"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Umalis naman siya sa Pagkakayakap at muling tumingin sakin ng Nakangiti.. pero parang.. Malungkot? Lumapit siya sa'kin at Hinalikan ako sa Noo.

"I Love You..... Best Friend." sabi niya at umalis na ..

 Nakatayo padin ako dito at nakatulala.. Matutuwa na sana ako dahil nag ILoveYou siya, Pero anak ng Nangitlog na tinapa! May 'BestFriend' palang kasunod. -___-

Aish! Ayan na naman si Matthew Paasa >< Ahmp!

 eh kung sundot-sundutin ko kaya ang Puso niya ng matauhan siya? Oh kaya naman sundot-sundut--

"HOOOY!!!!"

"AY HINDOT!!!!!!" napahawak ako sa Dibdib ko sa kaba.. Grrr.. "Lyka! Bakit kaba ng gugulat diyan?!!"

"PWAHAHAHA! AY HINDOT? WAHAHAHAHA!" leshe! -__- Tsk. Naglakad na ko at iniwan ko na ang Mukhang baliw na si Lyka dun. Maya-Maya, May umakbay naman sa'kin

"Ganda mo padin, kahit simple ang suot." Nakangiti niyang saad. Namula ata pisngi ko dun. Naglalakad lang kami hanggang sa Tumigil kami sa...

"Marriage Booth?" taas kilay na tanong ko. Humarap naman siya sa'kin ng Nakangiti.

"Will you Marry me?" Wth? Narinig ko naman ang Impit na tilian ng mga estudyante.

"Baliw." saad ko.

"Haha! 'to naman, gusto ko lang maranasan maikasal sayo. Baka kasi sa Future Hindi pala tayo." Nakangusong saad niya. Tsk. 

"Zeus, tigil-tigilan mo 'ko ha." saad ko, Kumindat naman siya na lalong ikinatili ng Mga estudyante. Ano ba ginagawa ng Mga 'to dito? Kinapa-kapa naman niya ang Bulsa ng Pantalon niya tapos may nilabas na...

"Ayiiiiiieeeh!"

"Grabeeeee.. Sweeeet ni Zeus!"

"Sila ba? Waaaaahhhh! Akin lang si Zeus!"

 NakngTokneneng! -__- Naglabas po siya ng SINGSING po! Hindi siya yung singsing na iniisip niyo ha? Singsing siya na Pambata po! PAMBATA! kaya nagtataka ako kung bakit nagtitilian ang mga estudyante. Anong sweet sa ginawa niya? Magbibigay na nga lang ng Singsing yung JaPEKE pa. ay ano ba yan! ano ba 'tong iniisip ko. Tsk..

"Marry me." nakangiting saad niya. Loko 'to ah.

"Ulul. Bangag. toyo.patis. suka. magto---" di ko natapos ang sasabihin ko ng sumabat siya.

"Toyong ano? Yung Sakto? Bagay pala tayo kasi... ~Saktooooo Ikaw ang gusto ko, may asim at alat magkaBAGAY tayo.. saktoooo~~~" Halaaaa?! Napanganga nalang ako ng bigla siyang Kumanta tapos may step pa! Napatawa nalang din yung mga estudyanteng nakapalibot sa'min.

"Pffft--Hahhahahahaha! Ahahahaha! hahaaha!" di ko na napigilan ang pagtawa. Ang cute niya kasi habang sumasayaw at kanta siya.. Ano bang kanta yun? haha.. NapaPout naman siya..Inayos ko naman ang pagkakatayo ko ng Naging seryoso ang Mukha niya. Tatalikod na sana siya ng Hawakan ko siya sa kamay . "Oh siya, Halika na't magpakasal. Bago kapa Mabaliw diyan." sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Umaliwalas naman ang mukha niya.

"Talaga? Pakakasalan mo'ko?" masiglang tanong niya.

"Aba'y, Oo! Kunwaring kasal lang naman ito. kaya halika na." Lalo namang lumapad ang ngiti niya.. -___-

Gitara [Completed]Where stories live. Discover now