"Patay na ang mommy at daddy ko!" biglang sigaw ni Auberon at pumalahaw ng iyak.

Natigilan naman si Gaius. Hindi ito nakakilos habang nakatingin kay Auberon na puno na ng luha at sipon ang mukha.

Ulila na pala ito kaya ito inampon ng mga magulang ng batang lalaki.

Nakaramdam ng awa si Gaius sa batang kaharap. Hindi pa ito nakakilala ng ulila pero naiintindihan nito sa murang edad na mahirap mawalan ng mga magulang. Kapag nasa malayong lugar ang mga magulang nito para sa trabaho ay nalulungkot ito. Paano pa kaya ang isang ulila?

Bumaba ito mula sa upuan at lumapit kay Auberon.

"I'm sorry," ani Gaius saka niyakap ang umiiyak na batang babae. "Share na lang tayo ng mommy at daddy. At simula ngayon, ako na ang Kuya Gaius mo at bestfriend na rin."

Tumigil sa pag-iyak si Auberon at patagilid na tiningnan si Gaius na nakayakap sa kanya.

That moment, she knew she found a new family. And a loving one at that.

Napatigil sa pagmumuni-muni si Gaius nang marinig ang mahinang ungol ni Rifka bago ito kumilos.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa harap ng kanyang study table saka nilapitan ang dalaga. Hindi niya napigilan ang sariling mapatitig sa inosente nitong mukha. Maliit itong babae kaya pakiramdam niya ay obligasyon niyang protektahan ito.

But once again, he remembered how she fought. Her fighting skills were so advanced.

Nabaling sa nakaawang nitong mga labi ang paningin niya. They looked so pink and luscious. He tasted them two nights ago and they were so sweet.

Napalunok siya. Why was she seducing him? Unconsciously?

Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay isa siyang aso na in heat. Nakakahiya.

Hinila niya nang dahan-dahan ang covers upang ipatong iyun sa katawan ng dalaga ngunit kumilos nanaman ito kaya mukha siyang tanga na nag-freeze sa kanyang posisyon, nakayuko, hawak ang makapal na comforter.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" she suddenly spoke kaya gulat na napatayo ng tuwid si Gaius kaya nahila niya ang covers.

"Ah...gising ka na pala," wala siyang ibang nasabi. Nang tingnan niya ito ay nalaman niyang nanlalaki pala ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya at tutop ang sariling bibig.

"Bakit ka nandito sa kwarto ko?"

Ang kapal naman ng mukha nito, bulong niya sa sarili.

Kumunot ang noo nito at agad na nanlaki ang mga mata nang makita ang paligid. "Is this your room? Ano'ng ginagawa ko rito?" bigla na lamang itong bumangon at bumaba mula sa kama niya. With her hair flying in all directions. Mukha tuloy itong pinya.

"You can't remember anything?"

Nakita niyang natigilan ito na para bang nag-iisip. At ilang sandali ang lumipas bago ito gulat na napatitig sa kanya.

"Tell me panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi," mahina nitong sabi na nagsimula nang mamula ang mukha.

Umiling siya saka yumuko and made his bed. Napangiti pa siya nang lihim nang ma-realize na dumikit sa kanyang kama ang amoy ng dalaga.

Natigilan siya sa naisip bago umiling. Nababaliw na siya.

"Uhm... K-Kailangan ko nang bumalik sa kwarto ko. S-Salamat sa tulong mo ka...kagabi," anito na natatarantang pinululot ang lumang sapatos nito na tinanggal niya kagabi.

"Next time, don't drink if you can't handle it," aniya na busy pa rin sa pag-aayos ng kanyang kama.

"H-Hindi na mauulit," mahina nitong sagot kaya napalingon siya rito. Did she just agree with him?

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon