupo sa bintana. Sinubukan kong tugtugin ang kakantahin namin bukas ni Zeus. Medyo kinakabahan ako.. Hindi ko makuha ang tamang pag Strum kaya napagpasyahan kong matulog nalang. Isinabit ko ang gitara at lumapit muli sa bintana para isara ito. Ngunit nandun na naman ang Pigura na palaging nakamasid saakin. Sino ba yun? Guardian Angel ko? Hmm.. Isinara ko na ang bintana. Kaylangan ko ng Magpahinga para bukas..

--

 AUTHOR'S POV>

Muling nakatayo sa madilim at likod ng Poste ang binata. Nakamasid at nakatanaw sa Dalagang May hawak ng Gitara. Bumuntong hininga ang Binata. At muli, tumulo ang Luha niya. Matapos isara ng Dalaga ang Bintana ay Nakamasid parin ang Binata doon.

 Gusto niyang Lumapit sa Dalaga at Yakapin ito. Gusto niyang Ipagsigawan sa lahat kung ano ang nararamdaman niya. Pero hindi niya magawa dahil natatakot siya.

 Pinahid niya ang luha niya at ng akmang aalis na siya ay may nagsalita mula sa likod niya.

"Sa lahat ng torpe, ikaw na ang PINAKA." saad ng kadarating lang na binata. Bumuntong hininga siya at muling tinanaw ang bintana.

"Mas Ayos na yung ganito." saad niya at inilagay ang Kamay sa Bulsa. Nag-umpisa siyang maglakad at sinundan siya ng isa pang binata.

"Alam mo ba na aalis na siya?" tanong ng lalaki sa kanya

"Alam ko. Pero hindi pa naman siya nakapag desisyon kung sasama siya o hindi." sagot ng Binata.

"Alam mo ba kung bakit ayaw niya sumama?" muling tanong ng isa.Napatigil sila sa paglalakad.

"Bakit nga ba?" nagtatakang tanong ng Binata. Umiling-iling naman ang kasama niya at tinapik ang Balikat niya

"Alamin mo sa sarili mo." makahulugang saad nito bago umalis. Nakatayo lang ang Binata at ng makalayo na ang Lalaki ay nagpasya siyang muling maglakad.

 Nakauwi siya ng Bahay at nagderetso sa kwarto niya, Kinuha niya sa Table ang Picture Frame na may Litrato niya at litrato ng Dalaga. Hinaplos niya ang mukha ng Dalaga sa Litrato at hinalikan ito.

 Humiga siya sa kama habang yakap ang Frame. Pumikit siya at nakita niya ang Mukha sa dalaga.

"Mahal Kita.. Mahal na Mahal kita.." saad niya habang patuloy sa Pag-agos ang Luha niya...

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now