Ayos There, Ayos Here, Ayos Everywhere. And .. Taaaadaaaaa~~~! NakaWhite Dress ako na above the knee, pinasuot din ako ng Sandalas. Tapos nilagyan nila ako ng Light Make-up. Naks! Kumpleto ah. Binigyan din nila ako ng Bulaklak na gawa sa Papel -___-
Pumila na yung mga Abay kuno. Tapos ako yung nasa hulihan. Bakit may paganito-ganito pa? Naglalakad na 'ko tapos may kumakanta pa.. Nakita ko naman na nag-aantay si Zeus na napakalapad ng Ngiti. Wow! Gwapo niya ngayon ah *^___^* Habang naglalakad ako, Nakatingin lang ako sa kanya.. Kaso. Bakit si Matthew ang nakikita ko? Grrr.. Umiling-iling ako. Wag mo muna isipin si Matthew, ok?
Nang makalapit ako sa kanya ay hinawakan niya ang kamay ko. Aba! Malamang! Alangan naman yung hawak kong bulaklak ang hawakan niya?! Tsk.
Sa harap namin, may kunwaring Pari din.. Misa dito, misa doon. Suot singsing.
"You may now kiss the Bride."
What the?!!! Kasama pa yon?
"Sapak, gusto mo?" saad ko kay Zeus ng makitang Papalapit ang mukha nito sa mukha ko. Kaso, nginitian lang ako nito. Napapikit nalang ako sa sobrang kaba. Inantay ko na Dumampi ang Labi niya sa Labi ko, pero sa noo ko ito dumampi. Napamulat ako ng Mata. At nakita kong nakangiti siya sa'kin. AHMP!
Nagpalakpakan naman daw yung mga Bisita kunwari. Hinila naman na ako ni Zeus
"Magpalit kana." saad niya. kaya sinunod ko. Pagkatapos kong isuot muli ang totoong damit ko ay lumabas na ko.. Nadatnan ko si Zeus na nag-aantay sa'kin.. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na naman ako..
"Saan tayo pupunta?" tanong ko..
"Honeymoon.." nakangiting saad niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Joke lang!" Nakangiti ulit na saad niya..
Dinala lang ako kung saan-saang booth ni Zeus, kain dito,kain don. at ng mapagod kami ay naisipan naming maupo..
"Nakakapagod ang Maghapon.." saad niya.
"Yeah right." sabi ko, pumikit ako habang nakasandal sa Puno..
"Crystal.." tawag niya sa'kin
"Hmm?" sagot ko ng nakapikit padin.
"Crystal.." muli niyang tawag
"Hmmm?" sagot kong muli..
"Crystal.." tawag niya.. This time, dumilat na 'ko
"Ano ba---"
O___O
halos manlaki ang mata ko ng pagdilat ko ay sobrang lapit ng mukha niya sakin. halos nagkakadikit na ang ilong namin..
"Crystal.." muli niyang saad sa mahinang boses.. Ngumiti siya at Dahan-dahang pumikit.. Di ko alam gagawin ko.
*DUGDUGDUDGUGDUG* hutaenang Puso ito! lakas ng kabog! Nakatingin padin ako sa kanya, Nakapikit padin siya. Bumaba ang tingin ko sa labi niya..
*DUGUDUGDUGUDUG* Lalong bumilis ang tibok ng puso ko... Napapikit nalang din ako.. Kusang gumalaw ang Kamay ko at ikinawit ko sa Batok ni Zeus... Ramdam ko ang Pagtama sa mukha ko ng liwanag ng paglubog ng araw.. Unti-unti, nilapit ko ang ulo ni Zeus sa mukha ko gamit ang Kamay kong nakahawak sa batok niya... Naramdaman ko ang Pagdampi ng Labi ko sa Labi niya..
*DUGDUGDUGDUG* my FIRST KISS...
