The Case of Lee Jihoon: Beards Pt. 2

610 53 25
                                    

"JI."

"Mmm."

"Anong ginagawa ng shave na 'to sa tuktok ng TV?"

Kumibit-balikat si Jihoon habang tinatapik ang ballpen sa binder nito. "Ewan ko."

"Ikaw ba ang naglagay nito?"

Take a hint, bastard.

"Ji, tayong dalawa lang dito sa apartment. Imposible namang ako," iritang sagot ni Seungcheol sa kanya.

"Hmmmmmmm," Jihoon hummed out without taking his eyes off his notebook.

"Eh etong shave sa tabi ng desktop ko?"

"Hmmmm."

"Bakit may shave sa mesa?!"

"Hmmmmmmm."

"Ji pati ba naman sa higaan ko may shave?!"

"Ohhhhhh."

Rinig na rinig niya ang malakas at malalim na hininga ni Seungcheol sa tapat niya pero hindi niya ito tiningnan.

"PANGLIMANG SHAVE NA 'TONG PAKALAT-KALAT SA APARTMENT LEE JIHOON!"

Jihoon looked up icily. "Take a hint you hobo."

"Hobo?!"

Muling ibinalik ni Jihoon ang kanyang tingin sa notebook. Matagal nang nawala ang konsentrasyon niya at kahit na nakatuon ang mga mata sa pinag-aaralan, nakatuon naman ang kanyang isip sa pagpapakalat ng hindi lang mga shave sa buong apartment kundi pati na rin tubes ng shaving cream.

You will shave that beard off, Choi. Bago pa kita pakainin ng shaving cream.

Lego House / jicheolWhere stories live. Discover now