Napadilat ako habang magkadikit padin ang Labi namin.. Gumalaw ang labi niya na ikinabigla ko.. Nakasandal padin ako sa Puno habang siya ay Hinawakan ang Bewang ko at ang isa niyang kamay ay nakatukod sa inuupuan namin.. Ano ba itong nararamdaman ko?!!! Inilapit kong muli ang Ulo niya sa'kin at mas nagdikit ang Labi namin, Napapikit ako. Unti-unti kong sinabayan Ang bawat galaw ng Labi niya.. Tumaas ang isang kamay ko at yumakap sa Likod niya..
*DUGDUGDUGDUG* pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.. Hinapit niya ko sa bewang.. Muli akong napadilat.. Dumilat din siya at nagtama ang paningin namin.. Agad nanlaki ang mata namin at parang si FLASH ay bigla kaming naglayo.. Nakatalikod ako sa kanya at ganun din siya!
SHIT! FUCK! ano ba ang ginawa ko!! sabi ko dati, kay Matthew ko ibibigay ang Firstkiss ko!!! Argh!! Nakakahiyaaaaa!! Paano ko pa haharapin si Zeus?! ARGH!!
"S-sorry.." Nauutal na saad niya.. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya..
"Uuwi na 'ko.." saad ko. Tumayo ako at hindi pa 'ko nakakahakbang ay napigilan niya na ako sa Braso ko.. Bwisit na lalaking 'to! Hindi niya ba maintidihan na Nahihiya ako sa kanya?! Grrrrr
"Hatid na kita." sabi niya.
"Hindi na.Salamat." saad ko. Bitiwan mo na ako please -___-
"Delikado na sa daan, hatid na ki---"
"CRYSTAL!" napatingin ako sa tumawag sa'kin at Pagtingin ko...
*DUGDUGUDUG* isa pa ito! -___- Patakbo siyang lumapit sa'kin at napakalapad ng Ngiti.. Bigla-bigla ay niyakap niya ako..
"Best.. May Problema ba?" tanong ko, Hingal na hingal kasi siya.. Umalis siya sa pagkakayakap at Tumingin sa'kin ng Deretso. Napakalapad padin ng ngiti niya..
"Best friend! Kami na! Sinagot nya na ako! yahoo!!"
O___O
Sinagot? Agad-agad?
Napatulala ako sa sinabi niya.. Napaiwas ako ng tingin..
"C-congrat's!" pilit na ngiting sabi ko.. Muli niya akong niyakap.
"Salamat Bestfriend!!!" saad niya. Halata sa boses niya ang Pagiging masaya. Eto na naman. Magiging masaya ako para sa kanya. Marahan kong inangat ang paningin ko habang nakayakap siya sa'kin.. Wag kang Traydor Luha!! Umalis siya sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo.
"Una na 'ko ha? Di na kasi ako makapaghintay na ibalita sayo kaya hinanap kita! Hehe.." saad niya. "Ingat ka pauwi, ok?" dugtong niya. Tumango-tango lang ako.. Kumaway na siya at tumakbo paalis. Hindi ko na napigilan ang luha ko.. Sanay na 'ko diba? Pero bakit ang sakit padin? Hangin lang ba ako para sa kanya?
Patuloy lang sa Pag-agos ang luha ko ng bigla akong yakapin ni Zeus. Oh.. There, si Zeus. Andito nga pala siya.. Ang galing. Siya na naman ang kasama ko ngayong nasasaktan ako..
Yumakap ako sa kanya at sa Dibdib niya ako umiyak ng umiyak.
Ang sakit.. Ang sakit-sakit!
Nakakapagod na! Gusto ko ng Tumigil pero hindi ko magawa. Gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya pero di ko magawa...Ang SAKIT na.. sobra..
ESTÁS LEYENDO
Gitara [Completed]
Novela Juvenil©2014 Mahirap mainlove sa isang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar.. Pilit mo mang ipagsiksikan ang sarili mo, wala ka din magagawa dahil yung pinaglalaban mo, ay wala namang pagtingin sayo. wag ng umasa kung wala namang aasahan..
Gitara-Part 9
Comenzar desde el principio
![Gitara [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/13872409-64-k133868.jpg)